PNN: 02

1706 Words
"A-Ano pong ginagawa ninyo diyan ninong kanina pa po ba kayo diyan?" Nauutal na tanong nila dito. "Kanina pa talaga ako dito, hindi nyo lang napansin dahil busy kayong dalawa, " malamig ang bisea na tugon nito. Napatungo na lamang siya at nahihiyang iniiwas na lamang ang tingin dito dahil wala taalga siyang maiaip na sabihin dito. Ano bang sasabihin niya dito at anong ipapaliwanag niya dito bakit ganun ang mangyari sa kanilang dalawa ni Cardo. Tsaka mukhang nakita talaga nito lahat kaya ano pang mukhang ihaharap niya dito mukhang pati masilang bahagi niya ay nakita na rin ito. "Hindi ka na sumagot sa sinabi ko, sabi ko sa bahay ka na maninirahan. Iwanan mo na ang hayop mong asawa dahil hindi maaaring ganyan ang turing sa iyo ng walang hiyang iyon. Hindi ko maatim na makita kung papaano ka niya baboyin. Kaya makinig ka bilang kaibigan ng tatay mo, at bilang ninong mo na tumatayong pangalawang ama mo, sasama ka sa akin, " Seryosong pahayag nito at talagang hindi nito inaalis ang paningin sa kanya. Ngunit hindi siya makasagot agad kung ano ba dapat ang tama niyang gawin. Mahal naman niya si Cardo kahit papaano hindi lang dahil sa wala na siyang matakbuhang iba at wala ng ibang matitirahan pa. O kaya ay bubuhay sa kanya, may nararamdaman din naman talaga siya sa lalaki. Mahal niya ito kaya nga nakipagrelasyon siya dito pero ayun nga hindi lang nito pinapahalagahan ang lahat. Pero hindi naman iyon rason para iwan niya ang lalaki kaya hindi muna siguro, siguro kapag dumating yung time na hindi na niya kaya at talagang kailangan na niyang umalis saka na lang. "Maraming salamat po Ninong Minandro sa pag-aalala ninyo pero okay lang po ako. May hindi lang po kami pagkakaunawaan ng asawa ko kaya pasensya na po kung naabala kayo, mukhang nagpapahinga po yata kayo tapos dito man niya ako dinala." Hingi nga paumanhin nito niya dito. Pero minabuti niyang tanggihan ang alok nito dahil hindi naman tama na dahil lamang sa pag-aaway na iyon eh hiwalayan na agad niya ang kanyang asawa. "Ano bang nagustuhan mo sa hayop na iyon ha? Tama ba yung ginagawa niya, sinusuntok ka niya, sinisipa, pinagsasalitaan ng masasama at talagang pinagsasampal ka pa niya! Kung hindi lang ako nakapagpigil eh, dudurugin ko sana ang mukha ng hayop na iyon! Buti na lang nakapagpigil ako, pero mapapatay ko ang asawa mo na yan kapag naulit pa ito. Hindi lang tayo nagkausap nun eh, bago ka sumama sa hayop na iyan! Kung nalaman ko lang kaagad ang nangyari sa tatay mo edi sana sa akin ka! Sa akin ka nakatira, ako ang bumubuhay sayo at hindi mo na kailangang lumapit sa lalaking iyan para buhayin ka lang. Hindi ka naman tinatrato ng maayos tignan mo nga napakapayat mo na parang hindi ka kumakain ng maayos ah." Mahabang pahayag nito, na mararamdaman mo yung panggigigil nito para sa kanyang asawang si Cardo. "Naku Ninong, hindi naman po sa ganoon may pag-aaway lang po talaga kami. Hindi lang po kami nagkaunawaan kahapon ni Cardo kaya po hindi niya po ako nabigyan ng pera. Pero huwag na ho kayong mag-alala,okay lang naman po ako. Mamaya po pag-uwi niya magiging okay na po kami. Ngayon lang talaga kasi pagod yata kaya huwag na ho kayong mag-alala ninong." Muling pagtatakip niya sa kanyang asawa. Higit sa lahat ayaw niyang masira