Kabanata 63: Nang marinig ni Johnson ang oras at araw ng kanyang kamatayan, pakiramdam niya’y totoong namatay nga talaga siya. Hinatak niya palabas ng pintuan si Lily ngunit hindi niya inasahang portal na pala iyon patungo sa Infinita. Tila hinigop sila ng portal. Nang makapasok na sila’y may humatak na pwersa sa kanya, nawalan siya ng malay kasunod no’n ay naramdaman niya ang marahang pag-uga ng kanyang katawan. “Prinsipe Johnson!” sigaw ng pamilyar na boses. “Gising na ang Prinsipe!” Kumunot ang noo niya at marahang iminulat ang mga mata. Naabutan niya ang mukha ni Ulysses na malapad ang ngiti habang nangingilid pa ang luha sa mga mata. “Sa wakas! Gising ka na!” bulalas pa nito. Walang ano-anong niyakap siya ni Ulysses nang mahigpit. Hindi na siya nakapalag dahil mukhang miss na m