"Huwag kang mag-eskandalo rito, Miss. Sinabihan ko na ang anak ko paparito kaya't kung ano man ang nais mong sabihin sa kaniya ay maghintay ka," pagpipigil ni Ginoong Arevalo sa babaeng dumating sa opisina niya. Kung kailan hindi pumasok ang anak dahil magpaparami raw ito ay saka naman may dumating. Mukhang panibagong gulo na naman ang nakaharang sa mag-asawa. "Kung sinabihan mo siya, bakit hanggang ngayon ay wala pa? Baka naman pinagluluko mo ako? Oras na hindi siya magpapakita ngayon ay ikaw ang idemanda ko!" malakas na sagot ng babae. Kulang na lamang ay makita ang kaluluwa. She's daring and seductive. "Idedemanda mo ako? For what reason? Kung ganyan ka lang din kabastos ay maari ka nang aalis ngayon din, Iha. Huwag kang mag-eskandalo dahil baka makalimutan kong babae ka," mahinahon m

