"Sige! Subukan mo nang hindi mo masukat ang kailaliman at hindi maarok ang impyerno!" buong tapang kong sabi sa walang hiyang iyon na wala talagang plano sumuko. Umiinit lamang ang ulo ko dahil sa katigasan ng ulo nito! "Patawa ba 'yan? Ni hindi naman ako natawa," nang-aasar pang asik nito at may ngiting-aso sa labi. Ang sarap lang alisin ng ngising iyon sa pangit nitong mukha. Hindi ako makapaghintay na alisin iyon! Ngayon pa lang ay para na akong sinisilaban para saktan ito! Actually, kanina pa nga! "Wala sa bokabularyo ko ang salitang magpatawa pero gusto ko nang matapos ito," seryoso kong sabi dahil sinasayang lamang nito ang ginto kong oras. Ang swerte na nga nito dahil binigyan ko ito ng aking atensyon. Kahit na hindi naman ito karapat-dapat. Ngunit lahat ng bagay ay ma