Buong gabi akong inalagaan ni Ethan. Sa tuwing pinipilit ko siyang matulog ay ayaw niya talaga. Nakokonsensiya naman ako dahil sa tuwing nagigising ako ay nakamulat pa rin ang kaniyang mga mata. Lagi niya akong tinatanong sa nararamdaman ko at hindi na inaalala ang sarili niya na baka ito naman ang magkasakit. Dapat talaga ay pumayag na lang akong magpadala sa hospital. Kaso naisip ko rin na kapag tumuloy kami ay baka wala rin siyang gagawin doon kundi asikasuhin ako. Kahit na medyo maayos na ang pakiramdam ko dahil sa pag-aalaga niya sa akin ay hindi pa rin siya umiidlip kahit na konti. Pinapahiran pa niya ako kagabi ng basang bimpo sa katawan dahilan kung bakit bumaba ang aking lagnat. Ayaw niya talaga akong tigilan at halos minu-minuto niya akong sinusuri sa aking kalagaya