"Hey, Cassandra, where do you think you're going?" maang na tanong ni Clarence sa anak nang makita itong nakabihis at handa nang aalis. Kaya naman agad niyang ibinaba ang hawak-hawak na tray. "Dadalawin ko si Engineer Saavedra, Daddy. Kukumustahin ko lang naman kung okay ba siya. Sasama ka, Daddy?" muli ay balik-tanong nito. "Anak, alam mo namang oras ng trabaho nila. I'm sure he's with your brother. Kinumbulsiyon ka magdamag ngunit nais mo pa siyang p pupuntahan mo sa ground deck? Maari mo naman siyang puntahan after office hours ah. Don't tell me na namimiss mo na rin siya?" Hinarang ni Clarence ang anak na papalabas na sana. Hindi nanan maaring pagala-gala na lamang ito dahil kagaya lang ng binata ay nababad ito sa tubig. Sa narinig ay natigilan dalaga. Kinapa-kapa pa niya ang sarili