"Wala na ang Mama ninyo, anak," malungkot na balita ni Ginoong Aldrin sa panganay na anak. "Po? Akala ko ba ay natumba lang siya saka tumama ang ulo niya sa lamesa?!" hindi makapaniwalang sabi ni Tommy. Dahil sa pagkagulat sa ibinalita ng ama ay napalakas ang boses niya. "Oo tama ka, anak. But it's fatal kaya kahit umabot siya rito sa pagamutan ay wala ng saysay. Tinapat ako ng doctor na wala ng pag-asa and after few minutes, binawian siya ng buhay. Pero may nasabi siya para sa asawa mo." Malungkot pa ring tumango ang Ginoo. Sa tinurang iyon ng kaniyang ama ay natigilan siya. Hanggang sa huling hininga nito ay ang asawa niya ang nasa isip. Lumabas na sa mundong ibabaw ang pangalawa niyang anak ngunit ang kaniyang ina naman ang nawala. "A-ano po ang sabi ni Mama? Hanggang sa huling sand

