“Aaahh! Aray ko Cardo, nasasaktan ako! Tama na!” Pagmamakaawa ni Elora sa live in partner na si Cardo.
Suntok dito, suntok doon, sipa dito, sipa doon.
Iyan ang mga pananakit nitong patuloy niyang iniinda.
“Ah ganon ha! Masakit ha?! Masakit! Itong sayo!”
“Arrghhh…. Cardo t-tama naaaa…” halos panawan siya ng ulirat ng isang malakas na sipa na naman ang pinakawalan nito, sapul siya sa sikmura.
Nakahandusay na nga siya dahil sa pagsuntok nito sa kaniyang mukha na ngayon ay purong violet na dahil sa tama ng matigas nitong kamao.
“Sabi ko sayo! Gumawa ka ng paraan na may mailuto, hindi ko sayo sinabi na humilata ka lang sa bahay at magpasarap! Habang ako, kayod kalabaw na sa pagkakabod! Tapos pupunta ka dito para humingi sa’kin ng pambili ng pagkain! Gaga! Mukha ka talagang perang hayop ka!” galit na galit na singhal pa nito.
Tsaka ilang beses pa siya nitong sinipa. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak na lamang.
Ang mga kasamahan naman nito sa minahan ay napapailing na lamang at ayaw ng makialam pa sa away nila dahil hindi naman na iyon bago, sa loob ng mahigit tatlong taon nilang pagsasama.
“Aray kuuuu… Aaahh.. Cardo, parang awa mo na tama na! Aarghhh…” pagmamakaawa pa niya habang napapadaing na lang dahil sa sakit na tinatamasa.
“Alam mo naman kasi na ayaw na ayaw kong pupuntahan mo ako dito! Eh ikaw na si tanga, simpleng instraksyon hindi pa makaintindi!” Tsaka tinapakan siya nito sa noo at halos mamula ang kanyang mukha dahil diniinan nito ang pagtapak sa kanya.
Pakiramdam niya halos mamuo na ang dugo sa banda pa roon. Pero sanay na siya, sa mga sugat, pasa at sakit ng katawan na sanhi ng pambubugbog nito.
Halos hindi pa nga gumagaling ang mga sugat at mga pasa na tinamo niya sa pambubugbog nito ng isang araw heto na naman ginagawa na lamang siya nitong pangtyembag.
Hindi naman ito ganun noon sa kanya. simula lang ng mawala ang kanilang baby na gaya ng sinasabi nito dahil sa kanya kaya nawala ang baby.
Malaki daw ang kanyang pagkukulang kaya nawala ang first baby nila samantalang ito naman talaga ang may kasalanan, dahil sa wala nga itong pakialam kahit kabuwanan na niya mas inuuna pa rin nito ang kahiligan.
Lasing ito ng sapilitan siya nitong angkin, 8 months na ang tiyan niya kaya sa mga kababuyang ginawa nito kaya dinugo siya. Tuluyang nawala ang kanyang baby, sa hilot pa siya nito sinala, ni hindi siya nadala sa ospital. Barangay clinic pa ang nagpaabot ng tulong para sa gamot niya, ito wala ng ginawa kundi uminom ng uminom.
At matapos iyon, mas naging malupit sa kanya ang lalaki. Wala naman siyang ibang matatakbuhan, mga kamag anak ng kanyang tatay ay hindi siya tinatanggap.
“Wala ka naman binibigay na pera sa akin kaya wala akong pambili, kahapon sinabi ko naman na sayo na wala na tayong bigas at walang pang ulam ngayon eh, pero inubos mo pa rin sa pag-inom at sugal ang naparte mo. Kaya, w-wala talaga akong nailuto man lang. Kaya nga humihingi ako sayo kahit pambili lang ng bigas.” umiiyak na paliwanag niya dito.
“At nangangatwiran ka pang hayop ka! Halika nga, pota ka breaktime naman namin mabuti pa magpaiy*t ka na lang sa akin ng may pakinabang ka pa!” wika pa nito pero hindi na siya sinipa.