ang image dito ng kanyang asawa dahil baka magalit ng tuluyan ang kanyang ninong tanggalan nito ng trabaho si cardo sigurado kapag nangyari iyon magugutom lalo na siya bastalo siyang magugutom at siguradong siya ang sisisihin ni cardo kapag nawalan ito ng trabaho kaya hindi dapat ito masira sa kanyang ninong. Ang alam kasi niya noon ay nasa Manila ang kanyang Minong Minandro ng may mangyaring masama sa kanyang tatay kaya ni hindi nga ito naka-attend ng lamay ng kanyang tatay. At ayun bumalik ito eh sumama na siya kay Cardo kaya yung sinasabi nito na mahuli ito,.tama naman yun pero kahit na siguro. Hindi rin niya gugustuhin na sumama dito dahil ayun nga. Alam niya kung ano ang kapintasan nito at alam niya kung ano ang mga sinasabi ng mga tao tungkol dito. Tsaka kahit naman ganun ayaw niya na pag-isipan sila ng masama ng mga tao lalo pa at pangalawang tatay na ang turing niya dito. "Anak mag-isip ka, bata ka pa, at marami pang maaaring mangyaring maganda sayo kung lalayuan mo ang asawa mo na yan. Tama ba iyon na pugad ng mga kalalakihan ang minahan na ito. Pero nagawa niya na marahas na angkinin ka mismo dito sa lugar na ito. Tingnan mo nga kung hindi ako ang lalaking nagkataon na nandito. Hindi ako ang lalaking namamahinga dito, sa tingin mo anong mangyayari sa iyo ngayon na nakita na ang lahat-lahat sayo at iniwan ka na lang ng basta basta ng lalaking iyon?" Sermon nito sa kanya. Hindi naman agad siya nakasagot dito, naitungo na lamang niya ang kanyang ulo dahil alam niya na may punto at tama ang kanyang Ninong. "Elora isipin mo ang iyong tatay, kung masisiyahan ba sa nangyayari sayo ngayon. Ako natitiyak ko na hindi, kaya ako eh nandito para tulungan ka pero kung yan ang desisyon mo na ayaw mo talaga at mas nais mong makasama ang hayop na yan. Wala na akong magagawa, pero ito lang sasabihin ko sayo. Bukas ang aking tahanan anytime pumunta ka lamang doon, lumapit ka lang sa akin at sisiguraduhin ko sa iyong hindi mo mararanasan ang lahat ng paghihirap na ginagawa ng walang hiyang lalaking iyan." Mahabang pahayag nito. Mababakas ang galit sa boses nito. Muntik ma tuloy siyang maluha dahil nabanggit nito ang kanyang tatay alam din niya iyon. Alam na alam niya na hindi magugustuhan ng kanyang tatay ang nangyayari sa kanya ngayon sa.piling nh kanyang asawa. Noon ng nabubuhay pa ito ni hindi siya nakakaranas ng gutom, lagi siyang may pera lagi itong gumagawa ng paraan para mabili ang mga gusto niya. Pero ngayon alam niya na nasa sukdulan na siya, alam niya na kung iga-grab niya ang opportunity na ibinibigay ng kanyang Ninong Minandro. magiging maayos ang kanyang buhay ngunit alam niya na may kapalit ang lahat katulad na lamang ng mga sinasabi ng mga tao tungkol sa kanyang ninong. Oo mayaman na ito, oo ibang iba na ito sa dati yung kaibigan ng kanyang tatay na palagi nitong kainuman noon. Na akala mo eh walang-wala sa buhay pero ngayon may-ari na ng minahan na ito kaya mas lalong tumindi ang hinala niya na totoo ang lahat. Kayang-kaya na nga naman itong magbayad kahit magkano sa lahat ng babaeng matipuhan nito at yun ang kanyang iniiwasan baka isa siya sa mga maging biktima nito. Sinong kawawa sa huli, siya rin naman pero kung pagdating sa pagkain at sa lahat ng mga gastusin sa bahay siguradong wala talaga siyang isipin pa. Kaya lang kasi hindi niya magagawa yun sa kanyang asawa kahit na mahirap silang dalawa kahit na palagi siya nitong sinasaktan hindi naman tamang rason iyon para iwanan na lamang nito bigla. "Nauunawaan ko po Ninong na concern lang po kayo sa akin, nauunawaan ko rin po na hindi po talaga tama ang ginawa sa akin ng aking asawa. Kaya lang po away mag-asawa po ito, nagalit lang po talaga siya sa akin kagabi kaya nagawa niya ang bagay na yun sa akin, kaya pasensya na po talaga. At maraming salamat na lamang po sa napakaganda ninyong alok sa akin pero hindi po talaga pwede." Magalang na hinging paumanhin niya dito at pinanindingan niya ang kanyang pagtanggi. Napabuntong hininga ang kanyang ninong sabay iling parang hindi dito nagustuhan ang sinagot niya pero minabuti na lamang nitong manahimik. Kapag kuwa'y hinubad nito ang suot-suot nitong jacket. "Isuot mo ito para makauwi ka na." Malamig ang tono ng boses na wika dito sa kanya sabay abot ng jacket. Pero napansin niya ang pagsulyap nito sa napunit niyang panty nahiya pa siya dito kasi kitang-kita ang lawlaw na garter niyon. Matagal na kasi ang panty niyang iyon halos wala ng garter kaya madali na lamang din na nahiklas ni Cardo tapos ayun nga sa katagalan at kalalaba eh may butas na iyon sa gitna. Buti na lang garter lang niyon ang nakita ng kanyang Ninong. Nanlamig pa rin iyong buong katawan niya, nakakahiya kasi sobra. Nakita na nito ang ganoong klase mg buhay niya, pati panty niyang lawlaw dipa nakalampas. Nais sana niyang itago iyon, kaya lang huli na rin naman para maiiwas niya akalain ba niya na may ibang tao pala sa loob. Muli itong napabuntong hininga sabay may dinukot ito sa pantalon. Nagulat pasaya ng makita niyang wallet nito ang dinukot doon. Kumuha doon ng tag-iisang libo, sabay abot sa kanya. "Heto ang sampung libo, gusto ko kumain ka ng kahit na anong gusto mo. Bumili ka ng mga bagong damit mo, bumili ka na rin ng mga bago mong underwear pati na yang para sa dibdib mo. Diyos ko Elora, hindi ko talaga alam kung papaano ko haharapin ang tatay mo kung sakaling magkita na kaming dalawa sa kabilang buhay. Kaya ang peramg iyan, huwag mong tanggihan. Para sayo ang pera na yan, hindi para sa demonyo mong asawa ipamili mo sabihin mo pamasko ko. Hindi pwedeng kung saan mo lang gagastusin ang perang iyan, hindi pwedeng ibigay mo sa lalaki na iyon. Gusto ko sa susunod na pagkikita natin maayos na ang damit mo," seryosong pahayag ng kanyang ninong tapos ramdam niya yung galit sa boses nito na tila tinitimpi lang. Tatanggi sana siya pero ayun nga nabanggit nito na hindi siya pwedeng tumanggi at isipin na lamang na iyon ay maagang pamasko nito sa kanya. Tsaka ayon mga nabanggit na rin nito ang kanyang tatay kaya ayaw na niyang humaba pa ang usapan. Tsaka kailangan din talaga ngayon lalo na kagabi pa siya walang kakain Kaya malaking tulong na ito sa kanya, makakabili na siya ng gusto niya at maipagluluto pa niya ng masarap si Cardo pag-uwi mamaya. "S-Sige po Ninong, salamat po. Alis na po ako, " kandautal na paalam niya dito. Hindi naman na ito nagsalita pa tumango lang ito ng bahagya, kaya naman tumalilis na rin siya at tuluyan ng lumabas sa pinto ng barracks na iyon. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD