"Kagaya mong engineer si Sir Thomas at mambabatas si Ma'am Cora. Deputy Director siya ng SWAT. Pero galing siya sa NTA bago naging Deputy Director. Ang tunay mong ama ay si Sir Alrdrin at ang ina mo ay si Ma'am Josephine. Kung itatanong mo kung ano ang surnames nila ay dugong Arevalo ka anak. Thomas Arevalo at Corazon Montenegro Arevalo ang mga ninuno mo. Alam kong alam mo iyan dahil may isip ka na nang pumanaw sila. At sina Sir Aldrin Montenegro at Ma'am Josephine Ruiz Arevalo ang tunay mong magulang," pahayag ni Aling Tina sa binata. "Tama ang Nanay mo, anak. Kahit hindi mo man basahin ang last will and testament ng mga ninuno mo ay kami ang makapagpapatunay diyan. Total naungkat na rin ang tungkol sa bagay na iyan ay magpatulong kang muli kina Sir Clarence sa private investigator. Sab