"Buti nga sayong hayop ka!" Galit na galit na singhal ni Elora sa walang malay pa rin na si Cardo, at isang beses pa niya itong sinipa sa may sikmura at ayon muling nagkamalay ang walang hiya.
"Tayo na hayaan na natin ang mga pulis na damputin ang hayop na iyan, hindi ako titigil hangga't hindi nabubulok sa bilangguan ng putang*nang iyan! Sabi ko na kasi sayo hindi ka na sana umuwi dito, sumama ka na sana sa akin hindi mo na sana inabot pa ang ganyan!" Galit na wika pa ng kanyang Ninong Minandro.
Hinubad nito ang suot-suot na jacket at iyon ay ipinasuot sa kanya, wala kasi siyang damit. Tanging ang tuwalya lamang na nakapulupot sa kanyang katawan ang nagsisilbing balot niyon para hindi malantad ang kanyang katawan.
"Magbibihis na lang po muna ako Ninong saglit lang po," paalam niya dito at aalisin sana niya ang kamay nitong nakaalalay sa kanya ngunit pinigilan siya nito.
"Hindi na, huwag ka ng magbihis. Bibilhan na lamang kita ng damit, kailangan nating magtungo sa ospital. Kailangan mo ipacheck up ang mga sugat mo at ang mga pasa mo. Tingnan mo nga ang mata mo, magamg maga na, halos wala ka nang makita. Hindi ka kasi sa akin nakikinig eh, sinabi ko na ang bagay na yan. Pero hayaan mo na simula sa araw na ito hinding hindi mo na muling mararanasan ang ganyang pananakit. At ang hayop na yan sisiguraduhin ko, mabubulok sa bilang guan kaya wag ka ng magbihis tayo na, tayong dalawa lang naman sa kotse at dadalhan na lang kita sa ospital ng damit." Wika pa ng kanyang Ninong.
Napatiimbagang ito, na tila ba naiinis sa kanya, at hindi lang makapagsalita ng masasakit o kaya ay masermonan siya dahil siguro sa awa sa itsura niya.
Napabuntong hininga na lamang siya, kung alam lang din talaga niya na mangyayari ang ganito. Hindi na sana niya ginastos pa ang pera na ibinigay nito. At sana sumama na lamang siya sa kanyang Ninong kanina, dahil natitiyak naman niya na hindi na maghabol pa si Cardo.
Hindi nito pahihintulutan na makuha siya, pero ngayon nangyari na ang lahat kaya naman susundin na lamang niya ang lahat ng nais ng kanyang Ninong.
Nakakatuwa pa, simula pagsasama na lang dalawa ni Cardo kahit na may nararamdaman siyang masasakit sa kanyang katawan ay hindi pa man lamang siya nito nadala sa ospital.
O kaya kahit sa center lang, sasabihin pa siya na nagda-drama lang o nagiging maarte, talagang pinilit nito na dalhin siya sa ospital para ma tingnan ang mga sugat at mga pasa niya.
Sana lang talaga walang masamang epekto iyon sa kanyang ulo dahil sa paulit-ulit na pambubugbog ng lalaki, paulit-ulit din kasi niyang naranasan na inihampas ng ulo sa upuan o kaya sa pader.
Tumango na lamang siya ng bahagya at saka nagpatuloy na sila sa paglabas ng bahay, ngunit nagulat siya na liban pala sa kotse meron pa sa may unahan niyon na pulis mobile.
May kasama na pala talagang pulis ang kanyang Ninong, at napansin din niya ang mga kapitbahay na nakikiusyuso, hindi man lumalapit sa kanila pero nakatingin.
Sa totoo lang masama ang loob niya sa kanyang mga kapitbahay, wala man lamang nagtangka kahit isa o tumulong man lang napigilan si Cardo sa pananakit sa kanya.
Na kahit paulit-ulit siyang humihingi ng tulong sa mga ito pero hindi pa rin siya tinulungan ng mga ito. Na kahit siguro patayin siya'y walang pakialam ang kanyang mga kapitbahay sa kanya.
Tiningnan niya sa mata ang mga ito isa-isa pero hindi makatingin sa kanya ang mga ito talagang iniiwas ang tingin na tila ba hiyang hiya na hindi niya maintindihan.
Ayusin na lamang niya ang kanyang buhay at kapag dumating na nakaluwag-luwag siya babalikan niya ang mga ito ate papamukha sa mga ito na hindi siya habang buhay punching bag lang ng walang hiyang si Cardo.
"Sir kayo na po sana ang bahala sa walang hiyang iyan! Dadalhin ko lang po muna itong inaanak ko sa ospital tapos saka ako babalik sa presento para magsampa ng kaso sa walang hiyang iyan. At nais ko po na makulong ang demonyong iyan, gusto ko mabulok siya sa bilangguan. At pagbayaran niya lahat ng kasalanan niya
sa inaanak ko! Ang hayop na yan sinamantala ang kalagayan ng inaanak ko, para maging sunod-sunuran sa kanya at gawing punching bag!" Wika ng kanyang Ninong Minandro sa dalawang pulis na nakaantabay lamang sa kanila.
"Makakasa po kayo sir, kami na po ang bahala sa lalaking iyan! Babae lang ang kaya, tignan natin kapag nasa loob ng kulungan iyan, tingnan natin ang tapang!" Sagot ng isang pulis tsaka sumenyas na sa kasamahan na pumasok na sa loob.
Siya naman ay inalalayan na ng kanyang ninong at last na sumakay sa kotse nito.
Bago pa paandarin ng kanyang ninong ang kotse ay nailabas na sa bahay si cardo. Lupaypay na ang walang hiya at duguan din ng mukha.
Hindi niya alam kung may kaso din ang ganun dahil sa gumanti nga siya at sinaktan din ito ng kanyang ninong, pero alam niya na kayang-kayang lusotan iyon ng kanyang Ninong Minandro.
Nararapat lamang sa walang hiya, kulang na kulang pa ang sinapit nito sa lahat ng paghihirap niya sa tatlong taon.
Nang magsimulang i-start ng kanyang ninong ang kotse muli niyang sinulyapan ang lupaypay pa rin na si Cardo na noon ay pabalang na isinakay na lamang ng dalawang pulis sa pulis mobile.
Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili kong may awa pa o pagmamahal man sa lalaki ngunit wala na, siguro kanina kahit konti bago siya nito saktan at bago siya nito babuyin at kaladkarin, pero ngayon wala na talaga.
Ngunit ng sulyapan niya ang bahay, ang bahay na naging saksi sa lahat ng paghihirap niya. Sa lahat ng pagpaparusa sa kanya ni Cardo, doon na siya naluha.
Alam niya na hinding hindi na siya babalik pa sa lugar na iyon at alam niya na iyon na ang huling beses na masusulyapan niya ang bahay na iyon.
Ang bahay na naging impyerno para sa kanya na kahit minsan hindi siya nakaranas ng kahit na konting kaligayahan, sa wakas tapos na ang paghihirap niya.
Sa totoo lang yung masasakit ngayon sa katawan niya, lahat ng sakit na iyon para bang pakiramdam niya ay wala na. Para bang ang lakas-lakas na niya kasi sa wakas matatapos na hindi na niya mararanasan pa ulit ang mga pananakit na iyon..
Napasulyap siya sa kanyang Ninong matiim ang anyo nito nakakunot ang noo, na tila ba hindi ito natutuwa sa nangyari.
Siguro mas masisiyahan pa ito kung pinatay nito si Cardo.
Pero hindi niya pahihintulutan iyon, ayaw niyang dungisan nito ang kamay ng dahil lamang sa isang katulad niya.
Sa totoo lang alam niya, sigurado siya na hindi na mararanasan ang pananakit muli ni Cardo sa kanya. Lahat ng paghihirap natuldukan na, ngunit may pangamba pa rin sa kanyang puso dahil ngayon sa bahay na ng kanyang Ninong Minandro siya uuwi.
At iyon ang hindi niya sigurado kung ano ang kahihinatnan na naman niya sa panibagong buhay na kanyang susuungin lalo na sa piling ng kanyang Ninong Minandro.
Pero isa na lang ang kanyang panghahawakan ang pangako nito na hindi na niya mararanasan pa ang lahat ng paghihirap na naranasan niya sa piling ni Cardo.
"S-Salamat po Ninong," nauutal na pasasalamat niya dito.
Sinulyapan lang siya nito, pero hindi nagsalita. Ngunit ang sandaling pagtutok ng mata nito sa kanya, pakiramdam niya ay nanindig ang mga balahibo niya sa batok.
Pero agad ding binawi nito iyon at muli ng itinuon ang mga mata sa kalsada.
ITUTULOY