"Tangina mong hayop ka dahil sayo kung bakit nangyari ito sa akin eh! Narinig ko ang sinabi ng isang bandito, sabi niya huwag daw akong maging bakla na kinakaya-kaya lamang ay babae. Ang harapin ko daw ay siya! Aba imposible naman na nagkataon lang iyon, ibig sabihin may alam siya! Siguro ang hayop na ito ang nagsumbong sa mga bantido na yun. Para saktan ako, aahh tangina mo! Pinapalamon kita, pinatira kita ng libre dito sa bahay ko! May gana ka pang magsumbong sa kung kaninong poncho pilato, para lamang makaganti sa akin!" Gigil na gigil si Cardo habang hawak-hawak ng mahigpit ang buhok ni Elora.
"Aahh! Cardooo... arayyyy... ang sakit... p-parang awa mo na... walaa akong alam sa sinasabi mo... b-bitiwan mo na ang buhok ko... aray ko sobrang sakit maawa ka naman bitawan mo ako! W-wala akong ginagawang masama... ahhh araayyyy...
" sunod-sunod na palahaw niya habang tinatangka niya na alisin ang mahigpit na pagkakasabunot ng kamay nito sa kanyang buhok.
Halos magmakaawa siya sa lalaki tudo sigaw din siya tudo palahaw ng iyak at humihingi din siya ng saklolo pero ang mga kapitbahay nila kahit na si Ate Aning ay talagang hindi na lamang nangingialam lalo na kapag ganun.
Galit na galit si Cardo, galit na galit sa kanya. Ang kaibigan naman nito ay mas minabuti na umalis na lamang at hindi na sila pakialaman pa.
Samantalang humihingi siya ng tulong dito parang naduduwag ito na ewan na para bang tinalikuran lang siya kahit na alam naman na nito na kailangan niya ng tulong.
"Wala kang alam ha, wala ka pa lang eh alam mo namang ikaw lang ang binubugbog kong babae. Wala naman akong ibang binubugbog dahil ikaw lang naman ang tatanga-t*nga at ipokrita. At malas sa buhay ko na binubugbog ko!" Galit na galit na pamukha pa nito sa kanya.
Tapos bigla siya itong sinampal ng malakas, halos matulig ang kanyang buong pagkatao dahil sa ginawa nitong paghampas na iyon. Pakiramdam niya ay may malaki at sobrang lakas na bell ang tumama sa kanyang tenga dahil sa malakas na pagtapon ng malapad nitong palad sa kanyang pisngi.
"M-Maawa ka naman Cardo, hindi ka na ba talaga titigil sa kakapanakit sa akin ha kahit wala akong kasalanan, s-sa akin mo sinisisi? Imbes na sana ginagamot ko yung mga sugat mo, imbis na sana nagpapahinga ka at napapatingin natin yang mga sugat mo sa center, nagawa mo pa na yung natitira mong lakas eh gamitin mo para saktan ako. Tama naman na! Sobrang sakit na talaga hindi pa nga gumagaling yung mga pasa ko kanina sa minahan, sinaktan mo na naman ako tapos ngayon na naman hindi ka pa talaga nagsasawa?!" Hindi na talaga siya nakatiis sumagot na siya dito.
Ang sasama na nga ng mga pinagsasasabi nito pati ba naman kung ano-ano pang pagbabanta, tapos yung pang sasabihin nito na siya ang may kasalanan at siya ang may kagagawan kung bakit nabugbog ito, eh wala naman siyang ginagawang masama dito.
Ipinagluto na nga at lahat ganito pa ang gagawin sa kanya.
Natigilan ito mukhang hindi na inaasahan ang pagsagot-sagot niya dito..
Akala ni ay titigil na ito akala niya kahit papaano matatauhan ito sa mga sinabi niya ngunit isang malakas na suntok ang pinakawalan nito at tumama iyon sa kanan niyang pisngi.
Tumba siya sa lupa, talaga umikot ang kanyang paningin at panandalian nagdilim iyon.
Doon na siya pumalahaw ng iyak, sumigaw siya ng sumigaw.
Pero walang lumalapit kahit na nagmamahawa na siya tinawag niya si Ate Aning pero hindi ito lumapit, kilala kasi nito ang kanyang asawa na kapag may nangialam talagang magagalit ito.
Magwawala at mag-aamok, kukuha ng itak para maghamon kaya siguro wala talagang nagtatangkang tumulong sa kanya.
Ilang beses niyang ipinilig ang kanyang ulo, alam niya sa sarili niyang walang makakatulong sa kanya. Alam niya na hindi ititigil si Cardo kapag sumagot pa siya ng sumagot.
Kaya naman ang ginawa niya dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakalugmok sa lupa at kahit na mabato sa lugar na iyon, dahil nga nasa labas sila ng bahay at may lupa doon lumuhod siya habang magkadaop ang kanyang dalawang palad.
May maliliit na bato doon pero hindi na niya iyon alintana, at tila nagdadasal sa harapan ito na paulit-ulit niya sinasabi na patawarin na siya na hindi na siya uulit, na hindi na siya sasagot pa ulit.
Napansin na niya ang bahid ng dugo sa kanyang pisngi parang pumutok ngayon sa suntok ng lalaki. Maging ang kanyang bibig ay may lumalabas ding dugo. Pero ilang beses na rin naman niyang naranasan yung ganun kaya nasanay na siya pero malala ngayon kasi sobrang lakas ng pagkakasuntok nito sa kanyang pisngi.
Akala niya ay titigil na ito, akala niya ay maaawa na ito sa kanya dahil umiiyak siya habang nakaluhod na nagmamakaawa dito ngunit nagkamali siya isang tadyak na naman sa kanyang sikmura ang pinakawalan nito.
Halos mapugto ang kanyang hininga dahil sa malakas na pagtadyak na ito na iyon lalo siyang tila parang mawawalan ng ulirat, ang ginawa niya para siyang nauubusan ng lakas na gumapang na lamang para makalayo dito.
Ngunit parang wala ito sa sarili ganun pa rin nanlilisik pa rin ang mga mata at linapitan siya na noon ay abala sa paggapang niya pabalik sa kanilang bahay.
"Aahhh... Tama na Cardooo, pleaseee tama na.. hindi ko na kaya.. maawa ka sa akin.." halos paputol-putol ang kanyang boses habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Habang nagmamakaawa dito, para bang pakiramdam niya eh mawawalan na siya sa katinuan dahil sa pananakit nito sa kanya. Na hindi na niya talaga makayanan yung sakit, hindi niya maipaliwanag parang gusto na lamang niya mamatay ng mga sandaling iyon.
"Umamin ka na kasi sa akin, sinabi ko sayo alam ko na ikaw ang dahilan kung bakit ako binugbog ng mga walang hiyang bandido na iyon! Siguro may kabit ka dun 'no?! Siguro nakipagkilala ka sa mga hayop na iyon, kaya ako tinambangan eh. Tangina, alam ko na ako lang talaga ang pakay nila hindi nila sinaktan yung dalawa kong kasama eh! Ako lang, ako lang ang talagang tinarantado nila, iyong dalawa kong kasama pinatalikod lang nila. Hindi nila sinaktan pero ako halos mamatay ako sa pambubugbog nila. At alam ko na ikaw ang may kasalanan noon, kaya humanda ka kulang pa yan! Kulang pa yan hayop kang babae ka! Lintik lang ang walang ganti!" Halos mangalaiti ito habang binabanggit ang mga katagang iyon.
Tapos ang mga mata nito ay nagliliyab sa galit, samantalang hindi naman niya alam kung anong mga sinasabi nito. Wala siyang kilalang bandito o ano pa man kaya bakit siya pagbebentangan nito.
"M-Maawa ka na, tama na Cardo... Aahhh... Diyos ko....Cardoooo waggggg.... Tulongggg... tulong poooooo...." palahaw na naman niya.
At sobra-sobrang pagmamakaawa kasi wala na namang babalang hinila nito ang kanyang buhok at hinilahila siya nito papasok sa loob ng kanilang bahay.
ITUTULOY