PNN : 08 (SPG ⚠️)

2248 Words
"AAHHHH... POTANG*NAAAA MO ELORAA SHIITTT ANG ANG SARAP TALAGA KANT*TIN NG BIBIG MO... AHHHHH.... POTAAA ITO NA PUPUTOK NAAAA..." sigaw pa ni Cardo. Pero biglang.... BLAGGG!!! Biglang nasira ang kawayang pinto ng kanilang bahay, animo may tumamang kung ano doon. Sabay silang napalingon ni Cardo. "Tang*na sinonggg__arrghhh!" Wika ni Cardo. Pero di na natapos dahil napakabilis ng pangyayari, tumilapon ito sa may bandang kusina, bumagsak ito sa lamesa na yari din sa kawayan. Nasira iyon... Siya naman ay hindi mapagsino ang taong pumasok sa kanila dahil ang dalawa niyang mata ay maga na, halos wala ng makita dahil siguro iyon sa paulit-ulit na pagsapak sa kanya ni Cardo pati na ang malakas nitong pagsuntok sa kanya kanina. Medyo nahihilo na rin siya dahil siguro sa matindi yung pagbubugbog nito sa kanya kanina, nabugbog na siya nito sa minahan tapos naulit na naman ngayon kaya siguro nahihilo na siya pati yung mata niya parang nagba-blurred. Pero pakiramdam niya ay may tumutulong sa kanya kaya naman ang kanyang puso ay nagpapasalamat, kahit na hindi niya iyon mabanggit, pakiramdam kasi niya namamaga din ang kanyang bibig. Sa paulit-ulit na pagsampal nito sa kanya at ayun nga pambababoy nito sa kanyang bibig gamit ang alaga nitong matigas pa sa kahoy. Naramdaman niya na para bang may bumalot sa kanyang katawan, tela iyon. Binalutan ang kahubaran niya, hindi niya alam kung mga taga barangay ba iyon o baka naawa na sa kanya ang mga kapitbahay nila. Kaya tinulungan siya, pero kahit na medyo blurred ang kanyang mga mata parang pamilyar ang laki ng katawan ng lalaking iyon na bumalot ng tuwalya sa kanyang hubad na katawan. Pero hindi niya nakilala ng husto dahil agad na umalis ito sa kanyang harapan dahil sa muli na naman nitong sinugod si Cardo, blurred pa nga ang kanyang mga mata kaya hindi talaga niya mapagsino o makakilala kung sino ang lalaking iyon na tumulong sa kanya. Narinig niya ang pagsigaw ni Cardo, galit na galit sa taong tumutulong sa kanya pero mukhang hindi ito tinitigilan nababanaag niya na paulit-ulit nitong pinagsusuntok sa mukha amg kanyang asawa. Paulit-ulit din itong isinalya sa bawat parte ng bahay na iyon at dahil yari lang naman iyon sa pawid at kawayan kaya nagkanda sira-sira. "POTANG*NA MONG HAYOP KA! BINALAAN NA KITA! P*KING INA MO KA! INULIT MO NA NAMAN AT TANG*NA, MUKHANG PAPATAYIN MO NA ANG INAANAK KO! HAYOP KA TALAGANG DEMONYO KA!" Narinig na yang sigaw ng kung sino. Galit na galit ito at halos pumiyok pa ang boses dahil sa matinding galit na para bang naiiyak ito na ewan, pero agad niyang naalala ang boses na iyon... "N-Ninong Minandro?" Gulat na tanong niya. Pero parang hindi siya nito napansin patuloy pa rin ito sa pagsipa, pagsuntok, parang hindi na niya naririnig pa na umiyak o sumigaw man lang si Cardo kaya ang ginawa niya tumayo siya at agad niyang niyakap ang kanyang Ninong. Kapag hinayaan niya ito siguradong mapapatay nito si Cardo at kapag napatay nito ang lalaki, siguradong makukulong ito. Ayaw niyang mangyari iyon na dahil lang sa kanya ay makukulong ito at mawawala ang lahat lahat dito dahil lamang sa isang katulad niya. Kung ikukumpara naman ang buhay niya sa kanya ang ninong ay patapon. Patapon ang buhay niya at kung mahinahina nga lang siya baka wala na siya talaga sa mundo na ito dahil lamang sa pananakit pang-aalipusta at lahat ng pagpapahirap sa kanya ni Cardo ay nakaisip na siya ng masama. Ilang beses na ba niyang naisip na tapusin na lamang ang kanyang buhay, ngunit kahit na kakarampot ang halaga ng kanyang buhay para sa kanya ay lumaban pa rin siya. Kaya naman hindi niya mapapahintulutan na ang magandang kapalaran at magandang buhay ng kanyang ninong ay matutuldukan ng dahil lamang sa kanya. "TAMA NA PO NINONG! ITIGIL NYO NA PO, PARANG AWA NYO NA!" Umiiyak na pakiusap niya dito.. Tsaka minabuti niyang yakapin ulit ito ng mahigpit sa likod at pilit niya itong inilayo kay Cardo. Para tumigil na ito sa patuloy na pagsuntok, pagsipa at patuloy na pananakit kay Cardo. "Bitiwan mo ako Elora, papatayin ko ang hayop na iyan! At talagang kahit na ganyan ang ginawa sa iyo ng hayop na lalaking iyan, nakuha mo pa siyang ipagtanggol?!" Tila punong-puno ng hinanakit ang boses ng kanyang ninong ng banggitin iyon. Pero nagkakamali ito, hindi iyon ang nais niya hindi niya nais na ipagtanggol si Cardo pero ayaw niyang mapahamak ang kanyang ninong ng dahil lamang sa kanya. Sa napakaraming taong hiningian niya ng tulong ang kanilang mga kapitbahay, wala manlang nagtangka. Kahit sa barangay, kahit sa kapitan humihingi siya ng tulong kapag sinasaktan siya ni Cardo pero wala talaga. Lagi lang siyang pinapayuhan na wah na lang galitin si Cardo. Ni isa walang tumulong sa kanya, ngayon na lang at ito yun ang kanyang Ninong Minandro kaya ayaw niya mapahamak ito. Ang tingin na niya sa kanyang ninong Minandro ay hindi ang manyakis na lalaking pinapamalita ng lahat, kundi ang kanyang Ninong na para sa kanya ay superhero na niya. "Heekk... Tang*na Elora! Nagtawag ka pa ng magtatanggol sa'yo, pinapunta mo pa dito ang Ninong mo. Kaya lang alam ko naman na hindi mo ako kayang ipahamak hindi ba? P-paalisin mo na ang ninong mo, sige na paalisin mo na para hindi na niya ako saktan pa. Promise hindi na kita sasaktan, hindi na kita sasaktan titigilan na kita. Pagkaalis na pag-kaalis niya hindi na kita sasaktan. P-Pangako iyan, sige na asawa ko paalisin mo na Ninong mo, bakit naman kasi pinapunta mo pa yan dito nagwawala pa. A-Alam ko naman na hindi mo ako kayang makitang nasasaktan hindi ba? Ayaw mong makita akong ganito ang itsura ko, tingnan mo may dugo na ako sa mukha. Tsaka ang sakit na ng katawan ko kaya sabihan mo na yang ninong mo, paalisin mo na sabihin mo na huwag syang makialam sa atin. Away lang mag-asawa ito ba't naman kasi nangingialam pa ang ninong mo na yan!" Tila nahihirapang wika ni Cardo. Pero andon pa rin yung kayabangan at pag-uutos sa kanya talagang iniisip yata nito na ito yung ayaw niyang masaktan, kaya niya pinipigilan ang kanyang Ninong Minandro na saktan pa ito. Alam na alam niya yung mga ganito na sinasabi nito na hindi na siya sasaktan pero natitiyak niya na pagtalikod na pagtalikod ang kanyang Ninong Minandro. Sasaktan na naman siya nito at baka mas malala pa ay mapatay siya dahil nga sinaktan na ito ng kanyang ninong. "Talagang siya pa rin ang mahalaga para sayo, kahit na paulit-ulit ka na niya sinasaktan. Kahit na paulit-ulit ka na niyang binubugbog. At tingnan mo nga ang itsura mo ngayon, kung hindi ako dumating. Baka napatay ka na ng hayop na iyan! Kung hindi ako dumating baka mas masahol pa na pambababoy ang ginawa sayo ng demonyong iyam! Maawa ka naman sa sarili mo Elora, isipin mo naman ang tatay mo. Sa tingin mo matatahimik ang tatay mo sa kabilang buhay dahil sa ganyan ang kalagayan mo? Sa tingin mo hindi siya nag-aalala sayo? Diyos ko naman ni Elora, mag-isip-isip ka nga!" Halos manggagalaiti na ito habang binabanggiti iyon. Na tila ba nauubusan na ng pasensya sa kanya, pero kasi nagkakamali ito mali ang interpretasyon nito sa sinabi niya. "Ano ka ba Elora, hindi ka ba nakikinig sa akin ha?! Huwag kang makinig sa walang hiya mong ninong na yan, siyang sisira sa relasyon nating dalawa eh! Paalisin mo na nga yan dito! Tingnan mo nga kung anong itsura ko na, hindi ka ba naaawa sa akin ha?! Akala ko ba mahal mo ako, kaya nga paalisin mo na ang Ninong mo! Tayong dalawa na lang, sige na pangako hindi naman na kita sasaktan pag umalis na yan eh kaya paalisin mo na!" Wika ulit ni Cardo at talaga inuutusan pa siya. Tinitigan na niya ito ng masama, iyon ang unang beses na nagkaroon siya ng lakas ng loob na titigan ito ng masama. Medyo malabo pa ang kanyang mga mata pero nababanag naman niya na galit na tingin na nito sa kanya. Tila ba may pagbabanta, iyon bang pinanlalakihan siya nito ng mga mata at parang may pagbabanta na makakatikim na naman siya kapag hindi pa siya sumunod dito. "Tama na po Ninong, hayaan mo na po siya. Ayaw ko pong makulong ka baka po kasi mapatay mo pa siya tapos ikaw ang makulong sa huli. Hayaan mo na lamang po siya, okay naman po ako eh hindi naman po ako nasaktan na masyado. Madadala na rin po ito sa ointment lang kaya please po tigil na po kayo ninong. Ayaw ko po mapahamak pa kayo ng dahil lang sa akin." Wika naman muli niya sa kanyang ninong. "At bakit siya pa talaga ang tinulungan mo?! Siya pa talaga ang dahilan ng pag-aalala mo haba nakikita ang itsura ko, ako ang asawa mo tingnan mo nga duguan na ako dito. Puro ako sugat at hindi na nga ako makatayo dahil sa pambubugbog ng walang hiya mong ninong na yan. T-Tapos siya pa talaga yung inaalala mo na baka makulong?! Ay p*tangin* mo rin talaga! Ikaw na talaga, napakabobo mo! Natatakot ka na baka makulong ang ninong mo o sige talagang ipapakulong ko ang hayop na yan dahil sa pananakit niya sa akin!" Nanggagalaiti sa galit na sigaw ni Cardo sa kanya. Ang kanyang ninong Minandro kasi ang kanyang inalalayan na bahagyang lumayo dito dahil nga natatakot siya na kapag nagpatuloy pa nasaktan nito si Cardo, siguradong mapapasama na ang lalaki at ang mapapahamak ay ang kanyang Ninong. Pero hindi siya paapekto sa pagmumura nito at galit nito, ang ginawa niya ay inalalayan niya ang kanyang ninong lalo pa at nakita niya na duguan ang kamao nito siguro dahil sa galit kay Cardo at paulit-ulit itong pinagsusuntok. "P*tangina mo kang gago ka! Ako ang alalayan mo dito hayop na ito, napaka-boba talaga! Makakilos lang talaga ako dito, manghihiram ka ng mukha sa aso! Tang*na mo, ninong mo pa ang mahalaga sayo kaysa sa akin na asawa mo!" Galit na galit na sigaw pa ni Cardo. Nang bahagya ng makalayo ang kanyang ninong ay matalim ang kanyang mga matang pinukol si Cardo tsaka mabilis siyang lumapit dito. Dahil sa matinding galit, sama ng loob at lahat ng pagpapahirap nito sa kanya. Walang pakundangan niya itong sinipa ng paulit-ulit sa tiyan. Nagulat ang kanyang Ninong, at lalo na si Cardo na hindi na makakilos ay lalong umatungal dahil sa sakit. "Aahhh tang*na mo Eloraaa... makabawi lang ako puputulan kita ng paang hayop ka!" Galit na galit na sigaw pa nito. Pero hindi siya nasindak doon, maya-maya walang pakundangan din niyang hinila ng hinila ang buhok nito mahaba pa naman ang buhok ng lalaki. Iyong parang sa buhok lang din ng babae pero lagi lang nakatali, ubod ng lakas niya yung hinila ng hinila hanggang sa nabubunot na ang ilang hibla ng buhok nito. Para na siyang nababaliw, humahalakhak siya habang ginagawa iyon pero ang kanyang ninong na tila ba nasisiyahan na panoorin siya, hinayaan lang talaga siya nito. Habang si Cardo naman ay nagpapalahaw sa sobrang sakit na nararamdaman, na hanggang sa magsawa na siya sa pagsabunot sa ulo nito. At paulit-ulit din itong sinuntok sa mukha. Walang itutumbas ang lakas niya sa lakas ni Cardo, pero talagang itinutudo niya ang suntok, dumugo na ang bibig nito at parang natanggal pa nga ang isang ngipin nito. Halos panawan ng ulirat si Cardo, ewan ba niya pinipigilan niya ang kanyang Ninong pero mukhang siya itong hindi na makontrol ang sarili. Lalo itong pumalahaw ng iyak at nagmamakaawa na sa kanya, tumawa lang naman siya ng tumawa na para bang iyon na yun eh. Pagkakataon na niya na makaganti, muli niyang naalala ang lahat ng pagpapahirap nito sa kanya at pananakit kaya naman muli niya itong pinagsisipasa may tagiliran. Hindi na kasi ito makakilos dahil sa pananakit dito ng kanyang ninong at ngayon napangisi siya ng tumingin sa alaga nitong kulubot na at tila duwag na nagtatago. Halos panawan siya ng ulirat sa tuwing walang pakundangan nitong ginagamit iyon para sa pagpaparusa sa kanya. Napangisi siya habang nakatingin doon. "Tang*na E-Elora anong gagawin mo?! Eloraaa waaggggg..." nahihintakutang sigaw ni Cardo. Paano nakita niya ang kutsilyo sa isipan niya ay gusto niya itong putulan ng kaligayahan para hindi na nito magawa pa sa ibang babae ang kahayupang ginagawa nito sa kanya. Kinuha niya ang gunting na nasa ibabaw kanina ng mwsa pero nasa sahig na dahil nawasak na nga ang mesa. Nang akmang ilalapit na niya dito ang gunting, mabilis naman na lumapit sa kanya ang kanyang ninong at pinigilan siya. Umiling ito ng ilang beses para bang binabantaan siya na huwag gagawin. Doon siya biglang natauhan dahil oo nga naman maaari siyang makulong kapag itinuloy niya iyon. "Ha! Tang*naaaa... Elora, pota talagang magagawa mo ang bagay na iyon sa akin?" Halos hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Cardo. Pero yung takot sa boses nito ay nandoon pa rin at yung pangamba na baka ituloy niya ay nandoon pa rin. "Takot ka rin pa lang demonyo ka! Pasalamat ka, hindi pa kita pinatay!" Nanlilisik ang matang tugon niya dito. Pero inalalayan na siya ng kanyang Ninong. "Huh! Napaka-walang hiya mo! Walang utang na loob, pagkatapos kitang palamunin sa palad ko! Ganyan pa ang igaganti mo!" Sigaw pa nito, kaya naman lalo siyang nanggalaiti sa galit. Mabilis siyang bumwelta papalapit dito at walang pakundangang sinipa ang itlog nito. "AAAHHHHH.... ANG ITLOG KOOOOO!!!" malakas na sigaw nito, tumirik pa ang mata nito hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng ulirat. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD