“Anong ginagawa niyo rito?” Agad-agad na napaiwas ng tingin ang matandang lalaki na siyang sinubukan ngang makatayo mula sa kaniyang pagkakahiga ngunit sa kasamaang palad ay wala na itong sapat na lakas upang magawang makatayo. “Bernard, kailangan na nating maaalis ang bala sa tiyan niya,” saad ngayon ni Tobias na siyang agad-agad ngang nilapitan ang matanda nang bigla itong napasigaw dahil sa pagsakit ng sugat niya. Unti-unting napahinga ng malalim si Bernard na kalaunan ngay ibinaling ang tingin kay Mary. “Nakahanda na ba ang kwartong gagamitin para sa operasyon?” tanong nito sa dalaga na siya rin namang tinanguan siya. “H—hindi! Hindi ako papayag na ikaw ang siyang mag-aalis ng bala sa tiyan ko,” nauutal na saad ngayon ng matanda na siyang dahilan upang tignan siya ngayon ng dir