Kabanata 48: Nag-hila ng upuan si Brenda pagkatapos ay naupo roon. “Ang pagiging masaya ay hindi nababase sa kung ano ang antas mo sa buhay. Nakarataas nga, kontrolado ka naman dahil kailangan mong manatili sa kinatatayuan, ano pang silbi?” Napailing na lamang si Brenda saka tinawag iyong taga-silbi na nasa malapit. Walang naisagot si Prinsesa Gladiola sa sinabing iyon ni Brenda. Kahit si Johnson ay walang naisagot. Alam ni Johnson na tama ang sinabi ni Brenda kaya wala rin siyang palag. Bumalik ang taga-silbi na may dalang tatlong plato at mga kubyertos. “Napakarami ng pinaluto mo, alam mong nahihirapan kami sa produksyon ng pagkain dahil hindi kami nasisinagan ng araw. Mauubos ba itong lahat ni Johnson?” iritadong banat na naman ni Brenda. “Tinawag mo siya sa pangalan niya lang?!”