“J—jonas?” Agad-agad na tumakbo si Tobias upang yakapin ang kaniyang nakababatang kapatid na halos limang taon na rin niyang hindi nakikita. “J-jonas, verzeih mir, wenn ich gerade zu dir zurückgekommen bin, (J—jonas, patawarin mo ako kung ngayon lamang kita binalikan)” tugon ni Tobias na siyang unti-unti nga ngayong kumawala mula sa pagkakayakap at dahil nga hindi ito makapaniwala na makitang muli ang kanilang bunsong kapatid. “Binatang-binata ka na Jonas,” natutuwang patuloy ni Tobias na hindi nga maialis ngayon ang ngiti sa labi ngunit natigilan ito nang hindi siya inimik nito at kasalukuyan lamang nga itong nakatingin sa kaniya ng diretso habang wala ngayong kaemo-emosyon ang kaniyang mga mata. “Bakit ka pa bumalik?” ang tanong ni Jonas na si

