Kabanata 47: Noon naman ay walang pakialam si Brenda kung ano ang itsura, kung maayos ba na nasuklay ang buhok niya, kung may muta o ano pa mang pwedeng mailait sa kanya. Alam naman niyang maganda siya, sapat na iyon. Ngunit ngayong araw, pakiramdam niya’y napakapangit niya sa harap ng salamin. Hindi kailanman siya naging ganito, na walang tiwala sa sarili. Naiinis na inalis niya ang hair pin na inilagay niya sa kanyang buhok. Sumuko na siya sa pang-ilang beses na subok. “Hindi naman ako dapat nagkakaganito!” bulalas niya. Imbes na ituloy ang pagpapaganda, napagpasyahan niyang ibalik na lamang ang kung ano ang madalas niyang ayos. Lumabas siya ng kwarto niya at naabutan si Archer na nakatayo sa tapat ng kanyang pinto. “Anong nangyari kahapon? Umalis lang ako pagkatapos ng pagsasanay n