"Congratulations, Mrs Saavedra. After three months of staying here in the hospital, you are free now. And hopefully hindi ka na muling babalik dito unless na sa OB na ang pupuntahan mo," masayang wika at panunukso ng Doctor. "And you, Mr Saavedra. Alam kong mapagmahal at maalalahanin kang asawa pero nais ko pa ring ipalala na huwag hayaang ma-stress ang asawa mo. Don't let her fall into misery again dahil hindi biro ang dadaan sa blood transfusion at dialysis. But I'm hoping that those naughty kids will be added soon." Binalingan naman nito ang asawa ng pasyente, si Tommy. Sa tatlong buwan naman kasi nilang inilagi sa pagamutang iyon ay napalapit ito sa kanila. Ewan nga lang nila kung bakit biglang naiba ang doctor bago magising ang pasyente. Ang siraulong doctor na nagsuhestiyon tungkol

