Pilipinas
~ Enero 6, 1918~
“Naipanganak na ho Don Manuelito ang anak nila Doktor Adam Kley at Senyora Luisa,” saad ng isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ng pamilya Valenzuela.
Kasalukuyang nakaupo ngayon si Manuelito sa kaniyang opisina habang hawak-hawak ang tipikal na alak na lagi niyang iniinom gabi-gabi.
“Lalaki ba ito o babae?” tanong nito sa kaniyang tauhan matapos uminom ng alak at sirain ang natitirang parte ng hawak niyang sigarilyo.
“Lalaki ho ito Don,” sagot ng tauhan na siyang dahilan upang unti-unting mapangiti ngayon si Manuelito sa hindi malamang dahilan.
Ngunit natigilan ito nang may kumatok sa pintuan ng kaniyang opisina. Tinanguan nito ang tauhan upang pagbuksan kung sino man ang nasa likod nito.
Isang babae ang bumungad sa Don habang hawak-hawak ang isang sanggol mula sa kaniyang mga kamay.
Agad-agad na tumayo si Manuelito at agarang lumapit sa babae.
“Tanya, anong ginagawa mo rito? Gabi na ha,” saad ni Manuelito na siya ngang hinalikan sa noo ang babae.
Ang babae ay ang napangasawa nito na mula sa pamilya ng mayayamang negosyante sa Cebu. At ang dala-dala nitong sanggol ay ang apat na buwang gulang nilang panganay.
“Nais ko sanang tabihan mo kami ng ating anak sa pagtulog,” nakangiting sagot ni Tanya na siyang dahilan upang mapangiti si Manuelito at tinanguan nga ang asawa bago pa man halikan sa noo ang kanilang anak.
~ Oktubre 8, 1943~
Unti-unting tumigil ang puting sasakyan sa tapat ng abandunadong pabrika at lumabas mula rito ang isang binata na siyang nagmadaling pumasok sa loob ng pabrika habang tarantang inililibot ang paningin niya nang dahil sa takot na baka nasundan siya nila Mary at Tobias.
Agaran nitong binuksan ang pintuan ng pabrika na siya ngang umalingaw-ngaw sa buong paligid dahil halos dikit na ang pintuang ito sa sahig. Kaya naman unti-unting gumalaw si Pineal mula sa pagkakatulog nang marinig niya ang pagdating ng binata.
“Ang akala siguro nila ay mahuhuli nila ako,” nakangising saad ngayon ng binata na siyang naglalakad na ngayon palapit sa sofa na malapit lamang kay Pineal.
Umupo siya rito at napapikit nga saglit nang dahil sa pagod na dala ng makikipaghabulan niya kina Mary kanina.
“Hinding-hindi muna nila ako makikilala sa ngayon,” patuloy ng binata na siyang unti-unti ngang iminulat ang kaniyang mata at sabay ibinaling ito kay Pineal na kasalukuyang hinang-hina na at hirap na halos kung huminga.
“At isa pa, mas gusto kong makilala ako ni Tobias sa oras na makumpleto ko na kayong apat,” nakangising saad ng binata na siyang tumayo sa pagkakaupo upang lapitan ngayon si Pineal. “Dahil mas gusto kong patayin kayo ng sabay-sabay.”
_________________________
“Primero en la familia Valenzuela?” kunot noong tanong ni Mary na siya ngang unti-unting ibinaling ang tingin kay Tobias.
Kay Tobias na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin napapakalma ang sarili at nanginginig ngang kinuha ang gamot mula sa bulsa niya.
At sa hindi nga inaasahang pagkakataon ay nahulog ito at natapon sa lupa nang dahils a panginginig ng kaniyang mga kamay. Dahilan upang pilit niyang abutin ang isang tableta ng gamot ngunit natigilan ito at nanlaki ang mga mata nang tapakan ni Mary ang tableta dahilan upang madurog ito sa harapan niya.
Umupo ngayon si Mary sa lupa at sa eksaktong pinagdurugan niya ng tableta at tiyaka niya tinignan ng diretso sa mata si Tobias.
“Valenzuela,” saad nito na hindi nga maintindihan ni Tobias. “Nakikilala mo ba ang apelyedong yaon?”
Hindi malaman ni Tobias kung bakit itinatanong ‘yon ni Mary sa kalagitnaan ng pagsumpong ng sakit niya. Tila ba wala itong pakialam sa nangyayari sa binata at casual lamang siya nitong kinakausap.
