Chapter 91

1302 Words

Magpapatuloy pa sana si Sister Grace sa pagsasalita nang bigla na lang sumulpot si Ethan. Nasasayangan ako sa pagkakataon dahil hindi ko nakuha ang gusto kong malaman sa buhay niya. Wala kasi siyang nakwento tungkol sa bahay ampunan. "Nako, Sister Grace! Huwag na po kayong magkwento sa kaniya! Baka sabihin mo kung gaano ako kabait, mas lalo pa iyang ma-in love sa akin," tumatawa nitong sabi at halatang ayaw niyang pag-usapan pa namin ang nakaraan niya at dinadaan lang sa biro ang lahat para hindi ako ma-offend sa sinabi niya. Sinaway ko siya sa mga pinagsasabi niya dahil nakakahiya kay Sister Grace. Nang hindi ko siya mapagawang mapatigil ay sinabayan ko siya sa mga kalokohang pinagsasabi niya. "Love, matagal na akong in love sa iyo! Patay na patay pa nga," nakangiti kong banat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD