Isang oras ang byahe papunta sa resort na tinutukoy sa akin ni Ethan. Hindi ko pa nasubukang pumasyal roon pero tinapangan ko ang sariling sunduin siya. Nagkataon pa na masyadong mabigat ang trapiko sa daan kaya ang isang oras na byahe ay mas lalo pang humaba. Bukod pa roon at hindi ko pa kabisado ang lugar kaya marami akong tinanong na tao bago natunton ang lugar na sinabi sa akin ni Ethan. "Ito na ba 'yon?" tanong ko sa aking sarili at hindi rin ako sigurado dahil masyadong malaki ang resort at may dalawang gate na pwedeng pasukan. Pinili ko ang unang gate at walang sinayang na oras para i-park ang sasakyan. Pagdating ko sa loob ay marami-rami na rin ang tao. Nang inilibot ko ang tingin ko sa buong resort ay sobrang namangha ako. Napakaganda ng lugar at napanganga ako dahi