Kabanata 62: Kung gusto man niyang tumakas sa mundong marami siyang problema, mas gugustuhin niya nang dito na lang siya sa mundo ng mga tao. Mas madali ang problema niya rito, tatapusin niya lang ang utang na mayroon siya ay ayos na ang lahat. Pero hindi lang naman kasi iyon ang dahilan kung bakit niya gustong manatili sa Infinita… gusto niyang tulungan ang mga diwatang nangangailangan ng kanyang tulong. Gusto niyang masilayan muli ng mga ito ang tunay na liwanag. Dati wala naman siyang pakialam sa iba, pero dahil sa mga naranasan niya sa loob ng Infinita, natutunan niyang hindi pala dapat puro sarili lang ang mahalin. May mga ibang nakasalalay sa kanya ang buhay, ang dahilan kung bakit siya nabubuhay. Ang mundo ng Infinita, natutunan niyang mahalin kahit na hindi pa naman siya matagal n