Kabanata 52: Ilang beses napakurap si Johnson ngayong nakayakap sa kanya si Prinsesa Gladiola. Hindi siya nakagalaw, natulala siya dahil sa pagkabigla. Kaagad na napawi ang kanyang tulala nang mabaling ang kanyang atensyon kay Prinsesa Brenda na umalis. “T-teka lang!” susubukan niya pa sanang awatin ito ngunit hindi na niya nahabol pa dahil sa higpit ng pagkakayakap ni Prinsesa Gladiola. Naalala niyang pinayagan nga pala niyang magpahinga si Prinsesa Gladiola sa kanyang kwarto. Akala niya kasi’y papayag pa siyang magpakasal dito. Ngayong sigurado na siyang may nararamdaman din sa kanya si Brenda, hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa. Hindi pwedeng matuloy ang kasal nila ni Prinsesa Gladiola na hindi naman niya tunay na mahal. “Kumusta ka? Saan ka galing? Bakit ang tagal mo?” sunod-su