"Where have you been, Mommy, Daddy?" salubong na tanong ni Ian sa kanila pagdating na pagdating nila. "Sa office ng Lolo Aldrin ninyo, anak. Did you miss us that much?" tanong ng una huli saka kinarga ang anak na mahilig magpakanlong. "We are worried about you and Mommy. Hindi po kayo kumain kaninang umaga, at pagbalik namin galing sa palayan nila Tito Tan-Tan ay wala kayo rito. Cry nga po si Kuya Veil," pahayag nito na kahit pa sabihing may halo pang baby talks. "Thank you, Ian. Pero huwag kayong mag-alala ni Kuya Veil dahil kumain na kami ng Mommy ninyo sa office ni Lolo Aldrin," muli ay sagot niya saka kinindatan ang asawa. Nais niyang kausapin ang mga guwardiya at mga tao sa rancho kaya't iiwan muna niya sila pansamantala. Hindi naman siya aalis ng rancho kundi kailangan lang niyan