Bagkus pilit siya nitong pinatayo at agad na kinaladkad sa isang baracks doon.
“Cardo, pleaseee wag naman dito oh! Parang awa mo na, wag dito!” pagmamakaawa niya dito pero huli na agad siya nitong sinunggaban.
Marahas na pinatuwad at agad hiniklas nito ang suot niyang pa*ty.
“Aaahh…. Wagggg aray koo ohhhh…. Cardo, wag ayaw koooo ahhh..” pagmamatigas pa niya, ang totoo masasakit pa ang kayang gilid ng kanyang hiyas dahil sa paulit-ulit siya nitong inangkin kagabi.
Walang pag-iingat at talaga halos magkandasugat-sugat na ang kanyang hiyas.
Bubwelo na lamang ito ng biglang…
“TING! TING! TING!”
Tunog ng bell ng mga ito.
“P*tangina! Panira naman oh!” Galit na turan nito.
“Cardo, meeting daw sabi ni boss!” Narinig niyang sigaw ng isa sa mga kasamahan nito.
“Tang*na talaga ng Ninong Minandro mo oh! Kupal eh, wrong timing lagi! Pwe!” galit na tungayaw nito at talagang pinagsabihan pa ng masama ang kanyang Ninong Minandro.
Ang kanyang Ninong Minandro kasi ang may-ari ng minahan na iyon, ninong niya sa binyag talagang nagvolunteer ito na maging ninong niya noon dahil ito at ang kanyang tatay noon ay nagsimula lamang din sa mahirap.
Iyon bang talagang literal na magkakabot, tiga gadgad ng lupa para makahanap kahit kakarampot na ginto.
Pero itong Ninong Minandro niya kasi ang sinwerte at ang tatay naman niya ay hindi pinalad na swertehin, dati ng mayaman ang kanyamg Ninong pero ang kanyamg tatay ay naging tauhan na nito.
Pero kahit ganon hindi pa rin nagbago ang turingan ng mga ito, nais pa mga sana ng kanyang Ninong na gawing kasosyo ang tatay niya, bale may parte lang din ito sa kita kahit 10% lamg daw.
Pero may prinsipyo kasi ang kanyang tatay, hindi ito basta-basta mapapasunod ng kung sino kung labag aa kalooban nito. Ayaw daw nitong abusuhin ang pagkakaibigan nila.
Umaasa pa rin ang kanyang tatay na ang pagmimina ang makakapag ahon sa kanya sa kahirapan katulad ng matalik na kaibigan.
Ngunit walang nangyaring ganon, dahil ikinamatay nito ang pagkakabod nagkataong nasa loob ito ng tunnel at nagkaroon ng aberya.
Nagkaroon ng lindol at ayun na kasama ang kanyang tatay sa naguhuan ng gumuhong tunnel.
Kaya naman mag-isa na siya sa buhay at ayan nga naging ka-live in niya si Cardo, wala kasi siyang ibang mapagpipilian pa kung hindi makipag-live in lang para mabuhay.
Kasi ang inaasahan lamang niya noon ay ang kanyang tatay, wala na rin kasi ang kanyang nanay. Tanging silang dalawa na lang ng tatay niya ang natira pero minalas pa ito kaya maaga siyang iniwan.
Nangako naman ang kanyang Ninong Minandro na hindi siya pababayaan na kahit may asawa na siya eh kukuhain na nito ang kanyang asawa para maging trabahador.
Para hindi sila maghihirap pero ayun nga lang, ganito ang nangyari talagang kinalimutan ni Cardo ang lahat ng pangako nito sa kanya noong bago sila magsama.
At maging pangako nito sa kanyang ninong at ngayon nagagawa na nitong murahin ang kanyang ninong samanthalang ito ang kaisa-isang taong tumulong sa kanila.
Itinulak kasi siya nito ng marahas halos mapasubsob na siya sa mesang nasa kanyamg harapan nito sa kanya, ngayon magpasalamat sa bell na iyon dahil mukhang nailigtas siya ng wala sa oras.
