"Love, ang dami mo nang nagawa para sa akin. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa iyo," malungkot kong turan dahil lagi na lang siya ang laging nag-aalaga sa akin. Tila nag-iisip siya ngayon kaya nag-abang na lang ako sa maaaring sabihin niya. Ngumiti siya. "Para makabawi ka sa akin, kailangan mo akong samahan. May pupuntahan tayo ngayon!" excited niyang sabi sa akin at halatang hindi na makapaghintay. Habang tinitingnan ko ang kaniyang mga mata niya ay hindi ko maipaliwanag ang mga kislap na nagniningning. Masaya akong nakikita ko siyang masaya kaya paano ako makakatanggi sa lalaking pinakamamahal ko at pag-aalayan ko ng buhay. "Kahit saan tayo pupunta basta't ikaw ang kasama ko. Hindi ako magrereklamo." Ang akala ko ay papasyal kami sa mga romantikong lugar. Pero nagk