"Maaari ka nang umalis at mabuhay nang payapa. Bilang isang pinuno ay may mga tauhan ka na silang gagawa ng misyon na ipag-uutos mo. Ang iyong gawain ay tumanggap at tumanggi ng trabaho na galing sa gobyerno kaya kailangan mong gamitin ang utak mo. Matinding pagdedesisyun ang kailangan mong gawin. At naniniwala kaming lahat na katulad ng lolo mo ay kasing husay ka niyang magbuo ng plano at desisyon." "Kung ganoon, magtatrabaho ako kahit na sa bahay lang ako?" mausisa kong tanong upang makasigurado ako sa aking naiisip. "Kahit saan mo gusto! Basta't isipin mo ang kaligtasan ng mga tao mo. Dahil isang maling plano at desisyon ay pwedeng matapos ang kanilang buhay." Napatango ako kahit ang totoo ay kinakabahan ako. Wala naman akong dapat ipag-alala dahil hindi naman ako nabibilang sa sind