Fear

1067 Words
Ilang taon na din ang lumipas mula nung maganap ang kasal ko kay Liam, Tulad nang napagkasunduan dito kami kila daddy nakatira, Ginampanan ni Liam ang pagiging mabuting asawa sa akin sa loob ng limang taon, Masasabi ko na ulirang asawa at ama siya sa amin ng anak ko na Si lemuel, 4 na taon na ang anak ko masyado siyang malapit sa daddy niya, Dahil lubos na minahal naman talaga siya ni liam, Tumupad siya sa usapan hindi nga niya pinarehistro ang kasal namin, Sa loob ng limang taon unti unti ko pinag aaralan na mahalin siya, Kung pwede nga lang turuan ko agad ang puso ko na mahalin siya agad' matagal ko ng ginawa, Duon pa lang sa sakripisyo na ginawa niya sa akin dalawang buwan pagkatapos ng kasal namin, Nakita ko ang labis na paghihirap ng loob niya at ang pag iyak niya sa harapan ko nung malaman niya ang kalagayan ko, Buong puso pa rin niya ako tinangap at tinulungan niya ako ilihim ang lahat ng iyon, Anim na taon ang hinihingi niya malapit na din itong dumating, hindi ko alam kung ano ang pwede kong itawag sa sakripisyo na ginagawa niya', Dahil kahit magkasama kami sa kuwarto kahit minsan hindi niya ako ginalaw, Kung dumating man daw ang panahon na iyon gusto daw niya yung Mahal ko na siya, Gusto kong parusahan ang sarili ko bakit kailangan may isang tao na masaktan para sa gusto kong kaligayahan, Minsan gusto kong hilingin kay Liam na bumukod na kami dahil napapansin ko na unti unti ng nagiging kahawig ni kuya alistair si lemuel, Napapansin ko din ang laging pagkunot ng noo ni mommy evelyn pag natititigan niya ng matagal ang anak ko, Kaya lang iniisip ko si daddy alam ko na malulungkot siya lalo na't labis din niyang minahal ang apo niya, Sobrang lambing kasi ng Anak ko kaya halos lahat ng tao sa bahay ay minahal talaga siya, "Mommy why are you sad?" Tanong ng anak ko nakalapit na pala ito sa akin ng hindi ko napansin, Umupo siya sa tabi ko, "Mommy is not sad" Nakangiti kong sagot ko sa kanya, "Mommy what time will daddy come home?" "Miss muna agad si daddy?" Tanong ko ulit sa kanya, "Yes mommy" Sagot niya ulit sa akin, Niyakap ko siya, Siya ang dahilan kung bakit hindi ko makalimutan si kuya alistair, Dahil umalis man siya nag iwan naman siya ng isang alaala sa akin, Mula nung umalis siya hindi ko na siya nakausap, Minsan naririnig ko na nag uusap sila ni mommy evelyn, Maraming beses din na gusto ko siyang kausapin, Pero pag binibigay na sa akin ni mommy ang phone, Kung hindi niya pinapatay hindi siya nagsasalita, Kaya hindi na ulit ako nagtangka na kausapin siya, Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya bakit ayaw niya ako kausapin, Umalis sa pag kakayakap ko si lemuel dahil biglang dumating si mommy at daddy, Hindi ko na sila naabutan pagkagising ko dahil maaga daw sila umalis sabi ni Nanang, Tumatakbong sumalubong sa kanila ang anak ko, "Grandma' Grandpa' where did you go?" Masayang bati sa kanila ni lemuel, sinalubong naman nila ito ng yakap at binuhat ni daddy, Hindi ko na naintindihan kung ano ang sinagot nila kay lemuel dahil napatuon ang pansin ko sa taong biglang pumasok ng pinto, Ang lakas ng kaba ng dibdib ko, parang tinatambol ito ng malakas, lalo siyang gumwapo lalo naging Matikas ang katawan niya, pero napaka seryoso ng mukha niya, Nakita ko ang pagkunot ng noo niya sa anak ko na nakatingin din sa kanya, Dahil sa sobrang kaba tinawag ko si lemuel, "lemuel get down there with your grandpa" Dahil sa sinabi ko napalingon sa akin si kuya alistair nakasalubong ko ang pagkunot ng noo niya nung makita ako, Hindi ko mabasa ang nakabakas sa mukha niya dahil sobrang seryoso nito, "Zella iha' hindi pa ako ganoon katanda kaya ko pang buhatin si Lemuel" Nakangiting sagot ni daddy sa akin, Biglang nagtantong si lemuel kay daddy, "Grandpa who is he" "He is your uncle alistair" Napatingin ulit si Alistair sa anak ko dahil sa sinabi ni daddy, Nakita ko na binigay ni daddy si lemuel kay kuya alistair, lalong lumakas ang kaba ko, hindi ako mapakali sa kina uupuan ko habang nakatingin sa kanila, Napalingon ako kay mommy evelyn na parang natulala at malalim ang iniisip nung makita niyang buhat ni kuya alistair si lemuel, Napatayo akong bigla, kinuha ko si lemuel na buhat ni alistair habang hinalikan ng bata sa pisngi ang natulala na si Alistair, "it's time to bath lemuel" Tulala padin si kuya nung tuluyan ko ng kunin sa kanya ang anak ko, "Welcome home kuya" iyon ang huli kong sinabi pagkatalikod ko sa kanila, Alam ko na sinundan ako ng tingin ni mommy evelyn, Ang dami kong dasal na sana hindi tama ang kutob ko sa maaring isipin ni mommy, Pagkatapos kong paliguan si lemuel naglagi na kami sa kwarto namin, Natatakot pa din ako sa maaring mangyari ngayon nandito na si kuya, Natatakot ako sa maaari nilang matuklasan, Hanggat maaari kung kaya kong itago gagawin ko, Marami na ang Sakripisyong ginawa si Liam para sa aming Mag ina, Kaya ayuko siyang saktan Oras na malaman ng lahat na si kuya ang tunay na ama ni lemuel, Kahit duon man lang masuklian ko ang sakripisyo at kaligayahan na nakikita ko kay Liam, ibinuhos niya ang lahat ng pagmamahal bilang isang ama kay lemuel, Alam ko na may mali dahil pinagkakait ko sa anak ko na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama, Kung dumating man ang araw na mamuhi siya sa akin pag nalaman niya na hindi niya tunay na ama si Liam tatanggapin ko, Importante ayokong saktan si Liam kung hindi ko man magawang mahalin siya, Kahit man lang sana ang anak ko magawa siyang Mahalin bilang ama niya "Mommy why are we in this room? I want to meet tito alistair" Napalingon ako sa kanya, hindi siya sa akin nakatingin habang sinasabi niya iyon, Busy kasi siya sa mga puzzle word na binubuo niya habang nakasalampak sa sahig, "Pauwe na din naman si daddy anak kaya hintayin na lang siya natin dito" Sagot ko sa kanya, "Ok mommy let's just wait for daddy here" Sagot niya sa akin na busy pa din siya sa nilalaro niya, Patawad anak masasaktan kasi si daddy Liam mo.. Sagot ko sa isip ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD