PNN: 05

2309 Words
SAMANTALA "Ate Gracie isang sakong bigas nga po yun pong tig 50 ang kilo, tsaka isang dosenang lucky me chicken po, at isang dosena din nung beef tsaka pasama na lamang po ako ng bale anim na sardinas. Iba't ibang brand po yung ilagay mo, tatlong maanghang po tapos tatlong hindi maanghang. Saglit po ako na lang po ang kukuha ng mga sabon para hindi na kayo lumabas pa." Masayang wika ni Elora sa may-ari ng malaking tindahan sa kanilang lugar. Talagang hindi pa siya nakakabihis eh nagtungo na agad siya sa tindahan para mamili ng mga kakailanganin nila. Nagsuot na lang siya ng maiksing short para pandoble. Siguro sa susunod na lamang siya bibili ng mga under wear at ng kanyang mga damit. Medyo nakakahiya na Ninomh pa miya ang nagsabi niyon, pati na ang kanyang mga pang loob na kasuotan ito pa talaga ang nagbigay sa kanya ng pambili. Nakakahiya pero mahirap din naman kung tatnggihan pa niya. Inuna na muna niya anh pangamgailangan aa bahau kasi mas mahalaga ngayon ang pagkain dahil wala talaga silang pagkain sa bahay, tsaka hindi na talaga niya kinaya yung gutom kaya naman minabuti niya na kumain na muna doon sa maliit na karinderya sa may baba, doon medyo mura at maaari ka pang mamili ng putaheng nais mong iulam. Grabe sarap ng sarap siya sa adobong baboy at saka sa piniritong manok talagang nakailang order siya ng kanin at naubos niya yung dalawang order ng ulam dahil siguro sa sobrang gutom niya simula pa kagabi hindi pa siya kumakain. Kaya heto, ngayon eh dito na siya sa tindahan para mamili ng mga kakailanganin nila dalawa ni Cardo tsaka pinasamahan din niya ng isang kilong karneng manok dahil balak niya mag rinola para naman makakain ng masarap si Cardo mamaya pag-uwi nito. "Aba mukhang paldo ngayon si Cardo Elora ah, ngayon ka lang namili ng ganito dito mukhang iniintrigahan ka na yata ng pera para ipamili mo. Aba buti naman at mukhang nagbabago na yang asawa mo." Nakangiting wika ng may-ari ng tindahan sa kanya. Medyo malakas din ang boses nito dahil nandun nga siya sa may bandang unahan sa lagayan ng mga sabon kasi hindi na niya ito pinatayo pa kaya naman napatingin din sa kanya ang iba pang namimili. "Naku hindi po ate Gracie, binigyan po ako ng pera ng aking Ninong Minandro yung pong may-ari ng minahan na pinagtatrabahunan po ni Cardo. Ewan ko po eh mukhang naawa po sa akin ang ninong ko kaya ayan binigyan niya po ako ng medyo maawag-awag na pera. Kaya naman sinisiguro ko na ngayon na may pagkain po kami para naman hindi na mamroblema si Cardo." Sagot niya dito. "Ay si Mister Minandro La Madrid ba? Wow talagang napakagalante talaga non, mukhang malaki-laki ang binigay sayo pero Elora, mag-ingat ka doon kahit na ninong mo ay huwag masyadong katiwala. Alam mo naman ang kumakalat na balita tungkol sa lalaking iyon kaya lumayo-layo ka na lamang doon. Pero sabagay alam naman namin na talagang malapit kayo sa isa't isa lalo na ng nabubuhay pa ang tatay mo pero mag-ingat ka pa rin. Ay teka ilang kilong manok nga yung sabi mo kanina?" Pahayag nito habang inihahanda ang kanyang mga pinamili. Inilagay na rin niya kasi yung mga ilang dosenang powder at dalawang putol ng bar na sabon pati na ang iba pang mga kailangan niya katulad ng zondrox, downy at kung ano-ano pa syempre sinamahan na rin niya ng shampoo at pampaligong sabon. Siguradong matutuwa sa kanya si Cardo dahil hindi na nito gagambalain pa para manghingi siya ng pera pambili dito. Ang totoo palagi kasing galit sa kanya si Cardo kapag humihingi talaga siya ng pera kaya nga kapag inuutusan siya nitong bumili doon na lang siya bumabawi. Minsan bumibili na siya ng panigurong napkin niya para hindi na ito magalit, dati kasi nanghingi siya dito ng pambili ng napkin talagang hindi siya binigyan. Ayon nahirapan siya kasi wala talaga siyang magamit kaya naman bumili na rin siya ng maraming napkin para wala na siyang problema. Nauunawaan naman niya ang may-ari ng tindahan, sabagay talamak na talamak talaga sa kanilang lugar kung anong ugaling meron ang kanyang ninong. Na kisyo talagang napakahilig nito sa mga babae kaya alam naman niya na concern lang din sa kanya si ate Gracie. "Naku huwag po kayong mag-alala ate Gracie, kasi hindi naman po ako masyadong naglalapit sa kanya ngayon. Lalo pa po at nandiyan na po si Cardo lagi na lamang galit. Kaya umiwas din po talaga ako pero ngayon po kasi masyado po kaming gipit ni Cardo kaya tinanggap ko na lamang yung pag-alok niya na ganito. Sayang din naman po at saka sabi po ni Ninong eh maagang pamasko na lamang para makapamili din daw po ako ng ilan ko pang mga kagamitan. Inuna ko lang po talaga yung pagkain namin para kahit na isang linggo hanggang dalawang linggo ay magkakasya. Kahit na iyong bigas na lang, pwede naman maghanap na lamg ng pang ulam. Ahhmm... padagdag pa nga po pala ako ng pancit canton tsaka yang katulad ng mga tuna na yan. Kasi lagi naman po akong mag-isa sa bahay para hindi na po ako magutom. Padagdag na lamang din po ako ng dalawang dosenang itlog para naman malutuan ko si Cardo ng almusal niya sa tuwing aalis siya sa umaga." Pahayag pa niya sa ginang. "Mabuti naman kung ganun, buti na yung nag-iingat hindi yung basta basta ka na lamang magtitiwala sa mga taong kasama mo. At ikaw na tao ka hindi mo na lamang sana itinabi ang perang ibinagay sayo hindi naman sa nangingialam ako. Pero alam mo naman ang ugali ng asawa mo, palagi ka niyang ginugutom eh di kung may nakatabi ka na pera kahit na hindi ka niya bigyan o hindi siya bumili ng pagkain sa bahay ninyo ay meron kang pambili pag-aalis niya. Parang hindi naman namin kilala ang walang hiya mong asawa pero kung nabubuhay lang talaga sana noon si ang tatay mo na si manong Noli hindi mo talaga sasapitin ang ganyang buhay." Naiiling na uwi ka pa na yang ni ate gracie. Napabuntong hininga na lamang siya dahil alam na alam naman nito kung ano talaga ang buhay niya noon sa piling ng kanyang tatay. At alam din nito ang paghihirap niya kaya nga kadalasan kahit na wala siyang pera eh minsan binibigyan talaga siya nito ng meryenda pag nagagawi siya dito sa tindahan. Noon kasing nabubuhay pa ang kanyang tatay talagang suki silang dalawa, suki ni aling Gracie ang kanyang tatay dito talaga naggo-grocery iyon kahit nga magtungo na sa bayan eh dito pa rin talaga mamimili. "Gano'n po talaga siguro ang buhay ate Gracie pero okay lang po siguro naman matutuwa na sa akin ngayon ang asawa ko dahil may mailuluto na akong masarap na pagkain para sa kanya. Kaya huwag na po kayong mag-alala minsan kasi sa aobrang pagod niya kaya ayun ang bilis bilis uminit ng ulo pero mabait naman po ang asawa ko." Pahayag niya, pero napailing na lamang ito at mukhang hindi kumbensido sa sinabi niya. Maya-maya ay kinuwenta nito ang mga pinamili niya umabot din ng mahigit tatlong libo. Sinabi naman ng ginang naipapa-deliver na lang ang bigas niya dahil hindi nga naman niya iyon kayang buhatin. Nang makauwi siya eh panay pansin sa kanya sa daanan ng mga taong nakatingin sa kanya. Pero may mga bumabati sa kanya at natutuwa dahil nga sa may dala-dala siyang mga pagkain at grocery. Mukha daw na pumaldo si Cardo at nabigyan na siya ng pang grocery, iyon na lang din ang sinabi niya sa mga ito na. May nagsalita pa na mukhang hindi na daw siya mabubugbog pag-uwi dahil sa maraming pagkain amg dala niya. Para sa mga ito, normal na rin ang mga ingay at pagsigaw at pagpalahaw niya ng iyak. Ni wala na ngang pakialam ang mga ito kahit humihingi siya ng tulong. Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad at pagdating sa bahay ay masaya na siyang naghanda ng kanilang hapunan ni Cardo. Siguradong ngayon pauwi na iyon kaya medyo inagahan niya na magluto, tiyak na sasarapan ito sa ulam nila at baka maging good mood pa ito pag-uwi nito at hindi na sinasaktan pa. Pakanta-kanta pa siya habang nagluluto, sinimulan na niyang lutuin ang tinolang manok pero nagsalang na rin siya sa kabilang pugon ng kanin. Para sabay na niyang maluto. Dalawa kasi ang pugon doon, kahoy ang ginagamit nila at ayon, bukas na bukas ay magsisimula na naman siyang mamulot ng mga tuyong kahoy sa parangam dahil paubos na naman ang kanilang gatong. Baka magalit na naman sa kanya si Cardo, mahirap na baka masaktan na naman siya nito ng wala sa oras. Siya din kasi ang naghahanap ng kanilang panggatong hindi kasi bumibili ng gasul si Cardo dahil gastos lang daw. Wala naman daw siyang ginagawa sa bahay kaya dapat lamang na siya ang nag-iipon ng kahoy, tama lang na sa kahoy daw magluluto para iwas gastos. Sobrang saya niya ng matapos na siyang magluto dahil sa medyo marami naman iyon at isang kilo naman yung binili niya. Ang ginawa niya ay nagsandok siya ng isang mangko at ibinigay niya sa kanyang kapitbahay na napakabait din sa kanya. Palagi siyang hinahangyaan na maghukay ng kamote para may makain siya, at pag may sobrang pagkain ito ay binibigyan naman siya. "Ate Aning tao po," tawag niya sa labas ng bakuran ng kapitbahay niya. "Oh Elora, ano iyan? Aba may biyaya yata ako ah." Wika ng kanyang kapitbahay na minabuting lumapit na sa kanya nasa labas kasi siya nasa may gate at medyo malayo pa ang bahay ng mga ito. "Ulam po ate Aning, nagluto po ako," masayamg turan niya. "Aba naman, mukhang nabigyan ka yata ng maawag-awag ni Cardo ah, himala nagbibigay na siya ngayon ng pera para pamalengke mo. Salamat naman, ay wow tinola. Diyos ko noong nakaraang buwan paako nakatikim ng tinola maraming salamat Elora ha, sana laging ganyan na lamang kayo si Cardo para hindi ka na nagugutoman," masayang wika ng kanyang kapitbahay. "Sana nga po Ate Aning, sige po balik na rin po ako sa bahay kasi baka po dumating na po si Cardo tapos makita na nandito ako baka magalit na naman," Nakangiting paalam niya sa kapitbahay. "Siya sige maraming salamat ulit dito Elora ha," Magiliw na pasasalamat ng ginang. Bahagya lamang siyang tumango dito at ngumiti. Pagbalik niya ng bahay minabuti niya na maglinis na lamang, inayos din niya ang kama meron kasi silang medyo maayos na papag doon pero kadalasan kasi hindi siya pinapahiga doon ni