Pag gising ko, nagpaalam agad ako kay Brent at inihatid niya ako sa bahay
"Ingat ka ah!" sigaw niya at tuluyang umalis, umakyat na ako sa kuwarto pero isang malakas na sampal ang natanggap ko galing kay tita
"San ka galing?!"
"Natulog lang po ako sa bahay ng kaklase ko kasi gumawa kami ng project"
"PROJECT?! TINGNAN MO YAN!" hinagis niya sakin ang mga litrato na kuha sa hotel."PROJECT BA? O BAKA IBA ANG GINAGAWA NIYO? MAY PROJECT BANG GINAGAWA SA HOTEL?!" tiningnan ko ito, kami Brent yon. Mula pagpasok ng hotel hanggang sa loob.
"S-Sino ang kumuha nito?"
"Nagpa imbistiga ako! Dahil alam kong iba ang ginagawa mo pagkatapos ng klase mo!" hinawakan niya ang ulo niya, muka yatang susumpungin na naman siya.
Dali dali kong kinuha ang mga litrato at umakyat ng kuwarto, nilock ko ang pinto at maya maya pa narinig ko ang pagkalampag niya sa pinto ko. Tawa siya ng tawa, sumisigaw, nagsasalita ng kung anu-ano. Tinakpan ko ang dalawang tenga ko.
Maya maya wala na akong naririnig, napatingin ako sa mga litrato. Mali ang makipagkaibigan sa lalaki, iba ang tingin ng tao sa inyo.
"Kheira! Ginawa ko na yung project!" bati niya habang nasa hallway kami
"Ganun ba? Salamat. Sige una na ako"
"Teka wait lang!" hinawakan niya ang braso ko "May problema ba? Galit ka ba? May nangyari ba?" sunod sunod niyang tanong pero hindi ko siya sinagot at dumiretso sa classroom
"Class, go back to seat" dumating na yung prof. namin at nagsiupo nadin ang mga kaklase ko "Sasayaw tayo ngayon"
"Tsk. Kainis! Mam bakit sayaw pa!"
"Oo nga mam!" lahat ng kaklase ko nagrereklamo at napbuntong hininga nalang si Ms.Reso
"Mag partners ito, last week naturuan na ang boys kung paano, alam na nila yung steps. May meeting ako ngayon kaya boys will teach you girls ha? Kayo narin pumili ng mga partners niyo. Kailangan niyong matutunan ngayon dahil gagawin natin to next week. Galingan niyo ah bye! Ay bago ko makalimutan, sa ground kayo magpractice okay? Bye!" dali-daling lumabas si Ms. Reso may meeting daw siya.
Tumayo na ang lahat, at syempre halos lahat yata ng babae lumapit sa kanya..
"Brent can you be my partner?"
"No. Brent ako nalang"
"Ako nalang Brent please"
"Haha, sorry girls pero isang babae lang ang gusto kong maka partner.." at parang hindi ko yata magugustuhan ang susunod niyang sasabihin. Inayos ko na ang mga gamit ko, tatayo na sana ako nang bigla siyang nagsalita.
"Si Ms. Kheira Ventura" parang naistatwa ako nang sabihin niya yun, naramdaman ko nalang na may humila sakin papuntang ground.
Huminga siya ng malalim bago magsalita "Iniiwasan mo ba ako?" hindi ko siya pwedeng kausapin, tumalikod ako "Huwag mo kong talikuran" hinarap niya ako, at tinitigan sa mata
"May problema ba?" tanong ko at pilit na kinakalma ang sarili.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita "Gusto mong malaman kung anong problema? Ikaw. Ikaw ang problema ko" nagulat siya sa sinabi ko
"B-Bakit ako?"
"Nabalitaan ng tita ko ang pakikipagkaibigan ko sayo. May litrato siya nating dalawa nung pumasok tayo ng Hotel at iba ang tingin niya don. Tingin niya may ginawa tayong hindi maganda, pero alam naman nating dalwang hindi totoo yon. Kaya habang maaga pa, layuan na natin ang isa't isa." parang mabigat sa pakiramdam ko nang sabihin ko yon, tiningnan ko siya, walang karea-reaksyon ang mukha niya
"Wow!" naningkit ang mata ko sa reaksyon niya.
"Sa hinaba-haba ng sinabi ko, yan lang ang sagot mo?"
"Wow! Alam mo ba kung bakit ako napa wow? Kasi nga ang haba ng sinabi mo. World Record na yun para sakin! Biruin mo ang isang Kheira Ventura ay nagsalita ng matagal! Nice yun!" ngumiti siya, pero nakatitig lang ako sa kanya.
Bakit hindi ako nakaramdam ng ... takot? Mali to.
"Hindi ako nakikipagbiruan!" tumalikod na ako at umalis nang narinig ko siyang sumigaw
"WALA AKONG PAKE SA SASABIHIN NG IBANG TAO!! ANG IMPORTANTE MAGKAIBIGAN TAYO! TANDAAN MO YAN!" lahat ng atensyon ng estudyante ay nakuha na namin, hindi ko siya malingon, miski ihakbang ang paa ko hindi ko magawa.
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglakad, hanggang sa makalayo ako.
Ano bang dapat kong gawin?
Kinabukasan ay maaga akong gumising, nagayos na ako atumabas na agad ng bahay ayoko munang makita ang tita ko, baka ano na naman ang sabihin niya.
Naramdaman kong may sumusunod saken, nilingon ko ang kabilang daan at ang likod ko. Walang tao. Tinuloy ko nlang ang lakad ko hanggang sa naramdaman ko nalang na may nagtakip ng bibig ko.
"Wag kang gagalaw kung ayaw mong umabsent." nanlaki ang mata ko nang narinig ko ang boses nayon, tinanggal ko ang kamay niya sa bibig ko
"Ikaw! Ano ba talagang problema mo? Bakit ba bigla kang nananakot?" tumawa lang siya at tumingin sa ibang direksyon..
"Tss, baliw" nauna na akong maglakad nang bigla na naman niya akong hilahin at isinakay sa kotse niya.. "Ano ba talagang gusto mong gawin?" tanong ko sa kanya
"Gagawa ng project" sabi niya at pinaandar ang kotse..
"Sa ganitong oras?"
"Oo bakit masama? Wag kang mag alala, mag eenjoy ka pramis" nakita kong pumorma ng ngiti sa labi niya, naramdaman kong bumibilis ang t***k ng puso ko.