Gaya ng napagkasunduan namin ni Ethan. Matapos naming gawin ang ginawa sa banyo ay bumaba na kami para sa agahan. Masayang-masaya ako dahil hindi siya papasok sa trabaho dahil mas pinili niyang samahan ako. "Bakit parang ang aga mo yatang nag-ayos anak? May lakad ka ba?" nagtatakang tanong ni Mama dahil sabado naman ngayon. "Sasamahan po ako si Ethan ngayon, Ma. Pamimili kami sa mall ng mga gamit ni baby," maligalig kong sagot dahil sa labis na pananabik. "Hindi ba masyadong maaga pa?" si Papa naman ang nagtanong sa akin. "Hayaan mo na, hon. Ganiyan ka rin naman dati ng ipinagbuntis ko si Sam," saway ni Papa kaya natahimik na lang si Daddy. "Talaga, Ma?" "Oo, anak! Siya na yata ang pinakamasayang lalaki sa araw na 'yon," paliwanag sa akin ni Mama dahilan kung bakit ako napangi