Cardo. Matapos siyang laspagin nito eh, pinapaalis na siya at pinapahiga siya doon sa maliit na sala. Doon siya sa sahig, pero okay lang din naman yun para hindi na rin magalit ang lalaki kaya sumusunod na lang siya dito. Matapos niyang maglinis lahat ay minabuti niya na maligo na lang, ganun kasi yung sinasabi ni Cardo hindi pwedeng amoy pawis siya. Hindi pwedeng hindi pa siya nakakaligo pagkarating nito. Kapag nakarating na ito eh ginagawa nito lahat, halos hindi siya tigilan hanggat hindi nahsasawa. Tapos ganyan ulit sa gabi, kaya nakakasawa na rin at nakakababa ng pagkatao. Pero wala naman siyang magagawa obligasyon niya iyon dahil asawa niya ito kaya hindi siya maaaring tumanggi. Pagkatapos niyang maligo eh nagtungo na siya sa kanilang kwarto, nagtungo siya doon sa kanyang lumang durabox na pinaglalagyan ng iilang piraso niyang damit. Maging ang kanyang mga panty ay halos katulad din ng suot niyang panty kanina sa minahan, sana lang kung saan nahulog huwag naman sanang may makakita pa dahil nakakahiya. Ang ginawa niya eh naghanap ng maayos-ayos na panty nakakita naman siya ng medyo maayos pa ang garter yun nga lang may butas din sa may puwet. Pero okay na yun nakatago naman eh kaya nakapag-decide siya na ang natitirang pera ay ipapamili niya bukas. Hindi naman siguro magagalit si Cardo na gagastusin niya ang pera sa damit niya at sa mga pangangailangan niya kasi para sa kanya naman yun. Ibinigay naman ng kanyang ninong tsaka bumili naman na siya ng mga kailangan nila sa bahay kaya okay na siguro iyon. Baka magtungo na lamang siya sa bayan bukas para makapamili ng kanyang mga damit. Kakatapos lang niya ng gawaing bahay, umupo na siya sa may maliit na balkonahe tsaka binuksan niya ang malaking chichirya na kanyang nabili kanina, iyon na muna ang kakainin niya habang hinihintay ang kanyang asawa. Habang kumakain siya eh hindi niya maiwasang naisip yung sinabi ng kanyang Ninong Minandro kanina. Ganda sana ng offer, makakawala na sana siya sa impyernong buhay na ipinaparanas sa kanya ni Cardo. Pero hindi pa rin kasi nawawala sa kanya yung pag-asam na magbabago ang kanyang asawa, na darating din ang panahon ng magiging okay sila. Iyong bang ipaparanas sin nito sa kanya yung pagiging tunay nitong asawa. Hindi yung ganito na para bang lagi na lamang siyang ginagawang parausan ng lalaki, tapos kapag galit o kaya ay may problema sa kanya ibinubuntong lahat. "Elora! Elora! Madali ka ang asawa mo!" Nagulantang siya sa aigaw ng kung sino. Si Noel iyon, ka-tropa ng kanyang asawa. "Ha?! Bakit?!" Gulat na tanong niya. Agad siyang napatayo ng makita ang kanyang asawa na papalapit at nag-aamok animo papatay ng tao pero duguan ang bibig nito, at may black-eye. "Tang*na! Hindi pre gaganti ako!" Sigaw ng kanyang asawa. "A-Asawa ko, anong nangyari sayo?!" Nag-aalalang tanong niya pero tinabig lang siya nito. Napasubsob tuloy siya sa may upuang kawayan. "Pre, awat na. Wala tayong laban don, gago mukhang tulisan ang mga iyon. Pasalamat ka na nga lang binuhay ka pa!" Wika pa ni Noel. Doon naman kumalma ang kanyang asawa. Pero halos magliyab ang mga mata nito ng mapatingin sa kanya. At nagulat na lang siya ng biglang hablutin nito ang buhok niya. "Araaayyy koooo.... Cardooo wagggg...." palahaw niya dahil halos matuklap na ang anit niya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD