Matapos ng matagal na pagsusuklay sa akin asawa ko ay nagpaalam na rin siya sa wakas na kukuha na ng pagkain. Hindi ko kasi inamin sa kaniya na nakakaramdam na ako ng gutom dahil hindi ko rin alam kung bakit ako nahihiya. Kung kailan mag-asawa na kami at magkasama na sa bahay ay saka pa ako nahihiya sa kaniya na para lang teenager. Habang nasa baba ito ay hiniga ko muna ang sarili ko sa kama. Napaidlip ako saglit pero kaagad din naalimpungatan nang may maramdaman akong nag-angat sa aking katawan. Nang buksan ko ang aking mga mata ay wala akong iba nakita kundi ang aking napakabait at mapagmahal na asawa. "Kumain na muna tayo at pwede ka nang matulog ulit kapag may laman na ang tiyan mo." Inayos ko ang aking upo at tiningnan ang mga pagkain. Natatakam na akong kainin iyon pero