“A—ano bang ibig mo sabihin? Umalis ka riyan Mary at ibigay mo sa akin ang gamot,” hirap nga kung sabihin ni Tobias dahil panay nga ang pikit nito sa tuwing sumasakit ang kaniyang ulo at kung ano-anong tunog at bulong ang naririnig niya.
“Ang mga Valenzuela, nakikilala mo ba sila Tobias?!” bulalas ni Mary ngunit sa halip na sagutin siya ni Tobias ay pwersahan siyang inalis nito sa kaniyang harapan upang makakuha ng gamot mula sa mga nakakalat na tablet sa lupa.
Nang akmang isusubo na nga ni Tobias ang tabletang napulot niya ay muli’t muli siyang napigilan ni Mary nang biglaan siyang sampalin nito dahilan upang mahulog muli ang hawak nitong tablet.
“Ano bang ginagawa mo?!” bulalas ni Tobias na halos mamula na nga sa inis at galit ngunit natigilan ito nang isang nakakarinding tunog ang pumasok sa kaniyang tenga dahilan upang agaran siyang mapatakip ng kaniyang tenga at maluha nga sa kawalan.
“Ibigay mo sa akin ang gamot!” sunod na sigaw nito na siya ngang gumapang upang kumuhang muli ng tableta ngunit agad na pinagsisisipa ni Mary ang mga ito.
Dahilan upang tuluyan na ngang magwala si Tobias at pilit na pinag-aabot ang mga tableta ngunit hindi niya na tuluyang nagawa nang hawakan ni Mary ang braso niya at pwersahan siyang pinaharap sa kaniya.
“P—parang awa mo na, ibigay mo sa akin ‘yan,” pagmamakaawa ni Tobias nang makita ang hawak-hawak ni Mary na panibagong bote ng gamot niyang pampakalma.
Unti-unting lumapit si Mary sa kaniya at sabay abot ng bote ngunit hindi pa man nahahawakan ni Tobias ito ay agad din lang na binawi ni Mary ang gamot.
“Limang minuto,” sambit ngayon ni Mary habang diretsong nakatingin kay Tobias.
Natigilan si Tobias at napatingin sa lupa nang dahil sa kadahilanang tila ba pamilyar sa kaniya ang kasalukuyan nilang senaryo ni Mary.
“Teka lamang Zane, huwag mo muna siyang turukan hangga’t—“
“H—huwag turukan?” hindi makapaniwala at gulong-gulo ngayon si Zane sa narinig niya. “Nahihibang ka na ba kuya Tobias?! Kung hindi ko pa siya tuturukan ay maaaring mamatay siya dahil sa pagkukumbulsyon niya!”
Pwersahan ngang inalis ni Zane ang pagkakahawak sa kaniya ni Tobias.
“Sampung segundo.”
Ngunit natigilan muli siya nang iharang ni Tobias ang kaniyang sarili sa daraanan niya papunta sa kay Hanelle.
“Ano bang ginagawa mo kuya Tobias?! Papatayin mo ba ang kapatid ko nang dahil diyan sa kahibangan mo?!”
“Umalis ka riyan kuya Tobias!”
“Apat na minuto,” patuloy ni Mary habang hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa mga mata ni Tobias.
Unti-unting ipinikit ni Tobias ang kaniyang mga mata habang hawak-hawak ang magkabilaan niyang ulo nang dahil sa sakit na idinudulot nito ngayon.
“Hans, umalis na kayo rito!” sigaw ng isang babae na nakahandusay na sa sahig habang duguan na ang iba’t ibang parte ng kaniyang katawan nang dahil sa mga tama ng baril na natamo nito mula sa pagyakap niya sa mga anak upang hindi sila matamaan nito.
“Mamá, hindi,” umiiling na saad ni Tobias na siya hawak-hawak ngayon ang kamay ng kanilang ina. “Hinding-hindi kita bibitawan at mas lalong hinding-hindi ka namin iiwanan dito.”
“Tobias, anak, iwanan na ninyo ako rito bago pa man sila pumunta rito upang hulihin kayo,” sagot nito sa kaniyang anak na siya na ngang pwersahang inalis ang pagkakahawak nito sa kaniyang kamay gamit ang natitira niyang lakas.
“Mamá, hindi!” pagpupumilit pa nga ni Tobias na siyang pilit ngang pinipigilan ang pagdurugo sa parteng tiyan ng kaniyang ina na may tama ng baril.
Umiling si Luisa at pilit ngayong pinipigilan ang pagluha. Hindi niya akalain na ito na ang magiging katapusan ng kaniyang buhay at ang huling pagkakataon na masilayan niya ang mga pagmumukha ng kaniyang mga anak. Ibinaling nito ang tingin sa kaniyang panganay na si Hans at tiyaka ito unti-unting tinanguan.
“T—tobias, kailangan niyo ng umalis anak.”
Wala na ngang nagawa pa si Tobias nang buhatin na siya ni Hans palayo sa kanilang ina.
“Kuya, bitawan mo ako! Hindi natin maaaring iwanan rito ang mamá!”
Saglit pa ngang natigilan si Hans at nag-alangan na iwanang ganoon ang kanilang ina. Maski siya ay nagpipigil ngayon ng luha niya ngunit kailangan niyang magpakatatag upang iligtas ang kaniyang tatlong kapatid.
“Sige na Hans umalis na kayo!”
“H—hindi, hindi, hindi! Kuya Hans parangawa mo na bitawan mo ako!”
“Hindi! Kailangan nating balikan ang mamá kuya Hans! Kailangan kong bumalik!”
Sunod-sunod na bulalas ni Tobias na siyang pabiglang tumayo at tulirong nagtatatakbo sa kalsada dahilan upang manlaki ang mga mata ni Mary sa gulat.
Agad na pumasok ang dalaga sa kotse upang kunin doon ang turok na agaran niyang nilagyan ng gamot na pampakalma. At saktong paglabas nga nito sa kotse ay nadapa nga ang binata sa hindi kalayuan dahilan upang gamitin niya itong opurtunidad upang patakbong pumunta sa kinaroroonan nito.
“Bitawan mo ako! Kailangan kong iligtas ang aking mamá!” pagpupumiglas ni Tobias nang magawa na siyang hawakan ni Mary.
“Sinabi ng bitawan mo ako!”
At halos mapapikit nga ngayon si Mary nang aksidente siyang itulak ng pagkalakas-lakas ni Tobias dahilan upang maisubsob siya sa magaspang na kalsada na siyang nagdulot ng malaking gasgas sa pareho niyang tuhod.
Unti-unti itong tumayo at sinawalang bahala ang sugat niya sa tuhod. At matapos non ay buong lakas nitong pinigilan si Tobias sa akma niya ulit na pagtakbo at walang pasubaling tinurukan ito ng gamot sa kaniyang kamay nang mahawakan na ito.
“Bitawan mo ako! K—kailangan kong iligtas—“
Unti-unting kumalma at ipinikit ni Tobias ang kaniyang mga mata nang lumipas ang minuto na tuluyan na ngang tumalab ang gamot na itinurok ni Mary.
“Ang buo kong akala ay sa loob ng limang minuto ay makakaya mong pakalmahin ang iyong sarili,” saad ni Mary na siyang napaupo na nga sa lupa katabi ng pinagkahandusayan ngayon ni Tobias. “Ngunit mukhang hindi tulad ng kapatid ni Zane ay mananatiling kailangan mo pa ring dumipende sa gamot.”
_________________________
“Naiinip ka na ba?” tanong ngayon ng misteryosong binata na siya ngang nakangising sinisilayan kung gaano ngayon nahihirapan si Pineal.
Unti-unti itong naglakad palapit sa binata at tiyaka ito binulangan.
“Dahil kung oo ay may kaonti akong sorpresa sa iyo.”
Kasabay non ang pagbukas ng pintuan ng pabrika at ang pagpasok ng isang batang lalaki na kasalukyang kinakaladkad ngayon papasok ng dalawang tauhan ng misteryosong lalaki.
Nakapiring ang mga mata ng batang lalaki at nakatali ang kaniyang mga kamay.
“Narito na ang aking sorpresa Pineal.”
“Kuya Pineal?” gulat na tawag ng batang lalaki na pilit ngang kumakawala ngayon sa pagkakatali sa kaniya.
“J—jonas?” halos hindi makapaniwalang tawag ni Pineal sa kaniyang kapatid.
“B—bitawan niyo ang kapatid ko!?” bulalas ni Pineal na siya ngang walang pasubaling pinilit na makaalis sa pagkakatali sa kaniya kahit pa na kaonti na lamang ang lakas na natitira sa kaniyang katawan. “Parangawa mo na, huwag mong idadamay si Jonas sa galit mo sa aming ama.”
“At bakit hindi? Kung maghihiganti na rin lang ako ay dapat sinusulit ko na!” bulalas ng lalaki na siya ngang sinabayan niya ng nakakakilabot niyang paghalakhak na siyang umalingawngaw sa buong pabrika.
“Parangawa mo na, pakawalan mo ang kapatid ko!”
“Itali niyo na ang batang iyan tulad ng pagkakatali sa kaniyang kuya.”