Few months later... "Saan mo gustong ipagdaos ang anibiersaryo natin this year, my love?" masuyong tanong ni Tommy sa asawa "Kahit saan basta kasama ka, my love. Pero teka lang, hindi ka pa ba pagod diyan? Aba'y para ka ng trumpo sa kapaparoo't parito ah. Trabaho, bahay, rancho, aba'y hindi naman tayo namumulubi ah," tugon ni Cassandra rito. Pero ang pinakamamahal niyang asawa ay napangiti lamang. Hindi yata ito marunong magalit kahit man lang simangutan siya. Kahit anong sinasabi niya ay napapangiti lamang ito kagaya ng oras na iyon. Nakangiti itong humarap sa kaniya. "Kailanman ay hindi ako mapapagod para sa inyo ng mga anak natin. Ang makasama kayo, makita kayo ng mga anak natin na masaya ay napapawi na lahat ang pagod ko. And this time I want something special and it's exclusively

