7

751 Words
Nakarating kami sa isang park, eto yung park na pinuntahan namin dati... "Akala ko ba.." "Eto ang project naten, ang sumakay sa Ferris wheel." "Pero bakit tayo lang ang tao?" hinila niya ang kamay ko papunta sa sakayan ng Ferris Wheel. "Syempre maaga pa" binuksan niya ang pinto at pumasok na kami sa loob. Agad din naman umandar ang Ferris Wheel, kitang kita ko ang papasikat na araw, napakaganda. Kita mo kung paano sumikat ang araw, nakakagaan ng loob. *click* Napalingon ako sa kanya at nakita kong may hawak siyang camera "Anong ginagawa mo?" tanong ko. "Wala lang. Kumukuha ng litrato para sa Guiness Book of World Record KO" naguluhan ako sa sinabi niya "Guiness Book Of World Record.. MO?" tanong ko pero kinagat lang niya ang labi niya, napaiwas ako ng tingin. "Ngumiti ka kasi kanina, at nung ngumiti ka lalong lumiwanag ang mundo ko" napahinto ako sa mga saglit na iyon. Ako? Ngumiti? "Teka! Namumula ka, may sakit ka ba?" "W-wala okay lang ako" "Alam mo para kang rosas" napatingin ako sa kanya. Rosas naman ngayon, noong una mailap na lobo. "Rosas? Bakit?" lumapit siya sakin at bumulong sa tenga ko "Kasi simpula ng rosas ang muka mo" narinig ko siyang tumawa ng mahina, hinampas ko ang braso niya "Gusto mong mais?" tanong ko at umiling siya "Bakit?" "Ang corny mo kasi" tinalikuran ko siya, maya maya narinig ko ang malakas na tawa niya. Ilamg sandali pa ay naramdaman kong yumakap siya sa likod ko. "A-ano bang g-ginagawa mo?" pero hindi siya sumagot, sobrang lakas ng t***k ng puso ko at kinakabahan Bakit ba habang tumatagal lumalakas ang epekto sakin ng lalaking to. Kinabukasan, naabutan kong kumakain si tita "Kumain kana" umupo narin ako at kumain "Kaano-ano mo si Brent Valdez?" napatigil ako ng pagkain "Kaibigan ko po siya" "Kaibigan? Kilala mo ba ang pamilya niya?" "Hindi po" hinampas niya ng malakas ang mesa, nagulat ako sa ginawa ni tita. Inaatake na naman ba siya? "HINDI MO KILALA PERO NAKIKIPAG KAIBIGAN KA! ALAM MO BANG..." matalim ang tingin niya sakin ".. Ang pamilyang Valdez, ang pumatay sa mga magulang mo.." nanlaki ang mata ko at halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang sinabi ni tita yon. Halos walang lumalabas na salita mula sa bibig ko. "A-Ano? H-Hindi t-totoo yan" "Yan ang totoo, kaya kung ano man ang kaugnayan mo sa Brent na yan! Ngayon palang putulin mo na" umalis siya at naiwan akong nakatulala. Paanong nangyari yon? *** "Kheira!" nagpatuloy lang ako sa paglalakad "Kheira!" mas binilisan ko pa ang paglalakad "Kheira! Mag usap tayo! Ano ba!" di ko namalayang tumatakbo na pala ako, at ganon din siya. Binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa pakiramdam ko ay wala na siya sa likod ko. Tumigil ako sa gilid ng puno at sumandal, habang pinapakalama ang sarili ko. Nang okay nako, akmang aalis na ako nang may biglang humila sakin at halos mapasigaw ako sa sobrang gulat. "Tinataguan mo na naman ba ako?" nasundan niya ako.. "Huwag ka ngang manggulat sa susunod! Aalis na ako!" hinawakan niya ang dalawang braso ko at isinandal ako sa puno. Nagulat ako sa ginawa niya dahil mukang seryoso ang aura niya ngayon... "So tinataguan mo nga ako" sabi niya at ngumisi, nang sandaling yon nakaramdam ako ng takot "Bakit ba palagi ka nalang lumalayo? Dahil ba sa tita mo?" napaiwas ako ng tingin, ayoko siyang sagutin. "Sagutin mo ako!" naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. "N-Nasasaktan ako" daing ko at agad siyang napabitaw sakin.. "Akala ko ba magkaibigan tayo? Tapos lalayuan mo ko? Kung kelan nasosolusyonan na ang problema mo? Nangiiwan ka naman sa ere eh" sabi niya "May nalaman lang kasi akong isang bagay na dapat dati ko pa alam, tungkol sa pamilya mo at sa pagkatao mo." biglang nagbago ang ekspresyon ng muka niya ng pagtataka "Anong nalaman mo?" "Bago ko sagutin yan. Pwede mo bang sabihin ang.. buong pangalan ng lolo mo?" "Teka, bakit?" "Sagutin mo nalang ang tanong ko, Anong buong pangalan ng lolo mo?" huminga siya ng malalim bago magsalita. Miski ako ay huminga din ng malalim, dahil kung iyon nga ang pangalan ng lolo niya, alam ko na ang kasagutan sa mga tanong ko.. "Ang buong pangalan ng lolo ko ay.. Jacob John Valdez" para akong binuhusan ng napakalamig na tubig at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko "May problema ba?" hahawakan niya sana ako pero umiwas agad ako "W-Wag mo kong hawakan, bakit.. bakit.." totoo nga, totoo ngang ang lolo niya ang pumatay sa pamilya ko "Sabihin mo naman kasi sakin kung ano ang problema para may alam din ako sa nangyayari sayo! Hindi ko kayang panoorin ka nalang ng nagkakaganyan!" sigaw niya "A-Ang p-pamilya mo, sila ang pumatay sa mga magulang ko.." hindi ko nanapigilan ang sarili ko at napahagulgol nalang ako. Nakita ko ang gulat sa mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD