Kabanata 46: “Kailangan ko ba talagang magpakasal sa Prinsesang iyon?” Naisuklay ni Johnson ang mahahaba at payat niyang mga daliri sa kanyang buhok saka niya ito sinabunutan. Naiinis siya sa sarili dahil hindi manlang siya nakapalag kanina noong opisyal nang sabihin ng Hari na si Prinsesa Gladiola na nga ang mapapang-asawa niya. Hindi siya sang-ayon sa pagpapakasal sa hindi niya naman mahal. Akala niya sa mga teleserye lang nangyayari, ngunit heto siya’t namomroblema kung paano tatanggihan ang gusto ng Hari para sa kanya. “Kailangan ho Prinsipe Johnson, nakasanayan na kasi iyon,” sagot ni Ulysses. Kanina pa siya hindi mapakali lalo na nang makita si Brenda. Hindi rin kasi siya mapakali dahil hindi pa niya nalalaman kung ano ang totoong dahilan kung bakit nagawa iyon ni Brenda. Hindi n