Kabanata 64: Isang araw na ang nakalipas mula nang magising si Johnson mula sa pagkakatulog. Ngayon lang nag-sink in sa kanya ang lahat; hindi na siya isang tao, kundi isa na siyang diwatang susunod na magiging hari sa mundong tunay pala niyang kinabibilangan. Napagtanto niya rin na kaya pala pakiramdam niya ay hindi siya belong sa mundo ng mga tao, iyon ay dahil hindi naman talaga pala siya tao. Sa buong araw na pag-iisip, hindi nawaglit sa kanya si Brenda. Ilang diwata na kasi ang dumalaw sa kanya ngunit walang Brenda’ng sumilip manlang. Nakakatampo tuloy. Ang sabi ni Ulysses, si Brenda ang nagbantay sa kanya mula nang mawalan siya ng malay pero bakit ngayon ni hindi manlang siya nito dinalaw? Namilog ang kanyang mga mata nang makarinig ng pagbukas ng pinto. Sa pag-aakalang si Brend