Halos madaling araw na ako nakatulog
Kaya halos kulang talaga ako sa tulog.
Gumising ako ng mas maaga para personal na puntahan si Liam,
Pagkatapos nang may naganap sa amin ni kuya kagabi agad akong nag message kay Liam na magkita kami bago ang kasal,
Alam ko na mali na ibinigay ko ang sarili ko kay Kuya Alistair. Pero walang pagsisisi sa puso ko sa nangyari kagabi.
Halos tulog pa ang lahat nang umalis ako, Nag taxi lang ako para hindi makahalata sila daddy,
Nagpahatid ako sa sinabing lugar ni Liam, Pagkababa ko sa taxi agad ko siyang nakita,
Nakita din agad niya ako at ngumiti,
Tumayo siya para salubungin ako,l
Agad akong umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan niya.
"Bakit ang aga mo nakipagkita sa akin may problema ba?"
Nakangiti niyang tanong sa akin,
Sinabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.
Nang una nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha, Kung kanina ang ganda nang ngiti niya ngayon Malungkot na ang mga mata niya.
"Sorry Zella hindi ko maibibigay ang gusto mo"
Sagot niya sa akin na kinabagsak ng pag-asa ko,
"Pero Liam..?"
"Zella matagal ng usapin itong pagpapakasal natin maraming maapektuhan sa hinihiling mo"
Sabi pa din niya',
"Mahal Kita zella'
Sabi niya ulit na labis kong kinagulat.
'Matagal na kitang minahal kaya naging kampante ako dahil alam ko naman na tayo pa din ang para sa isa't isa"
"Pero Liam hindi kita Mahal"
Sagot ko naman sa kanya, Pero mas lalo ako nagulat sa sumunod na sinabi niya.
"Alam ko iyon' at alam ko kung sino ang mahal mo"
Kasabay ng boses niya ang paglungkot nang kanyang mata.
"Sige zella pagbibigyan Kita pero matutuloy pa din ang kasal natin dahil iyon ang inaasahan ng mga magulang natin"
May galit na sa boses kasabay ang paglambong ng kanyang mata.
"Hindi ko ipaparehistro ang kasal natin, At tayong dalawa lang ang makakaalam pero bigyan mo ako ng anim na taon para pag-aralan mong mahalin Zella"
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya sa akin ngayon.
"ikakasal tayo kung ano ang napagkasunduan magsasama tayo bilang mag-asawa pero hindi ko ipipilit ang sarili ko sayo'"
Patuloy pa din na sabi niya' hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga naririnig ko mula sa kanya.
"Anim na taon Zella! Ang hinihingi ko sayo' kung hindi mo pa din ako natututunan na Mahalin sa loob ng anim na taon na iyon, Kusa akong lalayo sa iyo kahit masakit pa para sa akin"
Nakikita ko ang pahihirap ng loob niya sa bawat sinasabi niya.
"Liam paano mo ako minahal? bata pa tayo nang huli tayong nagkita diba?"
Pagtatakang tanong ko sa kanya, dahil akala ko napipilitan lang din siya sa Arrangements Marriages na ito.
"Siguro bata pa lang ako may nararamdaman na ako para sa iyo'"
Pag-uumpisa niya ng sagot sa tanong ko,
"Lalo pa yata umusbong iyon nang lagi sinasabi ni daddy na magiging asawa kita sa pagdating ng tamang panahon"
Biglang naging masaya ang ngiti niya.
"Lalo na nang laging nagpapadala si Tito ng mga picture mo habang nagdadalaga ka"
Nakangiti pa din na sabi niya.
"Hindi ko maipaliwanag pero masaya ako na nakikita kita kahit sa ganoong paraan lamang"
"Kaya sana Zella bigyan mo ako ng pagkakataon na turuan ka na mahalin ako"
Ang hirap magdesisyon ang dami ngang masasaktan sa isang bagay na gusto kong mangyari
Pero paano si kuya alistair? Kahit wala siyang sinasabing na Mahal niya ako.
Pero nararamdaman ko naman na Mahal niya rin ako.
Hindi ko siya binigayan ng malinaw na sagot mula sa akin. Siya na rin ang Naghatid sa akin sa bahay
nang una tumangi ako, pero mapilit siya.
Habang nasa biyahe walang nagsalita sa aming dalawa. Paghinto ng sasakyan niya sa labas ng gate nagsalita na ulit siya.
"Gusto mo ba ihatid na kita sa loob?"
Tanong na niya sa akin.
"Huwag na' salamat sa paghatid mo sa akin"
Matipid ko na tugon sa kanya,Pero bago ako nakalabas ng pintuan ng sasakyan niya may sinabi ulit siya sa akin.
"Zella hihintayin kita sa simbahan' tulad ng sabi ko anim na taon ang hinihingi ko"
Pakiusap niya sa akin sa mahinahon na boses. Hindi ko na siya nilingon at tuloy tuloy na akong pumasok sa loob ng bahay.
Nakita ko si mommy Evelyn na gising na habang kausap si Nanang, Napalingon pa silang dalawa sa akin.
"Iha' nandiyan ka na pala bakit hindi mo man lang pinapasok si Liam?"
Pagtatanong niya sa akin. Nagulat ako sa tanong niya paano niya nalaman na kasama ko si Liam,
Nakita niya siguro ang pagtataka sa mukha ko.
"Tumawag kasi si Liam sa daddy mo sinabi niyang kasama ka niya'"
Sagot sa akin ni Mommy evelyn.
Muli na siya bumaling kay Nanang,
"Sige po Nanang ok na po ang lahat ng iyan"
Pagkatapos iniwan na kami ni Nanang,
"Nga pala iha' pagkagising ng kuya Alistair mo hinahanap ka"
Bigla ako kinabahan sa sinabi ni mommy,
"Ewan ko ba sa batang iyon parang batang balisa nang sinabi ko na kasama mo si Liam' sabi ko sa kanya huwag siya mag-alala at magiging asawa muna naman ang kasama mo"
Dahil sa sinabi ni mommy agad-agad ako tumakbo paakyat sa itaas, Narinig ko pa na tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin.
Gusto kong magpaliwanag kay Kuya Alistair, Pero pagbukas ko ng pintuan ng kanyang kwarto, Walang kuya Alistair akong nakita.
Kinakabahan na bumaba ulit ako.
Pagbaba ko sa sala nanduon na si daddy katabi si mommy sa upuan, Tinawag naman ako ni daddy at tinuro na maupo ako sa tabi niya, Pagkaupo ko niyakap niya ako.
"Why are you sad my Princess?"
Paglalambing na tanong sa akin ni daddy. Hindi ko siya sinagot yumakap na lang din ako sa kanya.
"Darling bakit bigla-bigla naman ang desisyon ng anak mo kung kelan kasal pa naman ni Zella"
Narinig ko na tanong ni daddy kay Mommy Evelyn
"Ewan ko ba sa batang iyon nagulat din ako sa bigla niyang pagtangap sa offer ng tito niya na pamahalaan ang negosyo duon"
Sagot naman ni mommy evelyn.
"Hangang kailan daw ba siya sa Spain?"
Labis na kinagulat ko ang tanong ni daddy kay mommy,
"Wala siyang nabanggit darling"
Sagot naman nibMommy Evelyn,
Nasaktan ako sa mga naririnig ko kay Mommy Evelyn. Hinayaan ko lumabas ang luha ko habang nakasandal sa dibdib ni daddy.
Kuya bakit ka umalis? Kung kailan handa na ako na ipaglaban ang nararamdaman ko para sayo.
Bulong ko habang umiiyak, Naramdaman ko na inangat ni daddy ang mukha ko,
Nagulat pa siya sa nakita niyang pag-iyak ko.
Nabasa pala nang luha ko ang damit ni daddy kaya siguro tinignan niya ako.
"My princess why aye you crying?"
Pag-aalala na tanong niya sa akin.nakita ko din ang pag-aalala sa mukha ni Mommy Evelyn.
Umiling lang ako at yumakap ulit kay daddy habang patuloy na umiiyak.
Ramdam ko ang pagtataka sa kanilang dalawa. Laking pasalamat ko na lang dahil hindi nila ako pinilit na tanungin kung bakit ako umiiyak.
Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni daddy at ang paghalik niya sa uko ko..