Gabi na kaming nakauwi ng asawa ko. Madilim na rin ang buong bahay nang makapasok kami sa gate. Mabuti na lamang at may dalawang kasambahay pa ang hindi natutulog dahil nagkukwentuhan sa harden. Kaya nang makita nila ang sasakyan ng asawa ko ay wala ng pasabi at binuksan na kaagad ang gate. Siguro dahil sa labis na pagod ay nakaramdam ako ng panghihilo. Gaya ng una akong mahimatay bago ko nalamang buntis ako ay ganitong-ganito rin ang nararamdaman ko. Parang umiikot ang mundo ko at ang mga mata ay talagang nasasara ang mga talukap kahit na pilitin ko itong buksan. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng aking asawa. Batid kong nababahala siya sa agarang paghawak ko ng aking noo. "Ayos lang, inaantok na kasi ako," malambing kong tugon sa kaniya at nagpanggap na wala akong