Nang magsumbong ang katulong sa nangyayari sa labas ay bigla akong naging alerto. Napatayo ako mula sa aking kinauupuan daluhan sina Sam at Ethan. Nais ko sanang tulungan sina Samantha at ang asawa nito ngunit napansin ko na sadyang weird ang mga magulang ni Sam. Ito ang unang beses na nakilala ko ang mga ito kaya hindi ko pa kilala ang mga pagkatao ng mga magulang niya. Nararamdaman ko naman na mabuti itong mga tao ngunit may kakaiba talaga sa paraan ng pag-iisip ng mga ito. Nang marinig ng mga ito ang sinabi ng katulong ay wala itong takot o pangamba sa mga mukha. Gaya ko ay lumabas din ang mga ito ng bahay pero sobrang hina ng mga lakad ng mga ito. Nilingon ko ang mga magulang ni Sam dahil naiiwan ko ang mga ito at naunang naglakad. Pero ang mas pinagtaka ko dahil hindi m