Halos gusto ko nang sumabog ngayon sa galit na nararamdaman ko. Dali-dali akong sumakay sa kotse ko at kaagad na binuhay ang sasakyan. Pinatakbo ko ang kotse patungo sa bahay at nang makarating sa tapat ng gate ay halos gibain ko na ang busina para pagbuksan ako. Naabutan ko sina Mama na umiiyak sa at kararating lang din ni Papa galing sa opisina. Wala ang mga ito sa sarili at nakitaan ko ng sobrang pag-aalala. Ang ibang mga katulong naman ay namamaga na ang mga mukha na halatang galing din ang mga ito sa paghihirap. Wala ni isa sa kanila ang nagsalita o may alam kaya napasabunot na lang ako sa aking mga buhok dahil sa pagkabigo. Tinanong ko ang isa sa mga katulong. at tiningnan siya ng napakasama na halos ikapugto ng kaniyang hininga. Parang gusto kong ibaling dito ang ak