Three years later... "Happy graduation, anak. Sa wakas natapos mo na rin ang entrepreneurship course mo. Maari na akong mamahinga," masayang wika ni Ginoong Aldrin. "Si Papa naman, makapagsalita ay namamaalam na. Dapat sa ganitong okasyon ay magsaya tayo." Kakamot-kamot sa ulo si Tommy dahil sa tinuran ng ama. "Alam ko iyon, anak. Ngunit namimiss ko na rin ang Mama ninyo. Kaya't labis-labis akong nagpapasalamat dahil nakapagtapos ka na rin sa entrepreneurship course mo. Don't mind me, son. As you have said we should be happy for this day." Nakangiti nitong bawi sa naunang sinabi. "Siya nga pala, Papa. Nasaan si Glenda? Bakit ikaw lang ang nandito? Si Tan-Tan? Ang mga taong ito oo, inuna na naman ang date kaysa graduation ko." Napangiwi siya dahil sa naisip. And yes! Tan-Tan and Glenda

