Pilipinas
~ Nobyembre 20, 1943~
“Kuya Tobias?”
“Kuya? Naririnig mo ba ako?”
Unti-unting iminulat ni Tobias ang kaniyang mga mata at halos manlaki ang mata niya nang makita si Pineal na nakangiti sa kaniya ngayon at iniaabot ang kaniyang kamay.
Tinanggap ni Tobias ang kamay nito at agad ngang bumangon mula sa pagkakahiga.
“Pineal? B—buhay ka?” hindi makapaniwalang sabi ni Tobias na agarang hinagkan ang kapatid nang mahawakan ang pisngi nito upang masigurong buhay. “Sabi ko na at babalik ka.”
“Kuya,” saad ni Pineal na siyang kumawala sa pagkakayakap at tinignan ng diretso sa mata si Tobias.
“Nagawa mo ba ang pinapagawa ko sa iyo?” nakangiting tanong nito na siya namang kinunutan ng noo ni Tobias.
“P—pinapagawa? Anong pinagawa mo sa akin Pineal?”
Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ni Pineal na siyang seryoso ngayong tinignan si Tobias.
“Kuya huwag mong sabihin na hindi mo nagawa ang aking kahilingan?” seyosong tanong ni Pineal na siya ngang tinignan ni Tobias gamit ang nagtataka niyang mga mata habang gulong-gulo ngayon sa mga sinasabi ni Pineal.
“Kuya, hindi mo nagawa? Nagtiwala akong magagawa mo pero hindi mo nagawa?!” sunod-sunod na bulalas ni Pineal na siyang nanggigigil na ngayon sa galit habang sobrang sama ng tingin kay Tobias.
Unti-unting napaatras si Tobias mula kay Pineal nang makita ang pagbabago ng kulay ng mata ni Pineal na unti-unting nagiging itim ang buo niyang mata.
“P—pineal ano bang sinasabi mo? Anong hindi ko nagawa?”
“Hindi mo nagawa!?” sigaw nito na umalingawngaw sa buong paligid at dahilan upang mapatakip ng tenga si Tobias.
“Wala kang kwenta kuya! Hindi mo nagawa ang kaisa-isang kahilingan na hiniling ko sa iyo!”
“P—pineal hindi ko alam ang tinutukoy mo,” nauutal na saad ni Tobias na siyang nakapikit na ngayon habang takip takip ang kaniyang tenga.
“Pineal!”
Hingal na hingal na bumangon sa pagkakahiga si Tobias habang basang-basa na ang damit na pantulog nang dahil sa walang humpay na pagpawis nito habang nananaginip.
Napahawak ito sa kaniyang dibdib at unti-unting ibinaling ang tingin sa katabing mesa kung saan naroon ang isang bote ng gamot na pampakalma niya.
Tatlong tabletas ang kaniyang ininom mula rito kaakibat ng pagbabakasakaling mas eepekto ito kung dadagdagan niya ang dosi (dosage) kahit pa na minsan ay nagdudulot ito ng mga kakaibang pakiramdam tulad ng pagdalaw ng mga masasamang panaginip at pagkasaksi ng mga guni-guni.
“Kahilingan?” unti-unting tanong nito nang maibaba na ang baso ng tubig na pinaginuman niya.
Unti-unti nang bumabalik sa normal ang pagtibok ng kaniyang puso ngunit naroon pa rin ang takot at pagtataka niya sa naging panaginip niya kanina.
Tumayo ito mula sa pagkakahiga at pumunta sa kalapit na aparador kung saan kinuha niya roon ang isang baul na kinalalagyan ng mga importanteng gamit niya tulad na lamang ng huling sulat sa kaniya ni Pineal.
Umaasa akong ikaw ang makakahanap ng mga pag-aaral na yaon kuya Tobias dahil alam kong wala ako sa katinuan ngayon upang magawa ito. Nawa’y magtagumpay at mag-iingat ka Kuya Tobias.
“Ang dokumento ng papá,” saad nito matapos ang huling linya sa sulat ni Pineal.
“Kailangan kong ipagpatuloy ang misyon kong pagpapabagsak sa institusyon kasabay ng paghahanap ko ng impormasyon patungkol sa Valenzuela.”
~ Enero 9, 1944~
“Hindi malabong nasa plano niya ang pakipagkaibigan sa iyo”—saad ng lalaki dahilan upang mapakagat ngayon ito sa ibaba ng kaniyang labi nang dahil sa pagpipigil niya ngayon sa galit—“Doktor Tobias.”
“At hindi rin malabong pinaglalaruan niya kami ngayon,” saad ni Tobias na ngayon ngay tulala at hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang nasagap na impormasyon. “Hindi ko akalain na nasa tabi ko lang pala ang pumatay kay Pineal at may hawak ngayon kina Manang Selma.”
“Ano ng balak mo ngayon Doktor Tobias?” tanong sa kaniya ng lalaking nakasalakot dahilan upang ibaling niya ang tingin dito.
“Ang sabi rito Enrico ay buhay pa ang ina ni Doktor Manuelito Valnezuela?” tanong nito na siyang tinanguan naman agad ng lalaki.
“Oo Doktor Tobias at kasalukuyan siyang hawak ngayon ng isa sa mga pagamutan ng Willson Research Institute,” sagot ng lalaki na dahilan upang matigilan ng tuluyan si Tobias.
“W—willson Research Institute?” panganglaro ni Tobias na agad din namang tinanguan ni Enrico.
“Bakit ito hawak ng institusyon at anong kinalaman nito sa maaaring motibo niya sa paghihiganti sa amin?”
_________________________
Unti-unting itinigil ngayon ni Tobias ang sasakyan niya sa tapat ng bahay na tinitirhan niya ngayon kasama ang mga myembro ng Telos.
Nang eksakto siyang bumaba sa sasakyan ay halos manlaki ang mata niya sa gulat nang bumungad sa kaniya si Mary na kasalukuyang nasa harapan ng pintuan at walang kurap siyang nakatingin ngayon sa kaniyang mga mata.
“O, Mary, bakit gising ka pa?” tanong ni Tobias na siyang isinara na ang pintuan ng sasakyan.
“Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa iyo ngayon?” baling na tanong ni Mary na siyang naglalakad na ngayon palapit sa binata habang seryoso at diretso pa ring nakatingin dito.
“Saan ka nanggaling Tobias? At bakit tila napapadalas ata ang pag-alis mo ng ganitong oras?”
Napaiwas ng tingin si Tobias na kalaunan ay ngumiti sa dalaga upang itago ang kaniyang kabang nararamdaman ngayon.
“S—sadyang hindi lang ako makatulog kaya’t nakasanayan ko nang umalis ng ganitong oras upang magpahangin at maglibot-libot lang sa bayan,” paliwanag ni Tobias ngunit natigilan ito nang biglang ilapit ni Mary ang kaniyang mukha dahilan upang halos ilang pulgada nalang ang layo ng kanilang mukha sa isa’t isa.
Hindi makagalaw ngayon si Tobias sa kaniyang kinatatayuan at sa hindi malamang dahilan ay tila ba bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso nang dahil sa ginawang yaon ni Mary.
Walang kurap ngayong nakatingin ng diretso si Mary sa mga mata ni Tobias. “Menteur. (Sinungaling)”
“Mary? Tobias? Anong ginagawa niyo rito sa labas?”
Halos sabay na nanlaki ang mata ng dalawa at sabay rin na lumayo sa isa’t isang nang marinig ang katanungang yaon ni Emmanuel.
“N—nakakaistorbo ba ako?” nakangiti ngayong tanong ni Emmanuel dahilan upang samaan siya ng tingin ni Mary.
“Nagkakamali ka sa iyong iniisip Emmanuel,” panganglaro ngayon ni Mary. “Kinukumpronta ko lamang si Tobias.”
“Kinokompronta saan?” nagtatakang tanong ngayon ni Emmanuel na siyang ibinaling ang tingin kay Tobias.
“Kung bakit—“
“Kinokompronta niya ako kung nasabi na ba sa akin ni kuya Hans ang patungkol sa dokumento ng aking papá,” saad ni Tobias na siyang nagpatigil sa sasabihin ni Mary.
Kunot noong tinignan ngayon ni Mary si Tobias na siya ngang nakatuon ngayong ang tingin kay Emmanuel. Hindi niya mawari kung bakit yaon ang sinagot ni Tobias gayong hindi naman iyon ang tunay na nangyari.
“G—ganoon ba? Mayroon ka na nga bang nasagap na impormasyon sa iyong kuya?” tanong ngayon ni Emmanuel kay Tobias habang nakatuon rito ang buong atensyon niya.
“W—wala pa akong nalalaman. Kung malaman ko man kung nasaan ang dokumento ay hindi ko naman ililihim sa inyo ito,” sagot ni Tobias na siyang dahilan upang mapangiti at mapatango ngayon si Emmanuel.
“Gayon nga Tobias dahil kakampi mo kami sa laban na ito at hindi ka na iba sa grupo namin dahil kung tutuusin ay myembro ka na rin namin.”
_________________________
Ngayon ngay kasalukuyang nasa tapat si Tobias ng pintuan ng kwarto nila ni Hans.
“Tobias!”
Ngunit natigilan ito sa akma niyang pagbubukas ng pintuan nang tawagin siya ni Mary.
Nilingon niya ito at kinunutan ng noo. “M—may problema ba Mary?”
Unti-unting naglakad si Mary palapit sa kaniya habang nakatingin ngayon ng diretso sa kaniyang mga mata.
“Kung inaakala mong maniniwala akong nagpapahangin ka lang sa mga oras na umaalis ka sa bahay na ito ay nagkakamali ka,” saad ni Mary na siya namang nginisian ni Tobias.
“Hindi kita pipilitin na maniwala Mary.”
“Tandaan mo Tobias, ano mang lihim ang pilit mong itatago ay lalabas at lalabas pa rin ito,” sagot ni Mary na siyang puno ng paghihinala ngayon sa mga inaakto ni Tobias. At nakadagdag pa nga ang pagsisinungaling nito kay Emmanuel kanina kaya’t malaki ang hinala ni Mary na may malaking bagay ang inililihim si Tobias sa kanila.
“Mauna na ako,” paalam ni Tobias na tuluyan nang binuksan ang pintuan at pumasok na sa kwarto ni Hans.
_________________________
Unang ginawa ni Tobias nang makapasok sa kwarto ay ang ibagsak ang kaniyang sarili sa kama nang dahil na rin sa pagod nito.
“T—tobias? Ikaw na ba ‘yan?” sunod-sunod na tanong ni Hans mula sa kabilang kama na kasalukuyan ngayong tulala sa pader.
“Ako nga kuya Hans,” sagot ni Tobias sabay bangon sa pagkakahiga at naglakad papunta sa harapan ng kaniyang kuya.
“Kamusta ka na kuya Hans?” nakangiting tanong nito sa kaniyang kuya na siyang ngang nginitian din siya.
“Ako ang dapat na nagtatanong sa iyo niyan Tobias,” baling na tanong ng kaniyang kuya na siya ngang tinapik ang tabi nito dahilan upang nakangiting umupo ngayon dito si Tobias.
“Kamusta ka na Tobias?” muling tanong ni Hans kay Tobias. “Gusto mo pa rin bang mahanap ang mga pag-aaral ng ama?”
Unti-unting ibinaling ni Tobias ang tingin kay Hans at tiyaka ito unti-unting tumango.
Hindi na umasa pa si Tobias na sasabihin niya talaga ito dahil ilang ulit nang naulit ang mga pagkakataong ito ngunit nanatiling ang isinasagot ng kaniyang kuya ay ang nakasaad na lugar sa sulat na iniwan niya rito.
Ang lugar na pinuntahan nila Tobias sa Cagayan kung saan ay wala na nga roon ang dokumento na nailipat na ito ni Hans sa ibang lugar.
Ngumiti si Hans at nilapitan ngayon si Tobias upang ibulong ang susunod nitong sasabihin.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay unti-unting natigilan nanlaki ang mga mata ni Tobias sa gulat nang marinig ang ibinulong ng kaniyang kapatid.
“Doon mo makikita ang mga dokumento Tobias, ngunit huwag mong sasabihin sa kanila ha,” pangiti-ngiting patuloy ni Hans habang parang bata ngayong sinesenyasan si Tobias na itikom ang kaniyang bibig. “Dahil sekreto lamang natin ito.”
“O—oo kuya Hans, sekreto lamang natin ito.”