"Ethan, napatawag ka?" nagtatakang tanong sa akin ni Kayh dahil alam nitong isa ito sa mga pinagseselosan ko. "Kayh, pwede ba kitang makausap nang personal?" diretso kong tanong sa kaibigan ni Sam. "Sige, walang problema! Tungkol ba saan?" "Tungkol sa kalagayan ng asawa ko." Diniinan ko ang huli kong sinabi. "Bakit? May masamang nangyari ba sa kaniya?" nag-aalalang tanong niya sa akin. "Wala naman, pero pwede bang mamaya na lang muna natin pag-usapan. Ite-text ko na lang kung saan tayo magkikita." Iyon lang ang huli kong sinabi at pinutol ko na kagaad ang tawag. Dalawang linggo nang walang tamang kain ang aking asawa. Minsan ay magana siyang kumqin ngunit pagkatapos ay inuubos din sa kasusuka. Hindi naging madali ang kaniyang pagbubuntis dahil masyado siyang mapili sa pagkai