9

1004 Words
Isang taon na ang nakakalipas. Dinala ako ni Brent sa isang tahimik na lugar, malawak na lupa saktong laki ng bahay at may maaliwalas na hangin. Malayo sa ingay, malayo sa sakit, malayo sa problema sa Isang peaceful na lugar. Sa loob ng nakalipas na isang taon, maraming nagbago sakin at samin. Kilala na niya ako at kilala ko nadin siya, at sa loob ng isang tao na yun masasabi kong naging masaya ako, miski hanggang ngayon.. "Psst kakain na" seryoso niyang sabi, tumango nadin ako at sumunod sa kanya. Natuwa ako ng bahagya dahil madami siyang hinanda na pagkain, nahiya din ako ng konti dahil siya lahat ang nagluto nito. Hindi man lang ako tumulong. "Kain na, mahal kong prinsesa." inurong niya ang upuan at pinaupo ako, umupo nadin siya at nagsimulang kumain. Nilagyan niya ng mga gulay ang plato ko. "Ayoko ng gulay" sabi ko "Hinanda ko yan para sayo kaya dapat kainin mo, at isa pa pumapayat ka na sa sobrang stressed, kaya dapat kumain ka ng marami okay? Tingnan mo yang mata mo puyat na puyat at tingnan mo yang pisngi mo wala ng laman at tingnan mo yang katawan mo sobrang payat na, kaya kumain ka nalang okay?" napahawak ako sa pisngi ko, ganun na ba talaga ang itsura ko ngayon "Ganun na ba talaga ako kapangit ngayon?" bulong ko "Ano ka ba naman, kheira kahit kelan hindi naging pangit, para sakin ikaw ang pinaka magandang babaeng nakilala ko tandaan mo yan okay?" tumayo siya at lumapit sakin "Pero halata sa sinasabi mo na napapangitan ka na sakin." naramdaman kong niyakap niya ako "Kaya ko sinabi yon kasi gustong maging malusog ka, ang baby natin--Aray!" hinimas himas niya ang balikat niya "Ang s*****a mo talaga.." "A-Anong baby sinasabi mo diyan? B-Baliw ka ba!" pakiramdam ko namumula ako, at bakit ba ako nauutal "Sus, dun din naman tayo papunta eh.." sinamaan ko siya ng tingin "Sabi ko nga eh, tatahimik na" bumalik na siya sa upuan niya at kumain, kumain nadin ako. Maya maya narinig ko siyang tumatawa, napatigil ako ng pagkain. "Napaka ganda mo kasi, ang ganda ganda mo. Kaya ayaw kitang nilalabas dito, pinagtitinginan ka sa labas." napansin niya sigurong namula ako ng konti, ngumiti siya at naging panatag na ako. "Ewan ko sayo kung ano anong pinagsasabi mo diyan, kumain ka na nga lang" sabi ko, nagsimula na siyang kumain pero narinig ko siyang bumulong "Isang taon na akong nagpaparamdam ayaw parin akong sagutin." pinuno niya ng pagkain ang bibig niya, tumawa ako ng mahina "Saka kita sasagutin pag tapos ka ng kumain." ngumiti ako at tinuloy ang pagkain, napansin kong natigilan siya at maya maya kinain niya ng sobrang bilis ang pagkain niya "H-Hoy baka mabulunan ka" "Sigeszdhej" "Ano?" "Sdjabikodhj" inabutan ko siya ng tubig at ininom niya ito, pagtapos tumayo siya at lumapit sakin at niyakap ako. Narinig ko siyang bumulong sakin "So tayo na? Official na yan ah" tumango naman ako at tumawa dahil nagtatatalon pa siya Bawat araw na lumilipas natutunan ko kung paano mamuhay ng normal, kung paano makangiti, kung paano maging malaya. Lahat yon nang dahil kay Brent. "Brent." tawag ko sa kanya, nasa duyan kami at nakahigang dalawa "Brent." hindi parin siya sumasagot, nilingon ko siya gising naman siya "Bakit ayaw mong sumagot?" tanong ko, ngumiti lang siya at nakatitig sa langit "Wala lang, ineenjoy ko lang yung moment na tinatawag mo ang pangalan ko, ang sarap kasi sa tenga eh parang boses ng anghel tumatawag sakin." lumingon siya sakin "Bakit ba?" "Naalala mo yung naglaro tayo ? Nung shinoshoot natin yung bola sa box.." tumango siya "Oo, talo pa nga ako nun eh nakakahiya" bulong niya "May parusa ako sayo diba? Naalala mo?" umupo ako at ganon din siya "Parusa? Hmm. Teka hindi ko na maalala yon." nag isip siya pero halatang nagkukunwari siya "Hindi mo naalala, pero alam mong natalo kita?" nagkibit balikat lang siya at sumipol sipol "Brent" pagbabanta ko, tumigil siya at umayos na "Ano po ba kasi ang parusa niyo mahal na prinsesa?" tumayo siya at nag bow pa sa harap ko "Ikuha mo ako ng buko.." sabi ko at tinuro ang puno ng buko, tiningnan ko ang ekspresyon ng mukha niya hindi maexplain Tinuro niya ang sarili niya "Ako?" tumango ako "Ako na si Brent Valdez , poging nilalang at tinitilian ng mga babae. Paaakyatin mo sa puno? No. Way" sabi niya at tumalikod "Brent! Parusa mo yon sundin mo!" sigaw ko pero tinaas niya lang ang kamay niya at tuloy tuloy sa paglakad. Ayaw mo ah. Dumiretso ako sa lugar kung nasan yung puno ng buko at hinubad ang tsinelas ko. "Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Anung binabalak mo babae? Halika nga dito!" sigaw niya at papalapit sakin. Hindi ko siya sinagot at nagsimula nang umakayat pero naramdaman ko nalang na may humila sakin, natumaba tuloy kaming pareho "Nababaliw ka na ba?!" sigaw niya Pero hindi yon ang ikinagulat ko, nasa ibabaw ako at nasa ilalim siya. Maya maya nagkatinginan kami natauhan naman ako kaya ako na ang unang umalis.. "Tss , pasaway" bulong niya at hinubad ang suot niyang sapatos. "Anong gagawin mo?" tanong ko "Edi kukuhanan ka ng buko.." sabi niya at tuluyang umakyat, lumayo ako dahil baka daw mahulugan ako ng buko. Napangiti ako. Maya maya bumaba na siya, napansin ko andami niyang gasgas marami siyang hinulog na buko at paniguradong marami yon. "Ayan na ang mga buko mo mahal na prinsesa, tsk tingnan mo andami ko pa tuloy gasgas--" natulala siya sa ginawa ko. "P-Para gumaling yung sagot mo, h-hindi ibig kong sabihin yun ang reward ko sayo.." bulong ko at tumakbo papasok sa bahay. Hinalikan ko siya sa pisngi, Di ko nga alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, bumibilis ang t***k ng puso ko Bawat araw na dumadaan mas lalo kaming nagiging malapit sa isat isa napapadalas narin ang kakaibang nararamdaman ko tuwing kasama siya, hindi ko maintindihan.. Pero tuwing makikita ko ang mukha niya, ang nga mata at ngiti niya. Isa lang ang naiisip kong sagot sa mga tanong ko. "Ang hina mo naman humalik." napatalon ako sa gulat nang may biglang may humila ng kamay ko at pinaibabawan ako sa kama. "Brent.." ngumisi siya. "Ganito humalik." muli niyang sinakop ang bibig ko at ramdam ko ang pagmamahal namin sa isa't isa. Ang saya lalo na't kasama ko ang taong minamahal ako ng sobra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD