Kabanata 1 |Bukang Liwayway|

2017 Words
Pilipinas ~ Enero 9, 1944~ “Tatlong buwan? Sinayang natin ang tatlong buwan na iyan Emmanuel para lamang hintayin na tumino ang dalawang magkapatid,” sunod-sunod na bulalas ni Mary mula sa opisina kung saan naroon din ngayon sina Mary, Bernard, at Helda. “Ate Mary, hindi natin pwedeng pilitin si Hans na sabihin kung saan naroon ang dokumento at kapwa natin alam na si Tobias lamang ang maaaring makagagawa non,” sagot sa kaniya ni Helda na siyang sinubukan ngang pakalmahin kanina si Mary ngunit nang dahil sa pagkaubos nito ng pasensya ay hindi na nga nila ito magawang pakalmahin. “Isa pa ‘yon! Ilang buwan pa ba ang hihintayin natin para matigilan siya sa kabaliwan niya?” sunod ngang tanong ni Mary na siyang nagpipigil ng inis niya ngayon. “Mary, mahirap ba intindihin na mahirap ang dinadanas ngayon ni Tobias. Nawalan siya ng kapatid at magpahanggang ngayon ay hindi pa niya nahahanap ang isa pa niyang kapatid,” sagot ni Emmanuel sa kaniya. “Sabihin na nating nagluksa pa rin siya magpahanggang ngayon? Ngunit Emmanuel hahayaan nalang ba natin na ganito at wala tayong ibang gagawin? Lumilipas ang araw at wala pa rin tayong nagagawa para pabagsakin ang institusyon,” sagot ni Mary na siyang dahilan hindi lang siya ang matahimik kundi maging ang tatlo. “Kung wala kayong balak na gawin ay marapat na lamang sigurong tumiwalag na ako sa grupo at ako mismo ang maghahanap ng ibang bagay na magpapabagsak kay Doktor Willson Morgan,” patuloy ni Mary. “Mary,” tawag sa kaniya ni Bernard ngunit hindi niya lang ito hinarap bagkus ay buntong hininga lamang itong lumabas sa opisina. “Kakusapin ko lamang siya saglit,” paalam ni Bernard na siyang tumayo na nga sa pagkakaupo at patakbong sinundan ang dalaga. _________________________ "Mary!” tawag ni Bernard sa dalaga at hinawakan ang pulso nito upang matigilan sa paglalakad. “Saan ka ba pupunta?” “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko roon kanina?” sarkastikong tanong ni Mary na siyang pwersahang inalis ang pagkakahawak sa kaniya ng binata. “Narinig ko, pero talaga bang titiwalag ka sa grupo? Mary, malalaman ito ng iyong maman (ina) at paniguradong hindi iyon papayag sa gusto mong gawin,” saad ngayon ni Bernard na siyang napasinghap pa nga sa kalagitnaan ng kaniyang pagsasalita. “Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin Pitt,” diretsahang saad ni Mary habang diretso ngayong nakatingin sa mata ni Bernard. Dahilan upang matigilan ang binata at mapaiwas ngayon ng tingin kay Mary. “Oo alam kong ikaw nagsisilbing mata ni maman (ina) habang ginagawa ko ang misyon ko rito pero bilang kaibigan man lang sana Bernard—“saglitang napapikit ang dalaga bilang pagpipigil sa kaniyang inis na nararamdaman ngayon. “Hayaan mo nalang muna ako sa pagkakataong ito Pitt. Kung talagang gusto mong magkaayos ulit ang pagkakaibigan natin ay huwag mo akong pipigilan sa mga susunod na habang na gagawin ko. At huwag na huwag mong susubukan na isumbong ako sa aking ina dahil talagang hindi ako magdadalawang-isip na putulin ang pagkakaibigan nating dalawa.” Naistatwa si Bernard sa kaniyang kinatatayuan at hindi na nagawa pang pigilan si Mary nang tuluyan na itong tumalikod sa kaniya at naglakad pababa ng hagdan. _________________________ Kasalukuyang nakaupo ngayon si Tobias sa kalapit na kamang kinahihimlayan ng katawan ni Pineal. Nakasuot si Tobias ng makapal na kasuotan dahil sa lamig ng kwartong kinalalagyan ngayon ng katawan ni Pineal. Habang suot-suot sa ibabang parte ng kaniyang mukha ang kiruhiko (medical mask) upang maiwasang malanghap ang masangsang na amoy ng formaldehyde o ang kagamutang na nagpapabagal sa pagkabulok ng katawan ni Pineal. Halos tatlong buwan nang nakahimlay ang walang buhay na katawan ni Pineal nang dahil sa pagbabakasakali ni Tobias na mabuhay muling ito tulad ng nangyari kay Hans. Ngunit ayaw niyang tanggapin ang katotohanan na hindi tulad ni Hans ay namatay si Pineal nang dahil sa natamo nitong mga tama ng baril sa katawan. Patuloy at patuloy pa rin nitong pinipili na umasang mabuhay muli ang tatlong buwan ng patay. “Hindi kita susukuan Pineal, alam kong darating ang oras na magbubuhay ka rin tulad ni Kuya Hans,” saad ni Tobias habang hawak-hawak ngayon ang naninigas at nanlalamig na kamay ni Pineal. “Kapag dumating ang oras na iyon ay hindi ako magdadalawang isip na hagkan ka ng sobrang higpit. Ich weiß, du wirst zu mir zurückkehren Pineal. (Alam kong babalikan mo ako Pineal)” “Hindi na siya babalik Tobias.” Natigilan si Tobias at napalingon sa kaniyang likod kung saan naroon ngayon si Mary na hindi man lang niya namalayan na kanina pa nakatayo roon. “Anong ginagawa mo rito Mary?” tanong ni Tobias na siya ngang tumayo at iniharang ang sarili mula kay Mary at sa katawan ni Pineal. Dahil sariwa pa sa ala-ala nito ang pagtatangka ng dalaga na kunin ang bangkay ng kaniyang kapatid upang ilibing na ito sa lupa. “Patay na ang kapatid mo Tobias at isang kahibangan ang maniwala kang mabubuhay pa siya,” walang kurap na saad ni Mary habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Tobias. Dahilan upang mapailing ng ilang beses si Tobias. “Nagkakamali ka! Buhay pa siya Mary at sa takdang oras ay magigising din siya.” “Kahit ilang taon ka pang mag-antay ay hinding-hindi na tatayo ang bangkay na ‘yan Tobias! Dahil matagal na siyang patay, matagal ng patay, matagal ang kapatid mo!” Natigilan ngayon si Tobias kasabay ng unti-unting pagtulo ng kaniyang mga luha sa mata kasabay ng dahan-dahan na pagbabalik ng ala-ala nang matagpuan nila ang bangkay ni Pineal sa isang lumang pabrika.   “Emmanuel, bilisan mo!” bulalas ni Tobias na kasalukuyang nakaupo ngayon sa tabi ni Emmanuel na siyang kasalukuyang nagmamaneho ng sasakyang sinasakyan nilang ngayon nila Mary at Zane. Hinahabol nila ngayon ang puting sasakyan na siyang nagbato ng bato sa kwarto ni Hans kanina na naglalaman ng litrato nila Pineal at Jonas. Halos sabay-sabay silang napayukod nang nagpaulan ng baril ang taong sinusundan nila. Agad din naman napalabas ng baril sina Zane at Mary na sinundan ni Tobias sa pakikipagbarilan sa karga ng putting kotse. Hanggang sa dumaan ang ilang minuto na nahabol at kapantay na nila ang kotse dahilan upang makita nila ang misteryosong lalaki na nakasuot ng salakot. At halos mahulog sa bangin ang putting kotse nang matamaan ni Mary ang kamay ng lalaking nakasalot. Natigil ang kotse dahilan upang agaran ding itigil ni Emmanuel ang pagmamaneho kasabay ng sabay-sabay nilang paglabas mula rito. “Saan mo idinala ang mga kapatid ko?!” nanggigilaating bulalas ni Tobias habang hawak-hawak na ngayon sa kwelyo ang lalaki at unti-unti nga nitong inalis ang salakot na nakatakip sa halos kalahating mukha ng lalaki.. Nakangisi ang lalaki habang nakatingin ngayon ng diretso kay Tobias. “Sa wakas at nakita rin kita Doktor Tobias,” nakangising sagot ng lalaki. “Nasaan ang mga kapatid ko?!” bulalas muli ni Tobias na mas hinigpitan pa ang hawak sa kwelyo ng lalaki. “Hindi mo man lang ba tatanungin kung sino ako?” pag-iiba ng lalaki sa usapan dahilan upang hindi na makapagpigil pa si Tobias at sinuntok ng pagkalakas-lakas sa mukhang lalaki. “Wala akong pakialam kung sino ka, ang gusto kong malaman ay kung saan naroon ang mga kapatid ko!” “Pwes hindi ko sasabihin kung nasaan sila,” saad ng lalaki kasabay ng pag-alingawngaw ng isang putok ng baril. “Tobias!” Unti-unting naramdaman ni Tobias ang tumamang bala sa tiyan niya mula sa baril na hawak ng lalaki. Dahilan nga ito upang agad-agad na pinaputukan ni Emmanuel ang lalaki na akmang babawi pa nga pero agad siyang pinaputukan muli ni Emmanuel ng magkakasunod dahilan upang tuluyan na siyang mabawian ng buhay. “Tobias?” tawag ngayon ni Mary kay Tobias na siyang tinulungan itong makatayo. “Kailangan ka naming ipunta sa pagamutan,” saad ngayon ni Emmanuel na siya ngang tinulungan ngayon si Mary sa pagtulong kay Tobias na makatayo. “H—hindi,” hirap na saad ni Tobias habang hawak-hawak ang nagdurugo niyang tiyan dahilan upang kunot noo siyang tignan ngayon nila Mary. “K—kailangan nating pumunta roon,” patuloy nito kasabay ng unti-unti niyang pagturo sa isang lumang pabrika na malapit ngayon sa kinaroroonan nila. Naalala nito ang litrato kung saan kita ang itsura ng lugar na kinaroroonan ng kaniyang mga kapatid. Sa likuran ng mga ito makikita ang iba’t ibang mga makina na sa isang pabrika lamang makikita kaya’t malakas ang kutob niya ngayon na maaaring ang pabrikang kaharap nila ang siyang kinaroroonan nila. Agarang binuksan ni Mary ang pintuan ng lumang pabrika habang inaalalayan naman ngayon nila Emmanuel at Zane ang paika-ikang si Tobias na halos mamutla na ang labi dahil sa pagdurugo ng tama niya sa tiyan. Agad na naglakad ang apat paloob ng pabrika hanggang sa halos sabay-sabay silang natigilan nang makita ang isang katawan na nakasabit sa kisame ng pabrika. “P—pineal?” Halos maistatwa si Tobias na siyang nanlulumo nang makita ang katawan ng kaniyang kapatid na tila ba wala ng buhay. “H—hindi, hindi, hindi! Pineal!” sunod-sunod na bulalas ni Tobias na umalis sa pagkakahawak nila Emmanuel at tumakbo upang hawakan ang paa ni Pineal. “Hindi maaari! Pineal hindi!”   “Hindi, hindi pa siya patay Mary!” bulalas ni Tobias na siyang ibinaling ang tingin sa kapatid at muling hinawakan ang nanlalamig nitong mga kamay. “Patay na siya Tobias at wala ka ng magagawa kundi tanggapin ito!” sigaw ni Mary na siyang hinakawan ang braso ni Tobias at pwersahang pinaharap ito sa kaniya. “Tobias, baka nakakalimutan mong may mga kapatid ka pang dapat na iligtas,” saad ngayon ni Mary habang walang kurap na nakatingin sa mga mata ng binata. “Kailangan mo pang iligtas si Jonas at kailangan mo pang ipaghiganti ang iyong mga magulang, si Pineal, at Doktor Hans.” Dahilan nga ang sinabing ito ni Mary upang matigilan ng tuluyan si Tobias. “Kailangan mong tanggapin na wala sa kamay natin ang pagpapatakbo ng buhay. Kung oras na niya ay oras na niya. Matagal na siyang patay Tobias at nais kong maalala mo kung ano ang huling kahilingan nito sa iyo.” Umaasa akong ikaw ang makakahanap ng mga pag-aaral na yaon kuya Tobias dahil alam kong wala ako sa katinuan ngayon upang magawa ito.  Nawa’y magtagumpay at mag-iingat ka Kuya Tobias. “Nais niyang hanapin mo ang sulat at bigyan ng hustisya ang mga pasyente o taong nabiktima ng institusyon,” patuloy ni Mary. “Nawa’y naalala mo ang kahilingan iyon Tobias.” Seryoso at walang kurap ngayong tinignan ni Tobias ang dalaga. “Sa tingin mo ba ay nakalimutan ko ang kahilingang yaon Mary? At sa tingin mo ba talaga ay wala akong gagawin upang maipaghiganti si Pineal sa taong may gawa sa kaniya nito?” _________________________ Sa isang padilim na iskinita naroon ang isang lalaking nakasuot ng itim na salakot. Sa iskinitang iyon natigil ang isang sasakyan. “Nahanap mo na ba ang pinapahanap kong impormasyon?” bungad na tanong ng lalaking bumaba mula sa kotse. Kapansin-pansin ang mataas na tindig nito at ang maputla nitong balat. Tumango ang nakasalakot na lalaki sa kaniya at iniabot ang isang sobre. “Nahanap ko na ang mga impormasyon ng doktor na pinapahanap mo.” Agad niyang kinuha ang sobre at inilabas ang mga laman nitong mga litrato at dokumento. “May dalawang anak ang Doktor Manuelito Valenzuela,” patuloy na saad ng lalaki. “H—hindi,” saad niya nang matignan ang mga kargang dokumento at litrato. Halos maistatwa ito sa kinatatayuan habang pahigpit-pahigpit na ngayon ang hawak sa mga dokumento. “Imposibleng siya ang may pakanan ng lahat,” hindi makapaniwalang sambit nito na siyang dahilan upang mapasinghap ang nakasalakot na lalaki. “Hindi malabong nasa plano niya ang pakipagkaibigan sa iyo”—saad ng lalaki dahilan upang mapakagat ngayon ito sa ibaba ng kaniyang labi nang dahil sa pagpipigil niya ngayon sa galit—“Doktor Tobias.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD