Nang buksan ko ang mga mata ko. Puting kisame ang nakita ko. Nasa langit na ba ako? Napatingin ako sa bintana ng kuwarto, mataas na ang sikat ng araw. Ganon ako katagal natulog? Bumangon ako at may nakita akong isang lalaking nakaitim. Nkatayo siya at likod niya lang ang nkikita ko.
"Sino ka?" bigla siyang humarap
"Gising kana pala" seryoso ang mukha niya ngayon, parang may madilim na aurang bumabalot sa kanya.
"Oi! Hindi ako ngumingiti kase dba sabi mo, wag akong ngumingiti" Sabi niya at tumabi sa kama.
"Nasaan ako?"
"Nandito ka sa bahay ko. Nakita kasi kitang walang malay sa daan, kaya dinala na kita dito. Okay kana ba?" mukhang tahimik nman sa bahay niya. Bumaba na ako ng kama, nang maramdaman kong may sugat pala ako sa tuhod, at nasprain yata ang paa ko.
"Okay na ako, salamat sayo. Aalis na ako" sabi ko at lumakd pero natumba ako, hndi ko pala kaya. Lumapit agad siya saken at inalalayan akong tumayo.
"Huwag ka munang umalis, kumain ka muna at gamutin natin yang sugat mo" tumawag siya ng isang katulong para magdala ng pagkain sa kuwarto. Tumalikod siya at hinubad niya ang suot niyang amerikana at ang sando niya. Napaiwas ako ng tingin, bakit kailangan dito pa siya magbihis?
"Hala sori ah! Dito ako nagbihis, katamad kase pumunta ng banyo." sabi niya pero tumingin nlang ako sa bintana "Pwede ka nman tumingin eh" tumingin ako sa kanya ng masama, nakatakip ang dalawa niyang kamay sa bibig niya. "Hindi ako ngumingiti ah!" sabi niya nang may biglang kumatok, may pagkaing dala ang babae. Kinuha niya iyon at hinatid sakin. Hindi ako makatingin dahil wala parin siyang sout na pangitaas.
"Oh kumain kana. Bakit ayaw mo tumingin--Ayy sori ah! Wala pa pala akong damit" dali dali siyang nagbihis at tinabihan ako.
"Gusto mo subuan kita?" linapit niya ang mukha niya saken.
"A-ano bang ginagawa mo?" tanong ko, hindi ko alam kung bakit ako nauutal. Kinuha niya ang kutsara at sumenyas siya na ibuka ko ang bibig ko.
"Kaya ko naman ang sarili ko" sabi ko atsaka kinuha ung kutsara at nagsimulang kumain.
"Bakit ka nga pala, nahimatay sa daan?" napatigil ako ng pagkain, dapat ko bang sabihin sa kanya? Umiling ako. "Alam mo para kang isang mailap na lobo" npatingin ako sa kanya. "Takot makipagkaibigan sa mga tao, dahil tulad ng lobo. Alam kong matapang ka." alam kong gusto niyang ngumiti. "Pagkatapos mong kumain, ilagay mo to sa paa at sugat mo." inabot niya sakin ang painkiller "Makakatulong yan, para matanggal ang sakit sa paa at tuhod mo, pagtapos kana subukan mong bumaba. May ipapakita ako sayo." lumabas na siya ng kuwarto. Itinuloy ko nalang ang pagkain ko.
Matapos kong kumain, inilagay ko na ang painkiller, hinilot-hilot ko ito para mawala ang sakit. Nang sinubukan kong maglakad, nakayanan ko pero paika-ika padin. Lumabas na ako ng kuwarto at bumaba. Napakalaki ng bahay niya para sa isang tao. Naabutan ko siyang nagbabasa ng libro.
"Oh! Okay kana? Hindi na masakit paa mo?" tanong niya at agad lumapit sakin.
"Konti nalang"
"Mabuti nman. Tara." hinila niya ako papuntang kotse. "Huwag kang mag-alala hindi naman ako masamang tao, dadalhin lang kita sa isang lugar kung saan makakalanghap ka ng preskong hangin" ngumiti siya, kaya npalunok ako pinipigilan kong maging kalmado "..ay sori ah, di ko kase mapigulang ngumiti pag nakikita kitang malungkot"
Isang oras ang biyahe, at nkarating kami sa isang malaking lupa na parang 10 bahay ang laki ng lupa, may nakita akong mga kabayo.
Ibig sabihin ang gagawin namin ay..
"Mageenjoy ka dito, Tara!" Hinila niya ako papunta sa mga corner kung saan nakapuwesto ang mga nakaparadang mga kabayo, binulungan niya muna ang mga lalaking naroon , mga mukhang tagapagbantay ng kabayo ang mga ito.
Nilapitan niya ang kabayong brown na may bagka black ang kulay "Eto si George, siya ang pinakamabilis tumakbo dito" hinila niya ang kamay ko, pero tumanggi ako hindi ako sanay sa ganitong karanasan, ngayon lang din ako nakakita ng kabayo sa personal, kadalasan nakikita ko lang ito sa mga picture.
"Huwag kang mag-alala simula pagkabata kasama ko na si George, mabait siya pramis" sabi niya at hinila ang kamay ko at sinakay ako sa kabayo. Akala ko ako lang ang sasakay pero nagulat ako nang bigla siyang umupo kasunod ko, sa may likod ko.
Nagulat ako nang akala ko yayakap siya saken pero hinawakan niya ang tali na nakkabit sa kabayo upang makontrol mo ito. Ramdam ko ang lapit ng pagitan namin, ramdam ko ang hininga niya sa batok ko.
"Alam mo bang ang kabayong si George ay regalo ng lolo ko saken, sabi ni lolo magiging magaling daw akong mangabayo someday.." pagkukuwento niya, nkatingin lang ako sa harap at nakikinig.
"Mga 10 yrs. Old ako nang matuto akong mangabayo, 15 palang ako sumasali na ako sa mga karera, nananalo ako... Pero hindi ko na magagawa yun" bumuntong hininga siya
"Three years ago, nung sinabak ko tong si George nagwala siya, and then accidentally nahulog ako .." nagulat ako sa mga sinabi niya "..Sabi ng mga doktor, nagkaroon daw ng fracture ang paa ko kaya hindi na ako pwedeng mangabayo dahil baka lumala pa lalo, hindi narin ako pwedeng tumakbo.." ramdam kong malungkot siya habang sinasabi niya ang mga yon..
"Bakit hindi mo subukan?" sabi ko pero hindi ako nakatingin sa kanya
"Ha?"
"Ang ibig kong sabihin subukan mong maglaro ulit, malay mo kaya mo pala hindi mo lang sinusubukan." ramdam kong ngumisi siya..
"T-tumatawa kaba?" kinakabahan kong tanong..
"Ha? Hindi! Alam mo kase nakakatawa ka.." nagtaka ako. "Nakakaya mong bigyan ng advice yung iba pero ang sarili mo hindi, actually parehas lang naman tayo ng sitwasyon"
"A-anong ibig mong sabihin?" imbis na sagutin niya ang tanong ko, nagtanong siya na sobrang kinabahala ko
"Kheira, bakit takot sa kayahan?"
"Bababa na ako, gusto ko nang umuwi" sabi ko at akmang aalis , pero mas hingpitan niya ang hawak sa tali kaya mas lalo siyang napadikit saken, ramdam na ramdam ko na ang hininga niya
"A-ano bang ginagawa mo?"
"Sine-seduce ka" nanlaki ang mata ko at agad napalingon sa kanya, pero dapat pala hindi nalang ako lumingon dahil sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isat isa. Ngumiti siya na sobrang ikinatakot ko, ngayon ko lang nakitang ngumiti siya ng ganito.
Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, umiwas ako ng tingin at pumikit.
"Joke lang. Gutom na ako, kain na tayo" bulong niya sa yenga ko at agad bumaba sa kabayo. Ano bang gusto niyang gawin? Nakatulala lang ako dun at iniintindi kung ano ang nagyayari. Halos atakihin na ako at sasabihin niyang joke lang
"Natakot ba kita? Sori ah! Joke lang naman yun eh" bumaba na ako sa kabayo at tiningnan ko siya ng masama
"Yan ang hirap sa inyo, lahat ng bagay ginagawang biro" umalis na ako, pero hindi yata aayon ang panahon sa aken dahil biglang umulan ng malakas.
Masasabi kong malas ang araw na ito.