Naguguluhan parin ako, kasulukuyan akong naglalakad , hindi ko iniinda kung may nadaraanan akong tao. Nakayuko lang ako habang naglalakad ng wala sa sarili. Buong araw na pala akong naglaalkad, hindi ko alam.
Napakadaming tanong sa isip ko, bakit nangyari to? Bakit kailangang, makilala ko pa ang pamilya niya? Kung kelan okay na, kaya ko ng maging masaya, tanggap ko na ang lahat. Wala ba talaga akong karapatang maging masaya.
Patuloy lang ang pag-agos ng luha ko, matapos sabihin saken ni Brent ang pangalan ng lolo niya, tumakbo ako palayo at ngayon hindi ko na alam kung nasaan na ako. Palubog na ang araw at sa dinadaanan ko paunti ng paunti ang mga tao.
Nang maramdaman kong sumasakit na ang paa ko, umupo muna ako at sumandal sa malaking puno. Niyakap ko ang tuhod ko dahil lumalamig na..
Hinawakan ko ang kuwintas ko at pumikit. Habang nakahawak ako sa kuwintas ko ay gumagaan ang pakiramdam ko. Napakadami kong problema, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Tumingin ako sa kalsada, wala ng gaanong dumadaang mga sasakyan, wala naring mga taong dumadaan. Napuyuko nalang ako at niyakap ang sarili ko. Maya maya naramdaman kong may mga taong paparating naririnig ko ang mga tawanan nila, kinakabahan na naman ako, ang ganitong pakiramadam, naramdaman ko na ito noon.
Patuloy parin ang tawanan nila, habang papalapit sila ay lalong lumalakas ang tawanan nila, tinakpan ko ang dalawa kong tenga.
Ilang saglit lang nawala ang ingay, kaya naman inangat ko ang ulo ko. Pero laking gulat ko nang nasa harap ko na sila, nakapaligid sila sakin at tinititigan ako. Napaatras ako pero hindi ako makagalaw dahil pinapalibutan na nila ako.
"Hi miss, wanna join us?" tanong ng isang lalaking matangkad at maputi. Umatras ako at tumalikod pero biglang sumulpot ang isa niyang kasama
"Wag ka ngang mag inarte, alam kong gusto mo rin naman!" wala akong maatrasan, apat sila isa lang ako .
"Nga naman miss, sayang ang puti mo kung.." tumigil siya sa saglit at tiningnan ako mula ulo hanggang paa "..hindi ka namin matitikman" ngumisi siya at hinawakan ang braso ko. Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Lalapit pa sana siya pero tinulak ko siya at agad na tumakbo palayo.
Kahit na nanginginig ang tuhod ko ay pinipilit kong tumakbo ng mabilis. Sinunsundan nila ako at natatakot na talaga ako. Madilim at wala ng tao, kailangan kong humingi ng tulong.
Hindi ko alam kung san magtatago, halos mapasigaw ako nang naramdaman ko nalang na may biglang tumakip ng bibig ko at bumulong sakin.
"Ang tigas ng ulo mo. Gusto mo ba talagang nag aalala ako sayo?" niyakap niya ako, pero wala parin akong magawa dahil kilala ko siya.
"Brent.."
"Kahit saan ka tumakbo, susundan kita. Kahit layuan mo ako ang lalapit sayo. Binabaliw mo ako Kheira. Sinasagad mo ang pasensya ko, pinahulog mo ako tapos hindi mo ako sasaluhin? Tangina, huwag ganon. Mahal na kita tapos, iiwan mo ako?" nanubig ang mata ko.
Kita ko ang galit sa mga mata niya nang may narinig kaming mga papalapit na lalaki.
"Dito ka lang." matigas na sabi niya bago ako iniwan.
Nahihilo ako at nanlalabo na ang paningin ko, ramdam ko na ang pagbagsak ng katawan ko. Pero hindi ako natatakot, dahil alam kong nandiyan lang siya.
Si Brent.
Nang magising ako ay napapikit ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sakin.
"Gising kana, ayos na ba ang pakiramdam mo?" napalingon ako sa direksyon niya.
Brent?
Tiningnan ko kung nasaan ako, pamilyar ang kuwartong to.. Ang kuwarto niya
"Aalis na ako" sabi ko at tumayo, pero pinigilan niya ako
"Hanggang dito ba naman Kheira iiwasan mo ako?" tinitigan niya ang mga mata ko at hinaplos ang mukha ko.
Napansin kong may pasa ang mukha niya.
"Dahil kailangan brent, kailangan.." binitawan niya ako at tumalikod
"Nalaman ko na, alam ko na ang lahat, kinausap ko si lolo totoo nga na siya ang pumatay sa mga magulang mo." nagingilid na naman ang mga luha ko, bumabalik yung mga alalala noong bata pa ako. "Sorry Keira, wala akong alam.." pabulong niyang sabi "Siguro selfish na ako kung sasabihin kong pwede bang akin ka na lang sa kabila na nangyari. Kheira, hindi ba talaga tayo pwede?"
Hindi ako makasagot, galit ako sa pamilya niya, galit din ako sa kanya. Dahil isa siyang Valdez, kadugo niya ang mga Valdez, sila ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. Kung bakit ako nagkaroon ng ganitong kundisyon.
"Isa kang Valdez, at ang pamilya mo ang pumatay sa pamilya ko isa ka sa kanila. Kaya bakit kita hindi iiwasan?! Nang dahil sa inyo, sa lolo mo ulila na ako ngayon, nang dahil sa inyo nagkaroon ako ng ganitong kundisyon, nang dahil sa inyo kaya hindi ko magawang ngumiti, hindi ko magawang maging masaya dahil sa mga alaalang iniwan niyo sa isip ko! Lahat kayo, masasama kayo!" napaupo ako at napaiyak. "Bakit kailangang makilala ko pa kayo, bakit kailangang makilala pa kita.." halos pabulong kong sabi, naramdaman kong lumapit siya sakin at niyakap ako
"Sorry, Sorry sa lahat. Sorry sa lahat ng nagawa ng lolo ko ng pamilya ko sa inyo. Pangako, poprotektahan kita mula ngayon, mula sa pamilya ko sa lolo ko at sa mga taong mananakit sayo" nagulat ako sa sinabi niya
"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko at nagpunas ng luha.
Tinitigan niya ako at hinaplos ang buhok ko at ngumiti. "Lalayo tayo, ilalayo kita dito, sumama ka sakin Kheira, poprotektahan kita"
Mas lalo akong naiyak.