10

1338 Words
Napangiwi ako sa mga hinanda niyang lalaruin namin. "Anong laro bato? Ang weird naman." "Ano ka ba! Sungka to!" sigaw niya "Sungka? Baka sungke?" bigla naman siyang tumawa, sanay na ako sa tawa niya sanay na sanay "Sungke ka diyan! Ano to ngipin?" sabi niya at tumawa ulit, sinamaan ko lang siya ng tingin. Napatigil kaming dalawa nang marahas na bumukas ang pinto, napatayo kaming dalawa at laking gulat namin kung sino ang taong iyon. Naramdaman kong hinawakan ni Brent ang kamay ko ng sobrang higpit, ang lolo niya ay nasa harap namin ngayon. Sinenyasan niya ang mga tauhan niya at agad itong lumapit saken, ang pakiramdam nato, bumabalik na naman. Hinawakan ako ng mga lalaking nakaitim at pilit na nilalayo kay Jed "Kheira!" sigaw niya at nagpupumiglas sa mga lalaking nakahawak sa kanya, sinipa niya ang mga ito at agad pinagsasapak ang mga lalaking nakahawak sakin. "Lo ano to?!" sigaw ni brent sa lolo niya "Layuan mo ang babaeng yan." sabi ng lolo niya habang papalapit sa amin, pero agad akong hinila palayo ni brent. Tumakbo kami hanggang sa makarating kami sa isang lugar na maraming puno. "Paano na Brent?" tanong ko Ngumiti siya at hinaplos ang mukha ko "Huwag kang mag alala diba sabi ko poprotektahan kita?" niyakap niya ako ng mahigpit, kinakabahan parin ako hindi maganda ang pakiramdam ko sa araw na to. "Bitawan mo siya Brent!" napahiwalay kami sa yakap nang biglang sumigaw ang lolo niya. Nagulat nalang ako nang napapalibutan na kami ng mga lalaking naka itim at nasa harap na namin ang lolo niya, hinarap ni Brent ang lolo niya habang ako nasa likod niya, naka protekta ang kamay niya sakin "Lo itigil mo na to, tigilan mo na si Kheira tigilan mo na kami please." "Nahihibang ka na ba?! Isa siyang Ventura, isa kang Valdez hindi kayo puwedeng magkaroon ng ano mang koneksyon. Dinadala mo ang apilyedo ko wag kang sutil!" galit na galit na sabi ng lolo niya. Hinawakan ni Brent ng mahigpit ang kamay ko Magsasalita pa lang sana siya pero inunahan ko na siya "Bakit po hindi puwedeng magkaroon ng koneksyon ang mga Valdez at ang mga Ventura?" naramdaman kong pinipigilan na akong magsalita ni Brent "Dahil umpisa palang ang pamilya mo na ang sumira sa mga Valdez, ang kompanya ko ay ipinagkatiwala ko sa mga ventura pero hindi nila ito inalagaan, sa halip tinraydor nila ako." matigas na sabi ng lolo niya "Pero hindi pa ba sapat na pinatay niyo ang buong pamilya ko? Kayo ang nagtraydor hindi ang pamilya ko." "Tumigil ka! Tinraydor ako ng pamilya mo, ibinenta nila ang kompanya ko. Hindi mo alam ang nangyari, bakit ka ba nabuhay? Dapat noon palang pinatay na kita kasama ng mga magulang mong manloloko" hindi ako makagalaw sa sinabi niyang yun, kinakabahan ako lalo.. "Lo, itigil mo na to! Galawin mo na ng lahat wag lang siya" "Sige! Piliin mo ang babaeng yan, kundi hindi kita kikilalanin bilang apo ko" sinenyasan ng lolo niya ang mga lalaking nakaitim na lumapit samin "Sige, pag ginalaw mo ang babaeng to.. kakalimutan ko na din kayo bilang lolo ko" nagulat ako sa sinabi ni Brent "Brent.." pabulong ko Naramdaman ko nalang na nay nakahawak na saking mga lalaking nakaitim habang nakikipag laban si brent. Umiiyak na pala ako, nasasaktan ako. Masakit makitang nasasaktan ang mahal mo. Papalapit si brent samin at binitawan na ako ng dalawang lalaki at hinarangan si brent "Kheira takbo na!" sigaw niya, pero umiling lang ako hindi ko kayang iwanan siya sa ganitong sitwasyon.. "Kheira wag matigas ang ulo alis na!" paulit ulit lang akong umiiling "Hindi ko kayang iwanan ka." patuloy lang umaagos ang luha ko habang nakatayo at nakatingin kay brent na pinipilit makawala sa dalawang lalaking nakahawak sa kanya Napakahina ko, wala lang man akong magawa para sa lalaking mahal ko, hindi ko siya maipag tanggol "Kheira alis na! Mapapahamak ka lang dito, hayaan mo na ako kaya ko na to! Alis na, humingi ka ng tulong!" sigaw niya at sinipa ang dalawang lalaking nakahawak sa kanya Dapat akong humingi ng tulong, tama si brent hihingi ako ng tulong. Tatakbo palang sana ako nang.. "Sasama ka ba Brent, o papatayin ko itong babaeng ito?" di ko namalayang may nakatutok na palang b***l sa ulo ko, nasa likod ko ang lolo niya "Wag mo siyang idamay sasama ako ng maayos.." unti unti akong binitawan ng lolo niya at nagulat ako dahil agad akong hinila para makatakbo "Brent!" nagpaputok ng b***l ang lolo niya, napayuko kami at tumigil dahil may mga lalaking nakaitim na sumulpot sa harap namin. "Wag na kayong tumakas, bakit ba ayaw mong sumunod Brent? Napakatigas ng ulo mo, ganyan ba ang natunan mo sa babaeng yan ha?!" umiling si brent at hinila ako palayo, pero nahawakan na ko ng mga lalaking nakaitim "Let her go!" tumakbo si brent papalapit sakin at nakita kong may lalaking tumutok ng b***l sa kanya. Hindi puwedeng mabaril si brent, siya ang taong nandiyan kapag may problema ako. Siya yung dahilan kung bakit ako natutuong maging masaya , ngumiti , maging malaya at sa kanya ako natutong mag mahal. Ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat eh, kundi siya dumating sa buhay ko at kung hindi ko siya nakilala hindi sana magiging ganito ang buhay niya. Unti unti na namang pumatak ang mga luha ko. Kung may dapat na mabaril ako yun. Kung tutuusin wala na talagang saysay ang buhay ko, mag mula ng mamatay ang buong pamilya ko. Si Brent nalang ang nag iisang nagpapahalaga sakin, kaya hindi ko siya hahayaang mamatay. Tumakbo ako agad papunta kay brent at sinalo ang balang dapat ay sa kanya. "K-Kheira.." unti unting bumagsak ang katawan ko "No.No. Hindi ka puwedeng mamatay, marami pa tayong pangarap diba? Tutuparin mo pa ang mg pangarap mo na kasama ako, tayo. Kheira wag please.." nakita kong pumatak ang luha niya Napangiti ako , isang lalaki ang umiiyak para sakin, nasasaktan,  dahil nakikita niyaa kong nahihirapan. "B-Brent.. Salamat. M-Mahal na mahal kita.." nahihirapan na ko, masakit. Masakit hindi dahil sa tama ng b***l na tumagos sa katawan ko, kundi dahil sa iiwan ko na ang lalaking minahal ko sa mundong ito. Biglang nagbalik sa isipan ko ang mga masasayang ala ala na nangyari samin. Mga ala alang mahirap iwan. Hindi ko na kayang magpaalam sa kanya. "Brent, salamat ah" ngumiti siya at tumingin sakin. "Kasi, tinuruan mo ako kung pano hindi matakot. Simula kasi noong namatay ang pamilya ko, lagi na akong takot. Takot sa mga tao, sa mga bagay na hindi naman dapat katakutan, takot ngumiti, maging masaya. Tinuruan mo din ako ng mga bagay na hindi ko alam at mga dapat kong malaman. Salamat sa lahat lahat. Andiyan ka palagi pag may problema ako. Lagi mo akong inaalala, pinaparamdam mo sakin kung pano maging masaya. Salamat Brent. Salamat" natawa ako."Ang corny ko na? Hinawaan mo kasi ako eh, ang galing noh? Nakakahawa pala ang pagiging corny ng isang tao.." napangiti ako at narinig ko na tumawa siya ng mahina."Sorry sa lahat brent, sa lahat lahat.." niyakap niya ako ng mahigpit. "Ikaw ba si Kheira?" "Oo naman, bakit?" "Ang corny mo na kasi hahaha--Aray!" hinampas ko ng malakas ang braso niya "Sincere ako sa sinasabi ko, tapos tatawanan mo lang ako? Bahala ka na nga diyan.." aalis na ako pero naramdaman kong hinila niya ako at niyakap pabalik. "You're Welcome. Salamat din at dumating ka sa buhay ko. Salamat dahil natuto akong magmahal. Nagpapasalamat din ako sa kanya." tumingin siya sa langit "Dahil binigyan niya ako ng babaeng maganda" "Hmph. Ganun?" "Hindi pa ako tapos. Binigyan niya ako ng babaeng maganda, napaka caring loving at very sweet haha. Babaeng nagpasaya sakin, nanginis sakin, nangasar at nagpatibok ng puso ko. Pakshet ang corny.." natatawa niyang sabi, habang ako nakatulala lang . Bumibilis ang t***k ng puso ko "Kheira.. Mahal kita" hinarap niya ako at tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Sagad na sagad." sabi niya at hinalikan ang tip ng nose ko At ngayon pinapanood kong umiiyak ang lalaking pinakamamahal ko. "Hindi mo ko pwedeng iwanan! Kheira mahal na mahal kita!" nginitian ko lang siya. Mahal din kita, Brent. Magkikita rin tayo, sa susunod nating buhay. You're my eternity Brent and this must be the end. But my love for you will always be forever. I love you. -- THE END. No part 2, this is just a simple short story. ❤️❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD