4

955 Words
Kanina pa hindi tumitigil ang ulan, naiinis ako kung bakit ba naman ay minamalas ako sa araw nato. Nandito ako sa isang maliit na bahay , ito raw ang tinutulugan niya minsan kapag napagod siya galing sa pangangabayo.. "Gutom ka na ba? Galit ka parin ba? Sorry." hindi ko nlang pinansin ang mga pinagsasabi niya. "Pansinin mo naman ako" nasa tabi ko na pala siya "Ang hirap mo namang kaibiganin" bulong niya "Sino ba kaseng nagsabi sayo na kaibiganin mo ako?" "Wala , gusto ko lang" hinarap ko siya "May plano kaba? Alam mo namang hindi ako nakikipagkaibigan kahit kanino, pero lumalapit ka parin sakin" "Gusto kong mkipag kaibigan sayo, hindi ka madaldal , napakamisteryosa mo. Hindi ko alam kung bakit ayaw mo sa mga taong masaya. Alam mo sabi ni lolo dapat lagi daw nakangiti, kase kapag nakangiti ka para daw lumiliwanag ang paligid mo." paliwanag niya. "Pero hindi ko kayang ngumiti, hindi ko kayang maging masaya, hindi ko kayang tumawa, dahil nababalutan ako ng takot, hindi ko kaya maging katulad niyo." napalunok ako dahil mukang nagiging emosyonal na naman ako.. "Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan, try and try until you succeed, wag kang papatalo sa anumang nagpaphirap sayo" umiling ako "H-hindi ganun kadali yun, may cherophobia ako" halos pabulong ko nang sabi. "C-Cherophobia? Yun ba ang sakit mo?" tumango ako at bumuntong hininga siya "Kung ganun, tutulungan kita. Tutulungan kitang maging masaya." napatingin ako sa kanya at ngumiti siya ng tipid. Kakiba ang ngiti nayon, parang liliwanag ang paligid sa kung sino man ang makakita non. Pero bakit hindi ako nakaramdam ng kaba? "Nakikita mo to?" tanong niya habang pinapakita sa aken ang isang papel "Oo naman, hindi ako bulag" may idrinowing siya dun, maya maya pinakita niya saken. "Ano yan?" pinakita niya saken ang drinowing niya, isang weird na itsura "Actually nagpipigil na akong tumawa ngayon. Hindi kaba natatawa?" tumingin ako sa kanya, hindi siya nakangiti pero bumubuntong hininga siya para pigilan ang tawa niya "Bakit naman ako matatawa sa drowing mo? Nakakatakot ang drowing mo, baka hindi mo alam." seryoso kong sabi "Phwew! Hmm ano kaya magandang gawin? Hmm.." kinuha niya ang remote at binuksan ang t.v at nilagay ito sa cartoon network. Ayun ang nakasulat sa taas ng t.v "Oh ayan tom & jerry nakakatawa yan pramis." nanuod kami at minsan nagtatakip siya ng unan, may problema ba siya? Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy nalang sa panunuod. Natapos ang palabas na yon nang pulang-pula ang mukha niya, tinanong ko kung may sakit siya pero ang sabi niya.. "Kakaiba ka talaga! Alam mo bang yan ang pinakabnakakatawang cartoons na gusto ko." "Ahh." "Tss. Grabe ka! Hindi ka lang man natawa?" bumuntong hininga siya at umiling-iling, ,hinila niya ako at lumabas kami. "Ano yan?" tanong ko nang makalabas kami, dahil may mga malalaking box ang nandun at may maliliit na bola. "Hinanda ko yan, Plan B ko yan" bulong niya sakin "Ibabato mo lang tong maliliit na bola sa box ok? Tapos paramihan ng mashoot, ang may maraming mashoot panalo, ang talo may parusa" Ano batong iniisip niya? Hindi kaya katulad siya ng tita ko? May sakit sa pagiisip? "May toyo kaba?" napalingon naman siya at tinakpan niya ng dalawang kamay niya ang bibig niya, tumatawa na nman ba siya? "Hindi ako baliw okay? Diba sabi ko pasasayahin kita?" hinila niya ang kamay ko at nilapit kung saan ang mga bola. "Game na! Pag hindi ka gumalaw paparusahan kita" sabi niya , hindi ko alam pero nagsimula na akong maghagis ng bola. Hindi ko na nga alam kung ano ang ginagawa ko. Basta sa buong oras na yon naglaro lang kami. Natapos ang paglalaro namin ng talo siya panalo ako. "Tss. Grabe ka! Ang galing mo!" tumango lang ako "Pero ang alam mo yung part kung saan ka pinakamagaling? Hindi ka man lang natuwa o ngumiti, ibang klase." iling-iling niyang sabi. "Tara sa Plan C, last na to pagtapos iuuwi na kita" "Teka, may parusa ka" sabi ko kaya napatigil "Naalala mo pa? Sige ano?" napaisip ako. Ano nga ba ang magandang iparusa ko. "Sa susunod ko nalang sasabihin, tara sa plan C mo" nagulat siya sa mga sinabi ko "..may problema ba?" "Wala. Hinawakan mo kase ang kamay ko" napatingin ako sa kamay namin, napabitaw ako "Sus kunwari pa tara na" sabay hila pabalik sa kamay ko. Dinala niya ako sa may kotse niya at nagsimula na siyang magdrive, magtatanong sana ako pero hindi rin naman niya siguro sasabihin. Kaya tumahimik nalang ako. Kalahating oras lang ang byahe at nakarating kami sa isang mall. "Tara!" pumunta kami sa isang palaruan. World Of Fun daw ang tawag dito, tumigil ako sa paglalakad makakayanan ko ba ang gantong lugar kung ang lahat ng tao. Nakangiti , napayuko ako at pinikit ang mga mata ko. Naramdaman kong lumapit sakin si Brent "Huwag kang mag-alala nandito ako." umiling ako at paulit-ulit kong sinasabi na hindi ko kaya. Habang papalapit kami, lalong umiingay tinakpan ko ang dalawang tenga ko. Narinig kong bumuntong hininga siya at maya maya biglang humihina ang ng boses, napadilat ako lumalayo na kami. "Baka hindi pa ngayon ang tamang oras para dalhin kita dito" sabi niya at lumabas na kami ng Mall. Napatingin ako sa papalubog na araw, ang ganda. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. "Ganda ng sunset noh?" tumango ako "Ngumiti ka naman, huwag mong pigilan" umiling ako "Hindi ko kaya.." "Pano mo magagawa, kung lagi mong sinasabing hindi mo kaya. Huwa kang mabuhay sa nakaraan mo, mabuhay ka sa kasalukuyan." napaisip ako. b Bakit nga ba hindi ko subukan? Tumingin siya sakin. "Kheira kaya mo, Pero hindi mo magawa kasi nabubuhay ka sa takot. Subukan mo, subukan mong maging matapang kahit minsan." Kaya ko bang maging matapang? Panahon na nga ba para kalimutan ko ang nakaraan? Hinatid na niya ako pag-uwi at pasalamat ako at tulog na si tita kung hindi sesermonan na naman ako. Humiga na ako sa kama at natulog pero paulit-ulit ko parin naririnig ang sinabi ni Brent sakin. Kaya ko bang.. Maging masaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD