“Jonas?” tawag ni Mary kay Tobias na kasalukuyan nga ngayong nakaupo sa isa sa mga upuan sa parke ng ospital. Alas-sais na ngayon ng umaga at unti-unti na ngang sumisikat ang araw na makikita sa bulubunduking nasa likuran ng ospital. “O’ Ate Mary, magandang umaga,” nakangiting bati ni Jonas dito na siyang umurong nga upang makaupo sa tabi niya si Mary. “Ang aga mo atang nagising ngayon,” ani ni Mary na siyang humigop nga sa hawak niyang mainit na kape. “Actually, I didn’t slept at all,” sagot ni Jonas na dahilan upang mapatingin sa kaniya ngayon si Mary at makita ngang nakapikit na ito ngayon. “Nakita mo na ang Kuya Tobias mo?” tanong ni Mary na siyanga niyang hinuha kung bakit hindi nakatulog ang binata. Marahang tumang

