Nagpatuloy ako sa pakikinig at ngayon ay nasagot na nga ang mga katungang bumabagabag sa utako ko. "Kayh, hindi mo ako naiintindihan! Sinanay ako hindi para sa misyon ng organisasyon na tinutukoy mo," matigas ang boses na sabi ng asawa ko. "Alam ko, Sam! Pero apo ka ng taong bumuo nito." "Pero alam mo ring hindi ako nabibilang sa misyong iyan! Sinanay ako para sa pansarili niyang interest! Hindi sa anomang mga problema ng organisasyon niyo!" may diin nitong tugon at halatang nauubusan na ito ng pasensiya. "Ngunit wala kang choice kundi palitan siya! Wala na ang Lolo mo at ikaw ang dapat na pumalit sa kaniya." "'Di ba napag-usapan na natin ang tungkol dito, Kayh? Na kakausapin ko sila para ikaw ang pumalit sa akin. Handa ko silang harapin." "Hindi ganoon iyon kadali." "Alam ko