Tahimik at malalim ngayong nag-iisip si Bernard habang nakaupo sa mga upuang nagsisilbing hintayan ng mga kamag-anak ng mga pasyenteng inooperahan nila. Kagat-kagat niya ngayon ang kuko ng kaniyang hintuturo habang tila tulala at malalim ang iniisip. “Nahanap mo na ba ang pinapahanap kong tao sa iyo Enrico?” tanong ngayon ni Bernard kay Enrico habang nakaupo sila ngayon sa pahintayan ng klinika. Tumango si Enrico bilang sagot kasabay nang pag-abot niya ng isang brown envelope kay Bernard. “Mukhang sinuswerte ka dahil ang taong hinahanap mo ay kasalukuyang narito rin ngayon sa Pangasinan,” paliwanag ni Enrico habang sinusuri ni Bernard ang mga litrato ng taong pinapahanap niya na siyang mukhang nasa bayan din na ito ngayon. “N—narito siya sa Pilipinas? Bakit siya narito? Anong gina