“Tangina kahit wala naman wala sa tamang oras may patawag-tawag pa ng meeting! Hayop swertehin lang talaga ako sisiguraduhin kung mamalasin sa buhay ang walang hiya mong Ninong na yan! Bwesit!” Galit pang turan nito.
Siya na naman ang may mali para dito, ang tindi talaga mg pag-aalila nito sa kanua. Dapat nga maging masaya siya dahil nakaligtas siya sa mapang-abusong asawa.
Minsan napapatanong na lamang siya na, hanggang kailan pa siya magtitiis?
Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakahalugmok doon sa lamesang pinagtulakan ng asawa sa kanya. Hindi niya maiwasang hindi maiiyak dahil sa hirap na pinagdadaanan mula sa piling ng asawa. Aamantalang dapat inaalagaan siya dahil ito ang pangako nito sa kanyang tatay.
Pero ang mga pangakong iyon ay nakalimutan na nito at ngayon, sa isang taong nabubuhay sa impyerno lahat na ata ng paghihirap, masasakit na salita ay naranasan na niya sa kanyang asawa.
Tinignan niya ang kanyang panty, wala lang paraan para maayos pa iyon kasi punit na punit yung isang bahagi ng kaya hindi na maisuot sa kabilang hita niya.
Tapos ang kanyang suot naman na palda ay napunit din kaya namomroblema tuloy siya kung papaano siya lalabas sa baracks na iyon?
Kalalakihan ang karamihang tao sa lugar na iyon dahil nga iyon ay minahan pwera na lamang kung may mga manghihingi ng biyaya. Lalo na kapag napapabalita na nagkakaramihan ng minang ginto. Marami doon pumupunta ang mga kababaihan at halos mga asawa at kamag-anak din ng mga tauhan ng kanyang ninong.
Minabuti niya na hinarin na lamang ng tuluyan ang kanyang panty at saka sinipat-sipat niya iyon tinitingnan niya kung may paraan pa. Pero mukhang wala na talaga.
Ang kanyang palda naman, siguro mas mainam kung hawakan na lamang niya iyon at magmadali na lamang na umalis sa lugar na iyon para walang makahalata.
Napabuntong hinilinga na lamang siya at kahit na masamang masama pa ng loob, pinunasan na lamang niya ang kanyang luha. Susubukan lamang niyang umalis sa lugar na iyong walang nakakapansin.
Siguradong darating siya sa bahay ng gutom. Mararanasan niya ito maghapon hanggang magdamag at kung si swertehin baka bukas pa siya makakain hindi siya makakain dahil wala na talaga siyang pera kahit piso.
Wala ring bigas na maaari niyang isaing siguro makikiusap na lang siya sa kanyang kapitbahay na manghingi ng kamote.
Halos wala na pa namang laman ang kamote ng kanilang kapitbahay dahil binebenta din ng mga ito pero dahil sa sitwasyon niya ay naintindihan naman siya ng may-ari. Kaya lang halos wala na rin talagang laman iyon pero susubukan na lang niya kahit dalawang piraso sigurado mabunusog na rin siya doon.
Dati naman na siyang nagtanim sa bakuran ng bahay ni Cardo pero nagalit ito at pinagbubunot iyon. Kalat lang daw iyon, at nasaktan pa siya nito ng malala. Kaya simula non di na sya nagtanim muli ng kahit na ano.
Ilang sandali pa at nagpasya na siyang lumabas sa kubol na iyon ngunit bubuksan na lamang niya ang pintong yari sa kawayan ng nipa ng biglang...
"Hiwalayan mo na ang demonyo mong asawa! Sumama ka sa akin sa bahay ko, doon ka na titira!"
Literal na nagulat siya ng biglang may magsalita sa kanyang likuran. At lalong nanlaki ang kanyang mga mata ng mapagsino ito.
"Ninong Minandro?!" Bulalas niya.
ITUTULOY